"Bitawan mo ako," mariin kong sabi sa lalaki habang pilit kong tinatanggal ang mga kamay niya sa beywang ko. Pero imbes na bitawan ako, mas lalo pa siyang lumapit.
"I’ve been watching you all night, Amara. And I know you need a distraction." Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa leeg ko, at mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko.
"Who are you?" tanong ko, pilit na nilalakasan ang boses ko kahit na parang nauubusan na ako ng lakas.
"You don't need to know my name. All you need to know is that I'll make you forget everything tonight."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi niya. What the héll? Sino ba tong taong 'to? Sino siya para basta na lang magsalita ng ganon? I don't need a distraction especially from someone like him na bastos at arogante.
"Sorry, pero hindi ako interesado."
"You're playing hard to get. I like a challenge." His voice was smooth, pero sa ilalim nito naramdaman ko ang isang bagay na hindi ko maipaliwanag—isang bagay na tila ba nagbabanta.
"Bitiwan mo ako," matigas kong sabi, pilit na inaalis ang kamay niya sa beywang ko pero mas lalo niya lang hinigpitan.
"Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan, Amara. Gusto ko lang makasama ka ngayong gabi."
"Sorry, I'm not the type of woman. Maghanap ka nalang ng ibang babaeng gusto mo makasama ngayong gabi."
"Pero ikaw ang gusto ko, Amara," nakangisi niyang tugon na parang aliw na aliw sa sitwasyon.
"Get your hands off me. Kapag hindi mo ako binitiwan, sisigaw ako."
Napansin kong kumunot ang kanyang noo, ngunit hindi pa rin niya ako binitiwan. Sa halip, mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
"I like that fire in you, Amara. Pero alam kong hindi ka sisigaw. Hindi mo gusto ng eksena, at lalong ayaw mo ng gulo." Ramdam ko ang bigat ng presensya niya, at kahit na pilit kong tinatago ang takot, hindi ko mapigilang manginig.
"Bitiwan mo siya!"
Napalunok ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon mula sa likuran.
Lumihis ang atensyon ng lalaki mula sa akin at tumingin sa likod ko. Napalingon rin ako at hindi nga ako nagkamali.
It's Andriuz.
Nakalagay ang kamay niya sa magkabila niyang bulsa habang matalim ang titig sa'kin na para bang sinasabi niyang ano naman 'tong pinasok kong gulo.
"I said, get your filthy hands off her." Kalmado ang boses ni Andriuz pero halata sa mga mata niya ang pagbabanta.
"Who the héll are you?" matapang na tanong ng lalaki kay Andriuz, pero halata sa boses niya ang kaunting pangamba.
"It doesn't matter who I am," malamig na tugon ni Andriuz.
"What matters is that you're about to regret laying a hand on her."
Kitang-kita ko kung paano napalunok ang lalaki, ngunit hindi pa rin niya binitiwan ang pagkakahawak sa'kin.
"Hindi mo ba ako kilala?" nakangising tanong ng lalaki, puno ng kayabangan.
"Wala akong pikialam kung sino ka? Ang gusto ko bitiwan mo siya bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo."
Pakiramdam ko ako ang kinabahan sa mga sinabi ni Andriuz. Kilala ko si Andriuz. He doesn't give a damn. Kaya niyang pumatay ng tao kung tinik ito sa lalamunan niya.
Nanunuyang ngumiti ang lalaki. "Oh man! You’re crossing a line with someone you shouldn’t—"
Hindi na natapos ng lalaki ang sinasabi niya, dahil mabilis na hinablot ni Andriuz ang kwelyo ng kanyang damit at itinulak siya papalayo. Agad na hinawakan ni Andriuz ang kamay ko at pinapunta sa likuran niya.
Umurong ng ilang hakbang ang lalaki, tila nag-iisip kung makikipagtalo pa ba o aalis na lang. Ngunit bago pa man siya makagawa ng desisyon, naglakad si Andriuz palapit sa kanya at muling hinawakan ang kwelyo ng kanyang damit.
"One more step towards her...and I'll kill you."
Napaatras ang lalaki, tila naramdaman ang seryosong pagbabanta ni Andriuz.
"Fine, I'm leaving. Pero hindi pa tayo tapos. Babalikan kita, Amara." Matalim akong tinitigan ng lalaki bago siya tuluyang naglakad palayo.
Nang mawala na sa paningin namin ang lalaki, parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Nilingon ko si Andriuz na nakatitig sa akin, malalim ang paghinga. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin, pero imbes na magsalita, tumahimik lang ako, hinayaan siyang basagin ang katahimikan.
"Amara...Ano naman 'tong pinasok mong gulo? Bakit mo hinayaan ang lalaking 'yon na makalapit sa'yo!" Halata sa boses niya ang magkahalong galit at pagkairita.
"Hindi ko alam, okay? Bigla na lang siyang sumulpot habang sumasayaw ako. Tinulak ko siya, but he was so persistent."
Hindi agad nagsalita si Andriuz, tinitigan niya lang ako ng matagal na para bang may gusto siyang sabihin.
Nang hindi siya makatiis, hinila niya ang kamay ko palapit sa kanya at mahigpit na niyakap.
"Amara..." bumulong siya sa'kin.
His voice is husky every time he whispers my name.
"You haven’t seen how much I’ve been troubled over you."
Ang init ng kanyang hininga ay dumampi sa aking tenga, at sa sandaling iyon, tila nawala lahat ng ingay sa paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tíbok ng puso ko na para bang gusto nitong kumawala sa aking dibdib.
"Andriuz..." Mahinang sambit ko, naguguluhan kung bakit ganito ang epekto niya sa'kin.
Kumalas ako sa pagkakayakap, at tinitigan ko ang mukha ni Andriuz. Matangkad siya kaya halos tumingala ako sa kanya.
Hindi ko alam pero gustong gusto ko kung paano ako titigan ng mapupungay na mga mata ni Andriuz. Pakiramdam ko ang ganda ko sa paningin niya.
Dumako ang pansin ko sa mamula-mula niyang labi, at pakiramdam ko biglang nanuyo ang lalamunan ko.
"Kiss me, Andriuz."
“No, you're drunk...at wala ka sa tamang huwisyo."
"Nakainom lang ako, pero hindi ako lasing.”
Nakita kong nag-igting ang panga ni Andriuz.
"Amara, hindi mo alam kung anong sinasabi mo. Hindi ito ang tamang oras para—” Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, hinawakan ko ang mukha niya at idinampi ang labi ko sa kanya.
Akala ko itutulak niya ako, pero nagulat ako nang hinawakan niya ang ulo ko ng mahigpit, at sinuklian ang halik ko ng isang mapusok at mainit na pagdampi ng kanyang mga labi.
Mas lalong umingay ang buong bar nang palitan ng DJ ang tugtog. Mula sa fog machine, umusok ang buong entablado kaya naghiyawan ang mga tao at halos maglundagan sa tuwa, habang ako naman nalulunod sa mga halik ni Andriuz.
Alam kong hindi tama itong ginagawa ko, pero kahit ngayong gabi lang, gusto kong kalimutan lahat ng problema.