ANG SALA ay nagmistulang sinehan para sa aming movie marathon–may malambot na mga unan at kumot na nakalatag sa sahig. Ang mga ilaw ng sala ay pinatay, tanging ang ambient na liwanag mula sa TV ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Si Andriuz naman, nag-ayos ng ilang snacks, may popcorn, cookies at drinks sa mini table "Anong movie ang gusto mong panoorin, Zachary?" tanong ni Andriuz, habang nakangiti itong nakatitig sa inaanak niya. Nakaupo si Zachary sa gitna namin ni Andriuz, hawak-hawak ang malambot na stuffed toy na regalo ni Andriuz sa kanya. "Gusto ko po 'yung action, Ninong! Gusto ko ng Spiderman!" sagot ni Zachary, ang mga mata niya ay kumikislap sa tuwa. Halatang sabik na sabik sa kanyang piniling pelikula. "Okay, here we go!" Kinuha ni Andriuz ang remote at naghanap ng Spid

