NAGISING ako nang maramdaman ko ang mga brasong nakapalibot sa aking katawan. Tumingala ako at nakita ko si Andriuz na natutulog pa rin sa aking tabi, his hands tightly embracing me na para bang ayaw na akong pakawalan. Ang amo ng mukha niya kapag tulog, pero kapag gising, dinaig pa ang bata sa sobrang kulit at palaging gusto ng lambing. Nilingon ko si Zachary sa tabi ko. Napangiti ako nang makita kong mahimbing ang tulog niya. Mukhang tahimik at payapa na siya ngayon, tila walang bakas ng mga bangungot na kanyang pinagdaanan kagabi. Pero kahit na alam kong payapa ang tulog niya, I know the memories of his parents and the trauma he experienced continually haunt him. At kahit sa mga maliliit na paraan o simpleng bagay lang na kaya kong gawin, I want to offer him the support he needs to o

