WARNING ‼️ SPG LALONG lumalim ang halikan namin ni Andriuz sa isa't isa nang makapasok kami sa kotse niya. Malayo sa magulo at masiglang tunog ng bar. Wala akong ibang marinig kundi ang tunog ng mga halik namin ni Andriuz at ang malakas na tíbok ng puso ko. "Andriuz..." Mahina kong sambit habang patuloy ang mapusok naming halikan. Hindi ko na alam kung tama pa ba 'tong ginagawa namin, lalo na sa ganitong sitwasyon. Pero bakit ang hirap huminto? Bumaba ang mga halik ni Andriuz mula sa labi ko papunta sa aking panga, pababa sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang hininga at ang bawat hagod ng kanyang labi sa balat ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat. Halos nawawala na ako sa aking huwisyo. Napayakap ako nang mahigpit, nadarama ko ang init ng kanyang kata

