bc

My Secret Romance

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

Paano ba niya pakikitunguhan ang bagong damdamin na sumibol sa kaniyang puso gayong ang katotohanan ay nakatali na siya sa iba? At kung siya man ay makalaya sa iba, hindi kaya maging hadlang sa magandang pakikitungo sa kaniya ng binata ang itinatago niya na nangyari limang taon na ang nakalilipas?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
HABANG tahimik na nakaupo sa madilim na bahagi ng nightclub na iyon ay pinagmamasdan niya ang grupo ng mga kababaihan na kung pagmamasdang maigi ay mukha lang mga nasa senior high school. Puno ng sari-saring amoy ang lugar sanhi ng pinaghalo-halong usok ng sigarilyo mula sa mga taong nasa loob. Napaismid siya nang mapansin ang isang babae na halos nakadukdok na ang ulo sa mesa. Hindi mawari kung dahil iyon sa kalasingan o kung ito ba ay nakalaklak ng ibang uri ng inumin. "Loko ka. Ano na naman ang tumatakbo sa isip mo at kanina mo pa tinititigan ang babaeng nakadilaw ," hindi kalakasang tinapik siya sa balikat ni Barron na siyang nagpabalik ng kanyang diwa sa pinag-uusapan nila. Si Barron ang may-ari ng club at kaibigan niya mula pa noong sila ay nasa kolehiyo. Nasa Revel siya. Isang kilalang nightclub na nasa 11th Ave corner 38th ng St. Uptown Bonifacio sa Taguig. Madalas na mga VIP, high-end rollers at mga artista ang makikita sa loob niyon. Mga nilalang na ang hobby ay magwalwal at magwaldas ng pera sa mamahaling mga inuming ini-o-offer sa lugar na tulad niyon. Ang iba'y naroon lamang din naman upang mag-enjoy, maglabas ng sama ng loob at makatakas sa reyalidad ng buhay. Tinapunan lang niya ng tingin ang kaibigan at inabot ang basong kristal na nilamnan nito ng whiskey kani-kanina lamang. Banayad na iniinog ni Rustam ang rim ng nangangalahating laman ng baso. Lumikha ng munting tunog ang mga ice cubes na kasama ng panlalaking alak na nasa baso sa ginawa niya. Napabuntong- hininga at matapos ibalik ang tingin sa mga babae ay sumimsim mula sa baso. "So, ngayong ikaw na ang boss ng company ninyo, hindi ka na rin madalas na mapagkikita rito," si Barron pa rin na ikinawit pa ang braso sa kanyang balikat at kinabig siya ng bahagya. Muling ipinatong ni Rustam ang basong hawak sa mesa at walang anumang pinalis ang braso ng kaibigan na nakaangkla sa kanyang balikat. "Nah," umiling ito at ibinalik ang tingin sa grupo ng mga babaeng kanina pa niya pinapanood mula sa kanilang kinalalagyan. Hindi niya maintindihan ang sarili na animo'y may inggit siyang nadama mula sa isang lalaking halos idikit na ang mukha nito sa pakikipag-usap sa babae. Maya-maya ay magkahawak kamay na tumayo ang dalawa at nakipagsiksikan sa mga nilalang na nasa gitna ng dance floor. Kaninang pagpasok ng mga babae ay naroon na siya. Pinagmamasdan na niya ang mga ito hanggang sa maukupa ang bahagi ng club na may eight-seater table. Natuon ng hindi sinasadya ang kaniyang atensyon sa isang hindi naman katangkaran at kung magsusuot ng three-inch heels ay aabot lamang ang taas hanggang sa kaniyang leeg. Ang nakalugay nitong buhok na sing itim ng gabi at unat na unat ay umaabot lamang sa may balikat. Panaka-nakang iyong hinahagod ng mga daliri nito at iwinawaksi sa likod ng ulo. Hindi maiwasang mapalunok ni Rustam sa tuwing gagawin iyon ng babae. Bahagyang niyang ipinilig ang ulo. Kung tutuusin ang babae ay hindi pasok sa kanyang standard kung ang pag-uusapan ay mga katangiang pisikal na gusto niya sa isang babae. Napangiti siya at nailing matapos muling hagurin ng tingin ang babae. Any male species like himself would call this lady "plain." Hindi pa man nakikilala ito ay nahusgahan na niya ang level ng pisikal na anyo nito. Kung ang mga babaeng sa modernong panahon ngayon ay nahuhumaling sa cosmetic surgeries, ang ilan pa nga ay nakakaadikan na ang mga ito, pupusta siyang natural ang taglay nitong mukha at katawan. Nahinto ang kanyang pag-iisip nang pumailanlang sa ere ang maharot na tugtugin na banyaga ang singer. Hindi mawari kung ano ang laman ng lyrics ng kanta dahil sa mabilis na beat nito. Kasabay nito'y ang maharot ding sayawan ng mga nasa gitna ng dance floor. Napatingin siya sa disc jockey na mukhang enjoy na enjoy sa pagre-remix ng mga tunog. Ibinalik ang tingin sa kabigan. "Temporary lang hanggang maka-recover si Papa, " saad niya. "Ganoon na rin iyon, kanino pa ba mapupunta ang Empire kung ‘di sa'yo. You are his only heir. Ooops! Don’t get any bad idea about what I’ve said. Honestly, nalulungkot ako sa nangyari sa Tito Gerald. He is just on his prime. Kailangan lang siguro niya ng pahinga para manumbalik ang lakas niya,” saka tumayo si Barron at tinungo ang bar. Sinundan na lamang ni Rustam ng tingin ang papalayong kaibigan. Tama ang kaibigan. Pahinga nga ang kailangan ng kanyang ama upang manumbalik ang lakas nito. Biglaan ang atake sa puso na nangyari rito tatlong linggo na ang nakalilipas. Even before, mayroon nang mild attack na nangyari sa mag-aanim na pu at tatlong gulang na ama niya ngunit matagal nang panahon iyon at ipinagsawang-bahala naman ng matanda iyon. Matapos mai-confine sa St. Luke Hospital at bumuti na ang kalagayan nito ay nagpasya siyang iuwi muna ang ama sa probinsiya. Naisip rin ng lolo nitong makabubuti iyon sa kalagayan ng ama. Maya-maya ay tumayo na rin si Rustam. Tinalunton ang daan patungong comfort room matapos makaramdam ng tawag ng kalikasan. Bahagya na sana nitong itutulak ang dahon ng pinto nang makarinig ng mga anas mula sa loob. "Siguraduhin mo lang na walang nakapansin ‘nun at baka masabit tayo," ang tinig ng isang babae na nagmula sa loob. "Basta siguraduhin mo rin na hindi ka tatalikod sa napag-usapan natin pagkatapos nito," sagot ng kausap nito. Nang biglang bumukas ang pinto at iluwal noon ang isang lalaki mula sa loob. Napatda ito nang mabungaran siya sa labas ng pinto at dali-daling lumayo. Naipilig na lamang ni Rustam ang ulo at tuloy tuloy na pumasok. "This room isn't for ladies like yourself," akma na nitong bubuksan ang zipper ng pantalon "Eherm," matapos tapunan ng tingin ang babaeng dinatnan sa loob ay sumenyas siya na lumabas na ito. Para namang nasindak ang babae at nagkumahog itong tumalikod upang lumabas ng CR. Palapit na si Rustam sa kaibigan nang mamataan ang babaeng nakadilaw. Habang nagsasayaw ay nakadikit pa ang likod nito sa kapartner. Kung hindi lang dahil sa kasuotan nito ay hindi na makikilala ang babae dahil sa wari ay nag-iba na ang ikinikilos. Kahit mula sa malayo ay mapapansin ang pagiging agresibo ng babae habang mahalay na sumasabay sa saliw ng tugtugin. Senswal na ihinihahagod nito patalikod ang pang-upo sa lalaking dikit na dikit ang pangharap nito rito. Napalunok si Rustam sa tanawing iyon. Hindi mapigilan ang sariling pagmamasdan ang babae na ang isang kamay ay nakahawak sa sariling leeg at ang isa ay nasa sariling mabibilog na hita na gumigiling sa saliw ng musika. Mariing napapikit ang binata upang iwaksi ang agiw sa kanyang isipan. "Brad, tuloy na'ko. Medyo mahaba-haba rin ang biyahe. Hindi rin ako pwedeng malasing at magda-drive ako. Madulas ang daan sa probinsiya dahil nag-uulan ngayon doon," sabi nito nang makalapit sa kaibigan na nasa counter. "Hey, mamaya na, babe. Pagkatapos nito, you won't be seen here very often dahil magigigng busy ka na sa pagpapayaman," si Aisha na hindi niya napansing nakalapit na pala sa kaniya at ipinulupot ang mga braso nito sa kanyang beywang. Hindi na rin niya nahulaang nabigyan pa siya ng smack sa mga labi sa ilang segundo lamang na nagdaan. Dagli rin niyang binaklas ang malalambot nitong mga brasong nakapulupot sa kaniyang beywang. "Nakakasakit ka ng damdamin, ha," sa nagtatampong tono ng babae. She exaggeratingly rolled her eyes para iparating ang disgusto sa ginawa nitong pagtanggal sa kanyang mga braso. Seksi si Aisha sa suot nitong casual low cut black body fit dress. May slit sa kanang harap ng hita na ang haba ay umaabot lamang hanggang tuhod sanhi upang lumitaw ang mabibilog at mapuputing mga hita ng dalaga. Humahakab ang kasuotan sa katawan, shaping the curve of her breasts and hip. She is a type the opposite s*x can say attractive in a s****l way na pinarehasan pa ng angelic na mukha na nakuha nito sa kanyang inang latina. Umiiling na humila ng barstool ang binata at naupo sa harap ng kaibigan. Nagpasyang tumigil muna kahit sandali sa club upang pagbigyan ang kaibigang babae. Ngingisi-ngisi lamang naman si Barron na umiiling dahil sa ginawi nito. Humila rin ng isang stool si Aisha at naupo sa tabi nito. Inabutan ng bar tender ng mojito ang dalaga. Iniikot ni Rustam ang upuan at humarap sa mga nilalang na nasa dance floor. Wari ay may hinahahanap ang kaniyang mga mata mula sa makapal na taong nagsasayaw doon. At nang hindi makita ang hinahanap ay akma na ulit siyang haharap sa kaibigang nasa counter nang mapansin ang dalawang nilalang na nasa bahaging exit ng club. Napamulagat siya ng tumino sa isip ang itsura ng lalaking kahalikan ng babae. Ito ang lalaking lumabas mula sa CR kanina na dinatnan niyang may kausap sa loob. Marahas na tumayo ang binata at tinungo ang direksiyon sa pintuan. Nagtaka ang naiwang mga kaibigan kung saan ito pupunta. Nagulat na lamang ang mga ito nang walang ano-ano ay pahablot na hilahin nito ang isang babae mula sa lalaking nakayakap rito at sa nanlilisik na mga mata ay inundayan ang lalaking kahalikan nito nang malakas na suntok sa mukha. Napasadsad sa pader ang lalaking sinuntok. Lubhang nagulat sa ginawa ni Rustam. Matalim na tumingin sa kanya at mariing pinahid ng hintuturo ang dugong gumitaw sa bibig. Nang makabawi ay tumayo at marahas siyang itinulak. "Are you crazy?" mas nagbabanta ang tinig ng lalaki kaysa nagtatanong. Pahablot rin nitong hinila ang babae mula sa kanya. " What the hell are you doing, man? Don’t touch her," dinuro pa siya ng lalaki na sa tingin nito'y masisindak nito ang binata sa ginawi niya. "I am only yours, baby," malagihay namang ihinampas ng babae ang mga braso sa dibdib ng lalaki na animo ay wala sa sariling katinuan. Hinilang muli ni Rustam ang babae. "Sira ka ba? Lasing ka na at hindi mo na alam ang ginagawa mo?" singhal niya rito. Lumapit sa lalaki at dinaklot ang lapel ng polo shirts nito. "I've seen it all. You're in real trouble, asshole. Back off or you will end up in jail or worst in a hospital," saka ibinalya ang lalaki. Mahigpit nitong hinawakan sa braso ang babae at inakay palabas ng club. Nagpaubaya naman ito dahil pakiramdam nito sa oras na iyon na nanlalabo ang kaniyang paningin ay umiinog ang mundo. The man smirked, aware of what he did that was unknown to everyone. He couldn't believe how this man behaved with what just happened. Kung hindi naman sa pagnanais niya na mapagbigyan siya ni Trisha sa kanyang matagal nang hinihingi ay hindi niya pagkakaabalahang tapunan ng pansin ang babae. Mulagat na naiwan ang lahat na nang magsimula ang tensiyon ay saglit na tumigil ang mundo. Marahil ay nagulat sa bilis ng mga pangyayari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
104.8K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.6K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
49.4K
bc

The Forgotten Wife

read
43.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.4K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
31.3K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook