FÚCKBUDDY

1639 Words
"Please Henry, tell me the truth..." Halos magmakaawa ako sa kanya kasabay ang pagdaloy ng mga luha. "Amara please..." Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Henry. Parang gusto niyang sabihin, pero natatakot siyang bitawan ang mga salita baka mas lalo akong masaktan. "Henry, sabihin mo na. I need to hear the truth. Please, kahit ngayon lang maging totoo ka sa'kin." Hindi ko alam kung paano ko siya nagawang hikayatin kahit na alam kong sa huli, ako lang din ang masasaktan. "Amara, I'm sorry...Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa’yo." Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Nakayuko siya, tila ba tinatago ang konsensya. "Danica and I.. are f**k buddies. But it was casual séx only, Amara. Maniwala ka sa'kin ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw pa rin ang babaeng gusto kong pakasalan." Pakiramdam ko nagpanting ang aking teynga dahil sa mga narinig ko. They are f**k buddies? Ibig sabihin hindi lang isang beses may nangyari sa kanilang dalawa ni Danica? Gusto kong sumabog sa galit pero pinilit kong maging kalmado. "Since when, Henry?" Naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay habang pilit kong pinipigilan na mapahagulgol ng iyak. "Since last year. It happened a few times. Pero it was never serious, Amara." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Isang taon na. Isang buong taon na akong niloloko ng dalawang tao na pinagkatiwalaan ko nang buo. Hindi ko alam kung saan huhugutin ang lakas para manatiling kalmado kasi pakiramdam ko sasabog na ako sa galit. "So, isang taon na, Henry. Isa taon niyo na akong niloloko? I keep my virginity for you, dahil 'yon ang gusto mo, di ba? Gusto mo ng babaeng bírhen ang ihaharap mo sa altar ng simbahan?" “Exactly Amara, mahal na mahal kita and I want to preserve you.” “Pútanginang rason na 'yan Henry! Naiintindihan kong may pangangailangan kayong mga lalaki. Pero bakit sa kaibigan ko pa, Henry? Bakit hindi mo sinabi sa'kin? I'm willing to give my vírginity to you, kung sinabi mo lang." "I want us to have our first time when we're married, Amara." "Sa tingin mo sapat na rason 'yan para lokohin mo ako, Henry? Minahal kita ng sobra, but you betrayed me in the worst possible way." "Amara, I know. Alam ko na mali ako. Alam kong wala na akong mukhang maihaharap sa'yo. But please, I'm begging you. Let's try to work this out. I can change. I will change. Just don't leave me." Kitang-kita ko ang paghihirap sa mukha ni Henry. Pero ngayon, wala na akong pakialam. I’ve shed enough tears for this man. Walang lugar dito ang awa. Hindi sila nakaramdam ng awa sa'kin n'ong niloko nila akong dalawa ni Danica. "Hindi ko alam kung paano kita mapapatawad, Henry. Hindi ko alam kung kaya ko pang pagkatiwalaan ka. You betrayed my trust, and it’s something that can never be fixed. " Natahimik siya, halatang wala ng maisagot. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko ang panghihinayang at pagsisisi sa kanyang mga mata. Pero huli na ang lahat. "Amara, please..." Tinitigan ako ni Henry, puno ng lungkot kanyang mga mata. "I’m done, Henry. I’m done with this relationship. I’m done with you." Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa, agad akong tumayo at naglakad palabas ng coffee shop. Ilang ulit niyang tinawag ang pangalan ko. Pero hindi na ako lumingon pa. Para saan pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa coffee shop habang 'yong mga luha ko wala pa ring tigil sa pagdaloy. "Amara!" Narinig ko ang boses ni Henry mula sa likuran kaya mabilis akong naglakad. "Amara! Please, just hear me out one last time." Patuloy niyang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya kayang harapin pa. Ayoko na siyang makita, ayoko ng marinig ang mga paliwanag niya. Nakita ko ang isang taxi na dumaan sa kalsada kaya agad akong nagtaas ng kamay. Huminto ang taxi sa tapat ko at bago pa ako maabutan ni Henry, mabilis akong sumakay at agad na isinarado ang pintuan. Narinig ko ang malakas na boses ni Henry mula sa labas ngunit hindi ko na ito pinansin. Habang papalayo ang taxi mula sa coffee shop, patuloy naman ang pagbuhos ng aking mga luha. Hindi sana ako masasaktan ng ganito kung ibang babae ang pinatulan ni Henry. Pero si Danica? Siya na kilala ko mula pagkabata, siya na pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay? Childhood bestfriend kami ni Danica kaya mahirap sa'kin na tanggapin na nagawa niya akong traydorin dahil tinuring ko na siyang tunay na kapatid. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya agad kong pinunasan ang aking mga luha. Kinuha ko ang cellphone mula sa clutch bag dahil baka si Kuya ang tumatawag. Pagtingin ko sa screen, kumunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan ni Avianna, kabarkada ko sa college. Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko o hindi. Ngunit sa huli, pinili kong sagutin ang tawag. "Avianna..." sagot ko habang sinusubukang pigilan ang hikbi sa aking boses. "Nasaan ka na, Amara? Nandito na kaming lahat sa BGC night club. Ikaw nalang 'yong kulang. Don't tell me, nakalimutan mong birthday ngayon ni Thalia?" Sunod sunod ang talak ni Avianna dahilan para mapaisip ako. It took me a few seconds bago ko naalalang Sunday pala ngayon at birthday ni Thalia. Last week pa naming pinagplanohan sa group chat that we're going to BGC to celebrate Nathalia's 21st birthday, pero nakalimutan ko dahil sa nangyari sa'min ni Henry. "Amara, ano? Pupunta ka pa ba?" inip na tanong ni Avianna sa kabilang linya. "Yeah...I'm on my way. May konting inasikaso lang ako." "Okay, bilisan mo ha? Hinihintay ka na ni Thalia. Sabi niya, hindi kompleto ang birthday celebration niya kung wala ka." "Okay, I'll be there soon." Binaba ko na ang tawag pagkatapos naming mag-usap ni Avianna. Sumandal ako sa upuan ng taxi at huminga ng malalim. Kailangan kong magpanggap sa harap ng mga kaibigan ko na okay ako para maiwasan ko ang maraming tanong nila. Hindi ko pa kayang magpaliwanag sa kanila ngayon, lalo na’t sariwa pa sa'kin ang sakit ng pagtataksil ni Henry at ni Danica. "Manong sa BGC po." Tahimik na tumango ang driver at dahan-dahang iniliko ang sasakyan sa direksyon patungo sa BGC. Nag-abot ako ng one thousand pesos sa driver pagdating namin sa BGC. Hindi ko na kinuha ang sukli dahil hinayaan niya akong magdrama kanina habang nasa biyahe. Nang bumaba ako ng taxi, mabilis kong pinunasan ang mga natirang luha sa aking mga mata at tinangkang magmukhang maayos. Hindi ko gustong ipakita sa kanila na heartbroken ako ngayon. Lalo na't kaarawan ni Thalia at ayaw kong sirain ang gabi niya sa personal kong problema. Pagpasok ko sa loob ng Lunar Night club, agad na sumalubong sa'kin ang masiglang dagundong ng musika at ang makukulay na ilaw. Maraming tao kaya halos hindi ko makita ang pwesto nila Avianna. "Amara!" Nakita ko si Thalia na kumakaway sa'kin. Mabilis siyang lumapit sa'kin at agad niya akong sinalubong ng yakap. "Amara! Akala ko hindi ka na makakapunta. I missed you!" "I missed you too, Thalia. Happy birthday!" I smiled at her, kahit na sa loob ko gusto ko ng humagulgol at magkwento sa kanya. Hinawakan ni Thalia ang kamay ko at hinila ako papunta sa mesa kung saan naroon sina Avianna at ang iba pa naming mga barkada. Mukhang kanina pa sila nagsimulang mag-inuman kasi mukang may tama na si Avianna. Sigurado akong maya't maya maghahanap na 'yan ng hot daddy na lalandiin. "Finally! Dumating na ang prinsesa!" pang-aasar sa'kin ni Avianna at inabot sa'kin ang isang baso na puno ng beer. "Let’s drink! Para sa birthday ni Thalia!" sigaw ni Jannah at sabay-sabay naming itinaas ang aming mga baso at nag-toast para kay Thalia. Mabilis kong naubos ang isang baso ng beer at pakiramdam ko may kakaibang hatid na ginhawa ang lamig ng beer. "Wow Amara! Mukhang game ka ngayon ah!" biro ni Avianna habang pinupuno ulit ng beer ang baso ko. Napansin ko ang malandi niyang tingin sa lalalaking nasa VIP area. Gwapo ito at sa tingin ko nasa late thirties. Itsura palang nito halatang bilyonaryo kaya sigurado akong may new target na lalandiin na naman si Avianna. Lumipas ang dalawang oras at marami na rin kaming naiinom na alak. Naubos na 'yong anim na bucket ng beer kaya nag-order ulit si Jannah ng apat na bucket ng beer at dalawa pang bote ng whiskey. Walo kami, pero apat nalang kaming natira nina Luna at Thalia sa mesa. Si Avianna, biglang nawala hindi ko alam kung saan nagpunta. Ang nakakapagtaka, nawala rin sa VIP area 'yong lalaking palihim na pinagmamasdan kanina ni Avianna. Napailing nalang ako at nagdasal na sana hindi mabuntis si Avianna. "Amara, halika sumayaw tayo!" sigaw ni Thalia na ngayon ay halatang tinamaan na rin ng alak. Gusto kong tumanggi pero dahil birthday niya, pinagbigyan ko na. Tumayo ako at sinabayan ko siya sa dance floor. Pagdating namin sa gitna ng dancefloor, nag-umpisa nang mag-iba ang tono ng musika, isang slow song ang pumalit sa upbeat na kanta kanina. Tumugtog ang kantang Dancing Queen at tuwang tuwa naman si Thalia dahil paborito niya daw ang kantang ito. Sa ilalim ng mga kumikislap na ilaw, hinayaan kong dalhin ako ng musika at sandaling kalimutan ang dinadalang problema. Itinaas ko ang kamay ko at sinabayan ng sayaw ang ritmo ng kanta. Napaigtad ako nang maramdam kong may humawak sa aking beywang mula sa likuran. Umikot ako para maharap siya at nagulat ako nang makita ko ang isang gwapong nilalang. Pamilyar ang mukha ng lalaki ngunit hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita dati. Inilapit niya ang labi niya sa teynga ko at pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan nang bumulong siya. "Amara..." Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil bakit alam niya ang pangalan ko. "I want you tonight, Amara," muling bulong niya dahilan para mapakurap ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD