CHAPTER 4 WORST NIGHTMARE

1662 Words
Nagising ang diwa ko ngunit hindi ko pa idinidilat ang mga mata ko, ramdam ko pa ang pananakit niyon dala ng ilang beses na suntok at sampal na inabot ko mula sa ibang preso. Nang magising ako matapos nila akong pagtulungan ay muli nila akong napaginitan kaya naman muli akong nakatulog. Nakatulog lang ako sa sahig- teka... ang natatandaan ko ay sa sahig ako hinimatay, ngunit bakit ang lambot ng hinihigaan ko? At may unan pa ako! Wala ang masangsang na amoy ng kulungan maging ang asim ng mga kasamahan ko sa loob. Napalitan iyon ng preskong amoy ng mga bulaklak. Bulaklak? Pinakiramdaman ko pa ang paligid habang marahang binubuksan ang mga mata, narinig ko ang pagtunog ng kung ano sa kanang bahagi ko at habang tumatagal ay nakakarinig ako ng mga tinig na nag-uusap hindi kalayuan sa kinahihigaan ko. Nang ganap akong dumilat ay kumabog ng malakas ang puso ko, pamilyar ang kuwartong ito. Mula sa maliit na chandelier, ang mapusyaw na kulay rosas na wallpaper, at ang dual tone na kurtinang ako mismo ang bumili noong nag-aaral pa ako. Nang makita ang malaking litrato ko sa harap ng kama ay napaiyak na ako nang tuluyan. Tumunog ng malakas ang machine dahil may nakakabit sa kamay ko na nagtatrack sa galaw ng puso ko. Bumukas ang pintuan at magkasunod na pumasok ang dalawang nakatatandang kapatid ko at ang lalaking hindi ko inasahang makikita ko pang muli pagkatapos kong takasan noon. Nang mapatingin ako sa aking panganay na kapatid ay napapikit akong muli at malakas na umiyak, "Kuya sorry..." naglandas sa mukha ko ang mga luhang hindi maampat dahil sa kamiserablehang nararamdaman ko. Nakita ko ang galit sa mga mata niya at inihanda ko na ang sarili ko sa pagsambulat niyon, "Why didn't you call me? Why did you let Knight take you away that day? I was at the hospital but I can't save my own sister! F*ck!" malakas niyang sinuntok ang pader na mas nagpadiin ng aking pagpikit. "Kuya Mavi..." pilit kong inaawat ang kapatid ko ngunit ang galit niya ay ibinunton niya sa pader ng kuwarto ko. Hinawakan na siya ni Xavier na may dalang bag na paniguradong naglalaman ng mga gamit sa ospital. You read it right, Dr. Maverick Monteverde, the doctor who keeps on checking on me at the hospital, is my eldest brother. My other brother who wanders around is Mason Monteverde. My real name? Maristella Santos Monteverde, heiress to the MV Group of Companies, owner of Sanguine Malls, the number one opponent of VLine Group na pagmamay-ari ng mga Villareal. "Xavi, kuya Mason pigilan niyo na siya!" untag ko sa dalawa na parehong mariing nakakuyom ang kamay habang nakatitig sa mga galos at pasa ko. "Magbabayad ng mahal ang mga hayop na 'yon..." nagngangalit ang bagang ni Kuya Mason habang binibigkas ang mga salitang iyon. Ngayon pa lang, alam kong pupulbusin nila ang mga Villareal, lalo na si Knight. "Kuya..." naiiyak kong awat sa kanila. Mabilis akong nilingon ni Kuya Mavi at galit na lumapit sa akin, tanaw ko rin sa mga mata niya ang awa ngunit kailangan niyang ilabas ang galit sa akin. "Noon pa man sinabihan na kita na huwag ang lalaking 'yon pero hindi ka nakinig! You are about to get married to someone better Mari!" singhal niya na lalong nagpaluha sa akin. Napatikhim si Xavier at tinapik sa balikat ang kapatid ko, napatingin ako sa kanya ngunit umilap ang mga mata niya. Akala ko ay titigil na si Kuya Maverick ngunit nagtuloy lamang ang galit niya, "Mga magulang na niya ang nagsabing baka masaktan ka lang pero sumige ka pa rin! Tapos ito?" itinuro niya ang mga pasa sa mukha at katawan ko saka napaiyak, "Ganito kang uuwi sa amin ha?" Sumigaw siya ng malakas at muling ibinaling ang galit sa pader ngunit mabilis siyang napigilan ni Xavier. "Your hand is already bleeding dude, dadagdag ka pa sa gagamutin ko," nakangiting turan ni Xavier na kumindat pa sa akin. Lumakad ang kapatid ko patungo sa terasa at doon ay tumulala sandali. Saka naman napiling magsalita ni Kuya Mason na kanina pa halatang nagpupuyos sa galit. "You chose that m*therf*cker over us, look what happened to you Mari..." niyakap ako ni Kuya Mason ng mahigpit, alam kong pinipigilan niyang maluha. He's the strongest among us, ngunit pagdating sa akin ay bigay todo siya kaya naman nang magdesisyon akong magpanggap na simpleng tao kay Knight ay talagang nag-away kami at hindi na nag-usap, ngayon na lang muli. "Sana hindi ako pumayag na magpakasal ka sa hayop na yon! Mapapatay ko siya, mapapatay ko siya!" nanggigigil niyang sigaw, hinawakan ko ang braso niya at umiyak. Lumapit si Kuya Mavi at niyakap ang ulo ko. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya sa galit. Tahimik lamang na nakamasid sa amin si Xavier na kababakasan ng lungkot at pagsisisi ang mga mata. Nginitian ko siya ng tipid ngunit hindi non naalis ang sakit na nakabalatay sa kanyang mukha. Inilayo ako ni Kuya Mavi at maingat na hinawakan ang mukha ko, "Kung hindi ako tinawag ni Jelly hindi ko malalaman na dinala ka na sa presinto," umiiyak niyang wika saka inilibot ang tingin sa mukha at katawan ko na nangingitim sa pasa. "You... you passed out due to physical trauma, I was too late baby doll, I'm sorry," umiiyak niyang hingi ng tawad sa akin. Habang namamalisbis ang luha sa mga mata ko ay nahanap ko ang boses ko upang magsalita, "A-ayoko sanang sabihin sa inyo kuya..." "Why? Pamilya mo kami kaya karapatan naming malaman iy-" hindi natapos ang sasabihin ni Kuya Mavi dahil bumukas muli ang pintuan ng kuwarto, inuluwa niyon ang mga magulang ko. Malakas na napasinghap ang Mommy ko habang napapikit ang Daddy ko. "Ang anak ko! Mari!" tumakbo ang Mommy palapit sa akin at niyakap ako. Lumayo ang dalawang kapatid ko upang bigyan ng espasyo ang mga magulang namin. "What happened to you? What did they do to you? Oh God! My daughter didn't deserve this!" umiyak nang umiyak ang aking ina habang yakap ako. She is the most protective when it comes to me, and this state that I'm in? This will be her biggest nightmare dahil ultimo insekto hindi siya pumayag na madapuan ako... "Buhay pa ba ang mga gumawa nito sa kapatid ninyo?" walang emosyong tanong ng aming ama na kita ko ang galit sa mga mata. "Dad..." gulat na napamulagat ako sa aming ama. "Ito ang resulta ng pagiging matigas ng ulo mo Maristella, binalaan na kita noon pero..." hinawakan niya ang mga mata at humagulgol palapit sa akin, "We kept you safe and pampered all your life tapos ganito ang sasapitin mo?" hinawakan niya ang mukha ko at niyakap kami ng Mommy. Puro iyak lamang ang maririnig sa kuwarto nang lingunin ni Mommy ang tatlong nakamasid sa amin, "Ang apo ko Mavi nasaan? Kuhanin ninyo ang apo ko! Hindi ako papayag na hindi makuha si Archer sa poder ng lalaking 'yon!" bakas sa tinig niya ang galit at pag-aalala. "We're doing everything Mom, nakausap ko na si Manang Josie. Maayos naman daw doon si Archer, anytime puwede na natin siyang kunin," matatag na sagot ng kapatid ko. "No..." puno ng kumbiksyong turan ko na ikinagulat nila. "Why? Hindi ako makapapayag na manatili pa roon ang apo ko," kunot ang noong tanong ng Daddy. "Ako ang gagawa ng paraan para mabawi ko ang anak ko Dad," muli kong tugon. "And how will you do that? Ayokong bumalik ka pa sa tarantadong asawa mong 'yon!" muling tungayaw ng nakatatandang kapatid ko na ngayon ay binebendahan na ni Xavier ang kamay. Isa rin itong doktor na kasamahan ng kapatid ko at kababata namin. Magkakasama kaming lumaki sa Amerika dahil magkakasosyo ang mga magulang namin sa negosyo at matalik na magkaibigan si Mommy at ang Daddy niya. Huminga ako ng malalim at tumalim ang tingin nang maalala ang pamamahiya ni Knight sa akin sa ospital, "I will make him pay for this kuya... I will make him suffer the way I did for the last two years. Lahat ng sakit at hirap na dinanas ko ay dadanasin niya rin..." "I'll process your divorce then," Kuya Mason uttered with so much distaste. I smirked and chuckled, "We're already divorced, at ni singko wala siyang ibinigay sa akin. He got the sole custody of Archer because he used the reason of me being not employed and that I have a mental problem," my eyes begin to water when I remember how my son cried the last time. "That a**hole!" Kuya Mavi shouted while gritting his teeth. "Get the acquisition papers ready kuya, pababagsakin ko ang kumpanya niya nang hindi niya nalalaman. Saka ko babawiin ang anak ko. Siya ngayon ang luluhod at hahalik sa mga paa ko," nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Matapang na napatingin ako kay Xavier na walang emosyon ang mga mata bago tumango upang ipabatid na susuportahan niya ang anumang desisyon ko. Kung hindi lang ako naging pasaway sa mga magulang ko, hindi sana hahantong sa ganito ang buhay ko. Hindi sana malalayo sa akin ang anak ko... Hindi sana mawawasak ang puso kong akala ko nakahanap na ng tahanan... Nabulag ako sa panlabas at hindi tiningnan ang panloob. Masyado akong nabulag sa salitang 'I love you' na lason palang halos pumatay sa akin... My parents never put their hands on me, especially my brothers who treat me like the most precious gem in the world. I graduated from the US and was about to handle the business because Kuya Mavi don't want anything to do with our chains of malls, while Kuya Mason focuses on cars and women, though he helps Dad once in a while. I'am their only hope, but when Dad told me about VLines' new president, I got curious and tried to apply as Maristella Santos and work as a sales clerk on their department store. Little did I know, that meeting Knight Rave Villareal would be the worst nightmare I could ever have...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD