CHAPTER 1

2644 Words
MATAMANG pinagmamasdan ni Amirah ang larawan ng lalaking ipinasa ng kanyang nakatatandang kapatid mula sa messenger. The man seems familiar. She has surely seen him before. She just couldn't remember where. Nangalumbaba ang dalaga na ang hintuturo nito'y ipinipitik nang bahagya at paulit- ulit sa kanyang pisngi. "Kanya naman pala kanina pa ako tumatawag sa iyo, beshy ay hindi mo ako pinapansin because you're busy staring at the picture of this handsome man," nagulat pa siya nang mula sa likuran ay hablutin ni Alota ang cellphone mula sa kanya. Hindi sinasadyang maitulak nito si Amirah na bahagyang nasubsob sa mesa. "Hmmn, kahit ako ay talaga namang mai-inlove sa lalaking ito kung ganito ba naman ka hot," eksaherado pa itong pumalatak at tinapunan siya ng malisyosong tingin. Napahugot ng malalim na hininga si Amirah. Inabot ang folder na inilapag ng kanyang kaibigan sa kanyang mesa nang hindi niya namalayang pumasok sa kaniyang opisina. Matamang pinag-aralan ang mga figures na nasa kanyang harapan at muling tumingin sa kaibigan. Si Alota ay kaibigan na niya mula pa high school at ngayo'y nagtratrabaho sa kanila bilang accountant. "Ipinasa ni ate," wika niya na ang kapatid na babaeng tinutukoy ay kasalukuyang nasa Batangas dahil nagkataong nakapangasawa ng tagaroon. "Magkakaroon ng salu-salo sa bahay mamaya, " iniyuko ang ulo at muling tumunghay sa mga papeles. "A dinner together with the family of that man," muling tumingala sa kaibigan. " Kilala mo ba siya?" "My gosh, Amirah! Sino'ng hindi makakakilala sa taong ito," wika ni Alota na nanlalaki ang mga mata. Dinuro pa nito ang larawan na nasa sa screen ng cellphone. Matapos ibalik sa kanya ang telepono ay nameywang ito. Tinitigan siya. "Siya lang naman ang lalaking pinapangarap ng lahat ng nakapaldang mga babae isama mo na rin pati mga binabae. Siya lang naman si Rustam Montelibano na tagapagmana ng Empire!" "Bakit kilala mo siya at ako ay hindi," itinabi ang cellphone at umabot ng ballpen na nasa holder. Matapos ipatong ang kaliwang kamay sa papel na binabasa ay pumirma rito. "Paano mo nga siya makikilala, bes, e ang mundo mo’y umiinog lang sa boyfriend mong mestisong intsik," saka itiniklop ang folder na nasa harap ng kaibigan at uminog sa mesa upang maupo sa visitor's chair na nasa tapat niya. Muli nitong inilapag ang hawak na folder sa mesa at tumitig sa kanya. "Bigyan mo naman ng chance ang sarili mo na makakilala ng ibang lalaki. Hindi ko sinasabing makipag-break ka sa kanya, bes. Sino lang ba ang naging boyfriend mo? Tigilan mo ako sa pagsasabing siya ang nakatakda mong makasama habambuhay, “ lumabi pa ang dalaga sa kanya. “Napakabata mo pa. Sigurado ka rin ba na hindi ka tinu-two time ni Cliff?” Si Amirah matapos makapagtapos ng turismo sa La Salle sa Maynila ay napilitang hindi ituloy ang pangarap na maging isang flight stewardess. Mas naging priority niya ang tumulong sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo sa kanilang bayan. Ang kaniyang pamilya ay hindi maituturing na super yaman ngunit kumpara sa mga naninirahan sa kanilang bayan ay isa sila sa mga pinakamaaalwan ang buhay matapos na makamana ng kaniyang ina ng hindi naman kalawakang lupain mula sa kaniyang nuno at makapag asawa ito ng negosyanteng Chinoy mula sa Hongkong. Nang magkagustuhan ay nagdesisyong manirahan na lamang sa kanilang bayan at magnegosyo. "Maiba tayo," wika ni Alota. "Para saan ang dinner na ito?" "Mahabang kwento. Usapan ng mga matatanda na mahirap baliin kahit nasa modernong henerasyon na tayo, " saad nitong iniunat ang braso upang maabot ang shoulder bag nitong nakapaibabaw sa kaniyang side cabinet sa gawing kanan niya. Hinugot mula sa bag ang kanyang compact powder at sumilip sa salamin rito. "Don't tell me na uso pa sa pamilya ninyo ang fixed marriage," natatawa nitong sabi na nakatingin sa kisame ng opisina. "In this day and age!" "No. Wala na ring saysay na sundin pa ang kasunduan dahil nang mamatay ang lolo ay kasama na rin nilang winalang bahala iyon. Mayroon lamang silang pag-uusapang negosyo. Iyon siguro ang dahilan ng pagkikita nila. Tama iyon nga. Ayokong isipin na may iba pang dahilan." Nagtawa rin si Amirah at ibinalik ang compact powder sa kaniyang bag Inayos ang mga gamit sa ibabaw ng mesa saka tumayo. "Hindi ka pa ba uuwi? Mag-a-alas singko na," tanong nito sa kaibigan. "Walang bayad ang OT," nakangising tumingin siya sa kaibigan. Naiiling na tumayo na rin ang kaibigan at sumabay sa paglabas ng opisina. "Sabay na tayo. Hintayin kita sa may parking. Idadaan na kita sa inyo," tuloy-tuloy na wika ni Amirah at iniwan na ang kaibigan na tumuloy na rin naman sa isang silid na inookupa bilang kaniyang opisina. SA HARAP ng hapagkainan ay sumasasal ang dibdib ni Amirah sanhi ng magkakahalong emosyon na nadarama sa tuwing susulyap sa lalaking nakaupo sa kanyang tapat na isa atang Greek god. Siguro kung makapipinta lamang siya ay perpekto itong gamiting subject. "Kalma lang self," bulong nito sa sarili habang pasimpleng ihinahawak ang kamay sa neckline ng kanyang blouse at pasimpleng ipinapaypay sa dibdib sabay buga ng konting hangin upang mapayapa ang sarili. Tama si Alota, makalaglag panga nga ang kaguwapuhan ng lalaking ito at abnormal na lang ang babaeng hindi makararamdam ng bahagyang init sa katawan kung matititigan nito. Nang ipakilala sa kaniya ng mga magulang ang binatang Montelibano ay naagaw na nito ang kaniyang pansin. She can see through him na sa loob ng suot nito ay lean and muscular ito. Guwapong-guwapo ito sa suot nitong semi suit na ipinaibabaw sa gray shirt nito. Tinernuhan ang mga iyon ng denim pants. Napansin niyang puting-puti ang rubber shoes na suot ng binata. Doon ay hindi niya mapigilang mapahagikgik nang lihim. Bagets ang Greek god na ito. Sumusunod rin sa Korean fashion. At hindi nakaligtas ang ginawi niya sa paningin ng binata. Nakita ni Amirah ang amusement sa mga mata nito. Bahagya niyang naipilig ang ulo sa isiping iyon. Bumalik sa kasalukuyan. hindi sinasadyang mahuli siya ng lalaki sa aktong nakatitig siya rito at magtama ang kanilang mga mata. Nakakalokong ngumisi ito sa kanya at pakiramdam niya ay tinutukso siya sa uri ng pagkakatingin nito. Agad na nagbawi ng paningin ang dalaga at nagkunwaring aabot ng ulam mula sa kanyang harapan. "So paano, Senyor Agusto, e di itakda na natin ang engagement ng mga bata sa katapusan ng buwang ito?" Sa tinuran ng ama ay biglang napatitig ang dalaga rito. "Pa, wala sa usapan natin ang ganito," bulong niya. "Hindi natin kailangang umabot sa kasalan. How do you expect me to marry someone I know nothing about? Besides, paano si Cliff. Paano ko i-e-explain sa kanya na mag-aasawa na ako at hindi siya ang pakakasalan ko?" giit ng dalaga at palihim na minulagatan ang ama. Hindi nakaligtas sa pandinig ng binata ang tinuran ng anak ni Timothy Atienza. Lihim na bumuntunghininga at bahagyang nagtagis ang bagang. "Hindi ba at kanya naririto si Rustam ay upang kilalanin niyo ang isa't isa?" nagtatawang wika ng kanyang ama. pakiramdam ni Amirah ay inaasar siya nito. "Ano pa bang hahanapin mo e sa palagay ko ay wala ka ng maipipintas sa mapapangasawa mo," sabad ng kaniyang ina at tumingin sa bahagi ng binata. Sinalubong naman ito ng ngiti ng binata. Tumango pa ito sa ina at sa nakikita ni Amirah ay nagmamalaki pa ang lalaki sa mga papuri ng ina. “Ma, seryoso kayo sa kasalang sinasabi niyo? Wala na tayo sa panahong uso pa ang mga ganyang usapan,” giit niya at sumimangot. "Hindi naman natin kailangang biglain ang mga bata. Let's give them time to know each other," suhestiyon ng pinakamatandang lalaki na sa pagpapakilala sa kanya ng mga magulang ay abuelo ng binata. Nagkibit lang ng balikat ang kaharap na binata. Nanatiling hindi kumikibo at patuloy sa pagnguya. Sa tingin ng dalaga ay wala itong pakialam sa tinatakbo ng usapan ng mga kaharap. Walang mababasang expresyon mula sa kanyang mga mata. Maliban sa tipid nitong pagsagot sa mga katanungan ng matatanda ay hindi na ito nagsasalita. Dahilan upang maging uncomfortable siya sa harap nito. Bahagya lamang na pagkagulat ang nakita niya mula rito kaninang una silang ipakilala sa isa’t isa. Taliwas sa naramdaman niyang paghanga una pa lang na masilayan ito. Hindi rin niya mahulaan kung ano ang impresyon nito sa kanya. Napasimangot siya sa bahaging iyon. Kung tutuusin ay hindi rin naman siya dehado kung ganda lang din naman ang pag-uusapan. Well, hindi ang itsura niya ang tipong pang-miss universe o pang-modelo, but no one could deny her features were carved by angels, too. Hindi siya pangit sa mga taong may malinaw na paningin. Nang mag-angat ng paningin ay siya namang pagdako ng tingin ng binata sa kanya. Muli ay napaso siya sa titig nito. Pakiramdam niya ay nanunuot iyon sa kanyang buto. Nagbaba ng paningin ang dalaga at itinuon ang pansin sa pagkain. Magalang na nagpaalam ang dalaga sa mga matatanda at tinungo ang veranda. Nakaramdam siya ng bagot sa tinatakbo ng usapan ng mga ito. Masyado nang occupied ang isipan niya ng mga trabaho sa opisina at hindi na kayang i-proseso nito ang ano pa mang usapang may kinalaman sa pagpapalago ng kayamanan gayong nasa bahay siya at dapat ay nagpapahinga na. Hindi na pinagkaabalahang buksan ang mga ilaw sa bahaging iyon ng kabahayan, bagkus ay tahimik na sumandal sa poste. Buntung-hiningang idinako ni Amirah ang paningin sa labas. Para bang ang kadiliman sa labas ay isang magandang tanawin. Mag-aalas diyes na ng gabi at tahimik na ang paligid maliban sa ingay na nagmumula sa tawanan ng mga matatanda na sa palagay niya ay lumipat ang mga ito sa drawing room at ang huni ng mga kuliglig sa labas ay wala nang maririnig na kahit ano pa. "What do you have against me as a husband?" Napaantanda siya sa tinig na dumaan sa kanyang tainga. Halos bulong lamang iyon na sa sobrang lapit nito sa kanya ay hindi malaman kung ano ang gagawin. Sari-saring emosyon ang naidulot niyon sa kanyang pakiramdaman. Naramdaman niyang nakadikit sa kanya ang mukha nito. Parang kuryenteng dumaloy ang init ng hininga nito mula sa kanyang leeg patungo sa kaliit-liitang ugat sa katawan. Hindi nakakilos ang dalaga. "Do we have to kiss first to proceed with the engagement?" tila naman siya nakuryente at naitulak ang lalaki. There is no denying na boses lang ng lalaking ito ay tama nang panlambutan siya ng mga tuhod. "Crazy," nasambit na lang niya rito. Ngunit hindi siya hinayaang makalayo ng lalaki. Nahabol siya nito at ikinulong sa mga bisig. Sumubsob siya sa dibdib ng lalaki. Aware siya na matipuno ang lalaki ngunit wala siyang ideya na sintigas pala ng bato ang mga muscles nito. Parang may gumuhit na excitement sa kaibuturan ng kanyang p********e sa biglang naisip na iyon. Nakayakap ang isang braso sa kanyang beywang at ang isa naman ay hinahaplos ang kanyang mukha. Bago pa niya namalayan ay nasa labi na nito ang mga labi ng lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya iyon inaasahan. Sa kabiglaanan ay naibuka niya nang bahagya ang bibig. Dahilan upang maipasok ng lalaki ang dila sa kanyang bibig at doon ay manaliksik. Napapikit siya sa banyagang pakiramdam na lumukob sa katauhan niya. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang mundo. Pati yata bungo niya’y lumundag na rin palayo sa kanyang ulo. Nawalan na siya ng kakayahang mag-isip. Kakaiba ang dating sa kanya ng sensasyong dulot ng halik nito. Hindi niya namalayang huminto na pala ang lalaki sa paghalik sa kanya at sigurado siyang tinitigan siya nito. Parang nag-init nang bahagya ang kanyang mukha. Nagpasalamat na madilim at lalo siyang mapapahiya rito kung makikita nito ang pamumula niya. Kumalas siya sa lalaki. "Hindi maitatangging attracted ka sa akin. Now, break up with your boyfriend and let's get married," iyon lang at naiwan na siyang natitilihan. "Who the hell are you to order me to break up with him just to marry you, jerk?" nagpupuyos ang kalooban na sigaw niya sa papalayong lalaki nang maunawaan ang sinabi nito. Nangigigil siya sa galit. Hanggang sa pagtulog ay dala pa rin ng dalaga ang nagngingitngit na kalooban para sa binatang Montelibano. "Jerk," bulong niya sa sarili na ang pinatutungkulan ay ang binata. SAMANTALA ay matamang pinagmamasdan ni Rustam ang flooring ng kinatatayuan. "So, her name is Amirah?" Napahugot ng malalim na hininga ang binata saka bumuga ng hangin pataas. Inilagay ang kanang kamay sa bulsa ng pajama. Ngumiti. In his thirty-two years of existence ay ngayon lang siya nakaramdam ng Deja vu. Nagulat siya pagkakita kanina sa dalaga dahil hindi nito inaasahan iyon. Inabot ang bote ng alak saka nagsalin sa baso. Naglalaro sa kanyang isipan ang imahe ng babaeng nakilala kani- kanina lang. Nakikita pa niya ang itsura ng dalaga sa tuwing mahuhuling nakatitig ito sa kaniya. He has no intention of marrying anyone of course lalo na at arranged marriage iyon no matter what the situation is. Hindi niya personal na kilala ang mga Atienza. Malibang ang kanyang lolo ay kaibigan ng namayapang Crisanto, ang ama ni Amalia Atienza. Naaalala niyang may naging kaklase siyang Atienza noong siya ay lumipat ng eskwelahan sa bayan mula Maynila. Ngunit hindi siya naging interesadong i-konekta iyon sa mga kaibigan ng kaniyang lolo. Dalawang taon siyang nag-aaral ng junior high sa bayan. Nang mag- grade eight ay nagsimula nang mag-chemo ang kanyang ina at tuluyang bawian ng buhay. Napilitan itong lumipat muli ng eskwelahan sa Maynila dahil naroon din naman ang negosyo ng kanyang ama. He was close to his father. Magkasundo sila sa maraming bagay. He even suggested that he should marry Aisha dahil sa tingin niya ay mabuti naman itong babae at head over heels ang pagmamahal sa kanya. Aisha is also a no joke para sa kanya. Galing sa pamilya ng mga businessmen sa bansa at matalino. Wala naman siyang maipipintas sa itsura at ugali ng babae but for him Aisha is a good friend and a younger sister. Hindi alam ni Rustam kung ano’ng pumasok sa kukute niya matapos marinig that Amirah Atienza was against the marriage. Lihim na nagrebelde ang kanyang kalooban nang mabanggit ng babae ang seemingly boyfriend nitong Cliff. The marriage was supposedly an agreement made by his grandfather with Amirah's grandfather. Kahit ang lolo niya ay hindi ito sineryoso. Gone are the days na i-no-honor pa ang mga ganitong usapan. Pinagkaperahan na rin sa maraming teleserye ang mga ganitong uri ng drama sa buhay. At wala pa siyang balak ma-involve sa isyu na may kinalaman sa kasal. Not yet. Not yet in the prime of his youth. Sa parteng iyon, pakiramdam ni Rustam ay parang in denial siya. Duda siya kung ayaw pa ba muna niyang mag-asawa. The dinner made with the Atienzas was meant purely for business. Even Amirah's parents have totally not put much effort into that agreement made decades ago. He was aware when the marriage thing was brought up out of nowhere, it just meant to tease their daughter. Iiling-iling na lang siya at ngiting-ngiti habang naiisip kung gaano nanlaki ang mga mata ng dalaga sa pagkabanggit sa kasal. Napaka-refreshing ng dalaga kanina sa suot na pink blouse na ipinareha niya sa puting shorts. Hindi niya maiwasang dumako ang mga mga mata sa makikinis na hita ng dalaga nang bumaba ito sa may hagdan. Hindi katangkaran ang dalaga pero every part of her body is in right place at sakto lang ang size sa height nito. Tipikal na pinay na nahaluan ng lahing intsik ang itsura ng dalaga and she has a fair skin. Hindi mestisa at hindi rin naman negrita. Kanina nang tumayo ito sa hapagkainan ay hindi maiwasan nitong sulyapan ito. Sinundan niya ito sa may veranda at hindi niya alam kung anong pumasok sa kukote niya para asarin ito na sa palagay niya ay wala namang pagtingin sa kanya dahil ang isip nito ay nakatuon sa pag iisip sa inaakala niyang maaaring kahinatnan nito at ng kanyang kasintahan kung mapapakasal siya rito. Damn the man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD