NAALALA kong pinahiram pala ako ni Andriuz ng coat noong nagkaroon kami ng dinner meeting nina sir Davidson kasama si Mr. Javier at Ms. Martinez, kaya naisipan kong 'yon nalang ang gagamitin kong dahilan na isasauli ko kay Andriuz, para lang mapagbigyan itong malandi kong mga mata na makita siya. Nakakainis kasi sa huli ko na naalala na may coat pala akong dapat pang ibalik kay Andriuz. Napahamak pa ako don sa lagari. At dahil segurista si Migz at Dani, sinamahan pa nila ako sa bahay para kunin ang coat ni Andriuz. May dalang kotse si Migz kaya sila raw ang maghahatid sa'kin mamaya kina Andriuz para makasigurado silang susunod ako sa usapan namin. Pagdating namin sa bahay, pinaupo ko muna sa sofa sina Migz at Dani. Gumawa muna ako ng pineapple juice para kay Dani, at dahil maarte itong

