CHAPTER 2

1397 Words
BAGO pumasok sa opisina ay dumaan muna si Amirah sa isang plant nursery. Nakakahiligan niya lately ang pangongolekta ng mga indoor plants. Nito lang nakaraang linggo ay nakatuwaan niyang um-order online ng imported cacti. At ngayon nga ay dalawang maliliit na pots ng dwarf sanseveria ang kaniyang nabili. Naisip niyang bagay ang mga ito as center piece sa kanilang opisina. Balak niyang ibigay ang isang pot na nabiling halaman sa kaibigan nitong si Alota at ang isa naman ay kanya. Excited na nagmaneho si Amirah patungong opisina upang madismaya lamang pagdating sa parking lot ng gusali. Nakahambalang ang isang sasakyan sa space kung saan madalas niyang i-park ang kanyang kotse. Nagpupuyos ang kalooban dahil bukod sa inagawan na ito ng lugar ay hindi pa maayos ang pagkaka-park sa sasakyan. Kahit pa nga bagong modelo ang luxury car na iyon. "Hello, Alota? Paki check naman sa mga employees na nariyan kung kanino ang kotseng nakahambalang dito sa parking. Kung makapag-park akala mo ay siya ang may- ari ng buong building," nanggigil na turan nito sa kaibigan ng tawagan ito sa kanyang cellphone. "Oh dear, nahulaan mo. Siya nga ang may-ari ng buong building! Sige iwanan mo na diyan ang sasakyan mo at uutusan ko na lang si Kuya Celso na bumaba. Umakyat ka na rito at may bisita kang naghihintay," ang kaibigan mula sa telepono. "Mukhang naiinip na nga e," tila nang-aasar pa nitong dagdag. Walang nagawa ang dalaga matapos siyang p*****n ng kaibigan ng cellphone. Ngitngit na lang niyang dinampot ang bag na kinalalagyan ng mga halamang pinamili at ang kanyang hand bag. Padabog na isinara ang pinto ng kanyang kotse pagkalabas rito. Hmmp. Pakialam ko ba kung siya ang may-ari ng buong gusali. Nang makarating sa sariling opisina ay hindi napansin ang bulto ng katawan ng lalaking nakaupo sa kanyang swivel chair patalikod sa kanya. Tuloy tuloy ang dalaga sa glass table na naroon sa receiving area ng kanyang opisina at isa-isang dinukot ang mga halaman mula sa bag na bitbit kanina. "Alota, pakikuha mo na rin ang isa rito para may center piece ka sa table mo," wika niya na sa pag-aakalang ang nakaupo sa kanyang executive chair ay ang kaibigan. In a slow motion ay pumihit ang upuan ngunit abala ang dalagang nag-aayos sa mga throw pillows na naroon kanya hindi niya napansin ang taong nakaupo roon. "Hi. How have you been?" ang baritonong boses na kahit yata isandaang taon niyang hindi marinig at pagkaraan ng maraming taon pa ay hinding-hindi niya makakalimutan kung kanino. Natigil ang dalaga sa ginagawa. "Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba at nagkasundo na kayo ng Papa na ipagwalang bahala ang napagkasunduan ng mga matatanda?" umiirap na tanong niya sa lalaki. Lalong nagngitngit ang kanyang kalooban ng makitang umismid ito sa kanyang tinuran. "Well, naisip ko lang na kung hindi ka pumapayag sa arranged marriage, I guess a short courting process is a not a bad idea. Let’s date for real," wika nito na tumitig sa kanya na wari ay pinag-aaralan nito ang magiging reaksiyon niya. Napatda ang dalaga sa deretsahang proposisyon ng lalaki. Nakakalokang tumawa nang malakas si Amirah. She was right sa pag-iisip that this man is certainly a jerk. "That is not exactly the reason why I am here, " bawi ng lalaki at sumersoyo ang ekspresyon. Tumayo ito at tinungo ang tapat ng malapad na glass window. Ipinamulsa ang mga kamay sa cream pants na kapartner ng kanyang navy blue casual polo shirts. Pumihit ito at matapang na tinitigan siya sa mata. Bigla namang na conscious si Amirah sa titig ng binata at inilipat ang paningin sa painting na nakasabit sa dingding ng kanyang opisina. "I need you to consider the project proposal I have made with your father," wika ni Rustam. Alam ng binata na kasinungalingan iyon dahil wala siyang maisip na ibang dahilan ng pagparoon niya sa opisina ng dalaga nang napakaaga. "What does that have to do with me?" wika niya na hindi tumitingin sa binata. "This is a multi-million project na matatapos within three years. I need your consent para makapag-proceed ang project na ito." Naningkit ang mga mata ng dalaga at napatingin sa binata. "Here we go again. Why don't you talk about business and money with my father? Do you honestly believe na pumapasok ako sa opisinang ito araw-araw dahil I am making lots of money? You can talk about that great project of yours with my parents. Besides, sila naman ang mas nakakaalam ng mga details niyan. I also have tons of work to do. Neither do I have time to date you," meow nabigla rin siya sa huling sinabi. Hindi makapaniwalang masambit ito sa binata. Humagalpak ng malakas na tawa si Rustam. Lumapit sa kanya. Nagulat siya. Napaatras dahil sa pagdukwang sa kanya ng binata na hindi inaalis ang titig sa kanya. Awtomatikong naitukod niya ang dalawang kamay sa edge ng mesang nasa kanyang likuran. Kung hindi niya gagawin ito ay panlalambutan siya ng tuhod. Alas nuwebe pa lang ng umaga at sigurado siyang bago umakyat sa kanyang opisina ang lalaki ay naligo muna ito. Naaamoy pa niya ang male cologne na in- spray nito sa kanyang katawan. Hindi masakit sa ilong ang amoy nito bagkus ay nakadagdag lamang sa personalidad nito bilang lalaki. Gusto niyang itanong kung anong brand ng cologne nito. Naipilig niya ang kanyang ulo. Nakuha pa niyang mag-isip ng gayun sa sitwasyong iyon? "Nakakatawa ka rin," hinaplos nito ng likod ng palad ang makinis niyang pisngi. Kinilabutan siya sa ginawa nito. Pakiramdam niya ay may gumuhit na kuryenteng mabilis na nanulay sa kanyang mga ugat. "You really amuse me darling," usal nito sa kanyang mukha and gave her a peck on the forehead. Tumikhim siya. Idiniin ng katawan ang nakatukod niyang kamay sa mesa. Tumuwid naman ng tayo ang binata at umatras ng ilang talampakan palayo sa kanya. "I guess your father hasn't discussed with you yet the details of this project. I've saved your mobile number with mine. Talk to you later ‘bout it," alam ni Rustam na dahilan lamang ulit niya iyon dahil kagabi pa lamang ay napag-usapan na nila ng kanyang ama ang tungkol doon. Hindi niya matiyak sa sarili kung bakit kinailangan pa niyang dumaan sa dalaga bago bumiyahe pabalik ng Maynila. “Dumaan na rin ako rito para kumustahin ang wife to be ko," saka nagtatawang tumalikod na ang lalaki at dumeretso sa may pintuan saka pumihit paharap muli sa kanya. "Peace!" nag peace-sign pa at kumindat sa kanya. Hanggang lumapat na ang dahon ng pinto sa pagkakasara nito ay naiwan pa ring natitilihan si Amirah. Humawak sa cut ng neckline ng kanyang blouse at ipinaypay ito ng bahagya hoping na kahit paano ay mahimasmasan ang panginginig niya. Saan kumukuha ng confidence ang conceited na lalaki sa mga ginagawa nito sa kanya enough para mawala siya sa kanyang sarili. Jerk. Nasa ganoon siyang akto nang biglang pumasok ang kaibigan sa kanyang opisina. "Dinala na ba sa iyo ni Alpha ang payroll na pipirmahan mo?" natigil si Alota sa pagsasalita nang mapansin ang parang nababatu-balaning itsura ng dalaga. "Ano'ng nangyayari sa iyo? Nakasalubong ko si Mr. Montelibano. Kadali naman niya rito. Ano'ng sinadya niya rito?" "Ha, e, akala niya narito si Papa. He was here to talk about the project na itatayo nila sa area kung saan naroon ang property namin." Hindi siya sigurado kung maayos ba niyang nasabi iyon sa kaibigan ng hindi nahahalatang nanginginig pa rin ang kanyang boses. "Pakisabihan na lang si Alpha na dalhin dito ang payroll para maagang makapagpasweldo si Jay." "Si Jay ba ang maglalabas ng pasweldo mula sa bangko o ikaw na ang dadaan mamayang after lunch?" si Alota. "Sumabay ka na sakin sa pagkain ng lunch at dalawa na rin kitang dumaan sa bangko," ngumiti ito sa kaibigan. "Wow, ano'ng meron at nanlilibre ka?" tukso nito sa kanya. "Mag-aasawa ka na ba?" "Ang random mo ha. Para saan iyang tanong na yan," sabay pabirong irap dito na tinawanan lang naman ng kaibigan. "Pakibitbit mo na rin iyang isang pot na nasa table pagka lumabas ka. Para sa office mo iyan. Piem na lang kita later para sa lunch," iyon lang at inokupa na ni Amirah ang kanyang executive chair saka binuksan ang laptop para sa kanyang mga nakatakdang gagawin sa araw na iyon. Walang anumang tumalikod si Alota bitbit ang pot at nilisan ang opisina ng boss at kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD