Episode 8.3

820 Words
NAPATINGIN si Shea kay Spencer nang mag-excuse ito sa kanila dahil sa tawag na natanggap nito. Kasalukuyan silang nakaupo sa sofa at nanonood ng palabas sa T.V. dahil katatapos lang nilang maghapunan. Nakasunod lang ang tingin niya sa lalaki hanggang sa makalabas ito ng bahay. Napabuntong-hininga siya at nagpasyang sundan si Spencer. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa pinto. Saktong paglabas niya ay nakita niyang ibinaba na nito ang cell phone na hawak. Napalingon ito sa kanya at napangiti. Ginantihan niya naman ang ngiti nito. Sumulyap siya sa wristwatch na suot. Pasado alas-otso na ng gabi. “Aalis ka na ba?” “Gusto mo na ba akong umalis?” tudyo nito. “H-Hindi naman,” sinabayan niya pa iyon ng mabilis na pag-iling. “A-Akala ko kasi… i-importante iyong tawag mo.” Nagkibit-balikat ito. “Si Patricia lang iyon,” anito. Napatingin siya dito. There was a twinge of jealousy that filled her heart but she tried to ignore it. “P-Patricia…” tumango-tango siya. “A-Asawa mo? Girlfriend?” Tumawa ito at umiling. “Hindi. Anak lang siya ng isa sa mga board members ng kompanya ko. She’s a friend.” “B-Bakit siya tumawag sa’yo?” Alam niyang nagiging usisera na siya pero hindi niya naman mapigilan ang sarili. “Oh, sinabi niya kasing balak niyang mag-bakasyon din dito. Nasa New York siya ngayon at mamaya na daw madaling-araw ang flight niya,” sagot nito. Tumango na lang siya. Bakit naman dito pa balak mag-bakasyon ng babaeng iyon? Nais niya pa sanang itanong iyon pero pinigilan niya na ang sarili. Nagpasya na lang siyang ibahin ang usapan. “Bakit nga pala hindi mo sinabi sa aking kilala mo ang mga kapatid ko?” Napakamot ito sa ulo. “I’m sorry,” paghingi nito ng paumanhin. “Hindi ko naman intensiyon na ilihim sa’yo. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin,” tumawa pa ito. Humugot siya ng malalim na hininga. “It’s okay, hindi na naman mahalaga iyon,” wika niya. “Dapat pa nga akong magpasalamat dahil ikaw pala ang nakakumbinsi kay John na pumasok uli. Ngayon ko lang siya nakikitang naging masaya ng ganoon, mukhang unti-unti nang bumabalik ang tiwala niya sa sarili.” “Wala iyon,” bumuntong-hininga rin ito. “Simpleng gadgets lang iyon at simpleng payo.” “Payo?” ulit niya. “Oo, sinabihan ko lang naman siya na hindi pa katapusan ng lahat ng pangarap niya ang nangyari sa binti niya. That there’s still hope as long as he’s breathing, na masuwerte pa rin siya dahil may mga tao pa ring nag-aalala sa kanya. May mga tao pa ring gagawin ang lahat para matulungan siya,” tinitigan siya nito. There was something in his blue eyes that made her heart beat wildly in her chest. Itinuon niya ang paningin sa lupa, alam niyang pulang-pula na ang buong mukha niya. Hindi niya inaasahan na naaalala pa pala nito ang nakaraan nila. Ilang sandali niyang kinalma ang nagwawalang kalooban bago niya nagawang muling mag-angat ng tingin dito. “S-Salamat talaga,” wika niya. “Mukhang… mukhang gustong-gusto ka ng mga kapatid ko,” dagdag niya para ibahin muli ang takbo ng usapan. He kept ogling at her. “Ng mga kapatid mo,” ulit nito bago tumango-tango. He cleared his throat. “Kailangan ko na sigurong umuwi. Ipagpaalam mo na lang ako sa pamilya mo.” Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot sa sinabi nito pero hindi niya iyon ipinakita dito. She smiled at him and nodded. Aktong tatalikod na ito nang may maalala siya. “Oh, Spencer…” pigil niya sa lalaki. Muli itong tumingin sa kanya at hinintay siyang magpatuloy. “M-May event ang kompanya namin sa susunod na linggo,” panimula niya. “Gusto ni Tom na imbitahin ka. Team building iyon at company outing, may conference din daw siyang balak isingit. A-At balak niya rin kasing mag-bakasyon kaya baka tumagal iyon ng ilang linggo. P-Puwede ka bang sumama?” hindi niya napigilan ang pagmamakaawa sa tono niya. Inilihis niya na lang ang tingin para hindi makita ang emosyon nito. “Walang problema,” tugon nito. “Wala rin naman akong gagawin sa bakasyon ko.” Ibinalik niya ang tingin dito at napangiti. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya sa ginawa nitong pagpayag pero, siyempre, hindi niya magagawang ipakita iyon dito. Hanggang sa magpaalam ito ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Sinundan niya lang ng tingin ang papalayong sasakyan nito. Mukhang kailangan niya nang maghanap ng magandang resort dito sa Davao na maaaring pagdausan ng event ng kompanya nila at magandang lugar para magbakasyon. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng pagkasabik para sa isang event sa trabaho niya at dapat ay pinagagalitan niya ang sarili dahil sa bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD