LIMANG ARAW ko ng hindi nakikita si Andriuz. Limang araw na rin akong hindi mapakali. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng inis sa kanya, kasi pakiramdam sinasadya niyang paglaruan ang isip ko. Sumasakit lalo ang ang utak ko sa kakaisip. Nandiyan si Henry na patuloy pa rin akong kinukulit at palaging nagpapadala ng bulaklak sa opisina. Si Danica naman parang baliw sa kakabintang sa'kin na nakipagbalikan daw ako kay Henry. At dumagdag pa itong si Andriuz na hindi ko malaman kung iniiwasan niya ba ako o ano. Totoo bang talagang binibigyan niya lang ako ng espasyo? O baka naman gumagawa lang siya ng paraan para mas lalo akong magulo? Tinupad nga niya ang usapan na maglalagay siya ng distansya, pero sa halip na makalimutan ko siya, mas lalo ko siyang naiisip. Hindi ko rin maintindihan itong

