INABOT ni Amirah ang walang tigil sa pagtunog na cellphone na nasa ibabaw side table ng kanyang kama. Haissst... sino naman kayang magaling na hinayupak ang tatawag sa kanya sa umagang-umagang iyon, naisip niya.
"Hello," inaantok at nakadapa pa siya sa kama.
Kung tutuusin alas siyete pa lang ng umaga. Sabado. Hindi niya kailangang pumasok sa opisina dahil nagbilin na siya kay Alota na may lakad sila ng kaniyang Mama.
Hindi kompanya o korporasyon ang kailangan niyang pagsilbihan dahil dalawang hardware na nasa mag-kaibang lugar sa bayan, isang branch ng sikat na fast food chain located along the national highway at isang supermart lamang ang mga negosyo ng kanyang mga magulang.
Ang supermart na nasa tabing-daan at tapat ng isang public elementary school na nasa sentro ng kabayanan ay wala pang dalawang taon buhat ng maitayo. Mabilis na tinangkilik ng mga mamimili ang supermart na ito dahil kumpara sa maliliit na general merchandise stores sa palengke ay mas makamumura sa mga panindang nasa supermart nila. Ang building na kinalalagyan nito ay pag-aari ng mga Montelibano.
Hindi niya kilala ang mga Montelibano until that night na makasalo sila sa dinner. May kakayahan naman silang bilhin ito ngunit pagkatanggi-tanggi ang matandang Montelibano sa pagbebenta ng nasabing gusali. Naroon rin sa second floor ang isang ob-gyne clinic at gym na pag-aari ng mga indibidwal na entrepreneur. Ang likurang bahagi ng building ay ginawang parking lot para sa mga empleyado. Naroon naman sa tagilirang bahagi ang hagdan papunta sa second floor nito kung saan naroon ang kanilang opisina, ang ob-gyne clinic at ang gym.
Ang tungkulin niya bilang miyembro ng pamilyang may-ari ng mga negosyong nabanggit ay i-supervise ang operasyon ng mga ito at pumirma sa mga payroll ng mga manggagawa.
Ang kanyang ama naman ay naka-concentrate sa pamamahala sa dalawang hardware nila.
"How are you darling. Hmmm. Gusto ko ang boses mo sa umaga. Bedroom voice. Parang gusto ko tuloy na bumiyahe pabalik riyan para samahan ka sa kama."
Napabalikwas siya nang magregister sa kanya kung kanino galing ang pamilyar na boses.
"What do you want?"
"I'm sorry to wake you up this early, love. I will have an important event to attend and I need a chaperon," sandaling tumigil at tila tinatantiya nito kung ano ang magiging reaksiyon niya.
"I am expecting an important business associate to entertain. Will you be my date, Amirah? pagpapatuloy ng nasa kabilang linya.
"Hindi ka rin naman nakakainis ano? What makes you think na papayag akong maging date mo no matter how important this business associate of yours? Hindi naman tayo magkaano-ano."
"There is where you were wrong, love. As my fiancée, kailangan mo akong samahan. Mas magkakaroon ng tiwala sa akin ang mga business partners ko kung ganoon," saka malutong na humalakhak ang nasa kabilang linya.
May punto ang binata. Madalas niyang mapanood sa Korean soaps na kailangan ng bidang lalaking CEO ang asawa para mas mapatatag nito ang pamamahala sa kompanya. Nasa kultura ng mga Koreans iyon. Pero hindi naman sila Koreano ni Rustam for goodness’ sake. At hindi siya asawa nito! O kaya ay umattend sa mga company events para makakuha ng impluwensiya sa business world. Maaaring applicable rin ang ideyang ganyan sa Philippine setting pero wala naman siyang kinalaman sa binata.
"Look, Mr. Rustam Montelibano, kung wala kang magawa sa buhay ay huwag ako ang pagdiskitahan mo. I am sure na hindi ka pa nauubusan ng mga babae," sa nasabing huli ay parang may gumuhit na konting kirot sa puso ni Amirah. Isiping hindi lang iilang mga babae ang nagdaan na at kasalukuyang dine-date ng binata. Considering his looks and social status? "At hindi rin maapektuhan ang transaction mo with your VIP client kung wala kang date," dagdag pa ng dalaga.
"Pasensiya na Amirah," biglang pumormal ang tono ng binata. "As much as I want to personally talk to you about this matter, napakalayo ng Quirino dito. It will take me almost nine hours to reach you kahit mabilis akong magpatakbo ng sasakyan. Please."
"I wonder why you seem to bother yourself much about this marriage na kung tutuusin ay hindi mo naman talaga dapat alalahanin dahil wala namang pressure para roon. Bakla ka ba at ayaw mong may makaalam sa sikretong ito kanya ako ang pine-peste mo?"
"What?" malutong na tumawa si Rustam. "Saan nanggaling ang ideyang iyan, my dear? Bakit hindi natin subukan? See for yourself kung may katotohanan ang naiisip mong iyan tungkol sakin?"
Tumayo na rin si Amirah at nagtuloy sa kanyang banyo.
"Alam mo nag-aaksaya lang ako ng oras sa pakikipag-usap sa iyo," iniipit ng dalaga ang kanyang cellphone sa pagitan ng tainga at balikat saka naglagay ng toothpaste sa sepilyo.
"Ayoko sanang gawin ito Amirah," wika ng nasa kabilang linya. "Hindi ba at magtatapos na ang kontrata ng pag-upa mo sa building ng supermart niyo?"
Natigil sa paglalagay ng sepilyo sa bibig si Amirah.
"Ano ang ibig mong sabihin?" nanlalatang naupo sa nakatakip na toilet bowl ang dalaga.
"Just one night, love. Wala kang dapat alalahanin. Magpahatid ka sa driver mo hanggang Cubao bukas ng umaga. Tawagan mo ako pagdating mo doon. Kahit puno ang schedule ko, I’ll come to personally pick you up."
"Hindi ka ba talaga nakakaintindi ng tagalog? Siguro naman ay marami kang pwedeng mapulot na date mula sa mga employees mo. Busy ako."
"Mas busy ka pa ba kesa sakin?" sigurado si Amirah na nakakalokong nakangisi ang nasa kabilang linya. "Ikaw rin”
"Ginagawa mo bang kondisyon ang Omega sa pagpayag ko sa gusto mo?
“If I sound that way to you, yes, my dear! I am very much sure na nagkakaintindihan tayo regarding the renewal of contract para sa rental ng Omega n’yo."
Ano'ng okasyon itong dadaluhan mo at bakit kailangang ako?" sa mababang tonong tanong ng dalaga.
"Just a company event. I am expecting a very important business partner sa okasyong ito, hoping na makapag-close ng deal para sa company. Bakit ikaw? Let 's say I'm doing you a favor. I 've learned from your father na mula ng hawakan mo ang supervision ng mga negosyo ninyo ay nawalan ka na rin ng panahong dumalo sa mga party. By saying yes, you'll get a chance to date the man of your dreams."
"Ang lakas talaga ng bilib mo sa sarili, ano? Get real Rustam Montelibano! Para malaman mo hindi kita pinangarap kahit kailan," saka umakto itong iduro ang nasa kabilang linya sa kanyang cellphone.
"Kaya pala kung titigan mo ako ay para mo akong gustong hilahin sa kama at papakin dahil hindi mo ako pinapangarap," saka ito malakas na tumawa. "Dahil naaaliw ako sa iyo, let's see the end of this. Just go with the flow, love. Gusto ko pang magtagal na kausap ka but I have an appointment. I really have to go. See you tomorrow night. No worries about what you'll wear. I’ll buy you one when you get here," iyon lang at nawala na sa linya si Rustam.
Naiwang natitilihan pa rin ang dalaga. Mataman nitong tinitigan ang sariling repleksiyon sa salamin habang nagsesepilyo. Hindi malaman kung ano ang dapat isipin. Sinusubukang analisahin kung ano na ang nangyayari sa buhay niya. Kung dati ay napakasimple lang ng routine niya araw-araw. Pumapasok sa maliit na opisina. Tumatanggap ng mga calls ng mga managers nila sa kanilang mga negosyo. Umaayos ng mga gulo na kasangkot ang kanilang mga empleyado. Pumipirma ng mga payrolls. Sinu-supervise ang operasyon ng kanilang mga negosyo.
May boyfriend siyang maalalahanin at hindi nakaliligtaang magsend ng sweet messages sa kanyang messenger sa umaga at mag video call kung kailan sigurado na itong pareho na silang wala sa kani-kanilang trabaho.
Nagkakilala sila ni Cliff through a common friend. First year siya noon at ito naman ay nasa huling taon ng kolehiyo. Noong una ay tropa lamang kung magturingan sila nito. Nang lumaon ay niligawan siya. Dahil wala namang ibang nanligaw sa kanya at wala namang maipipintas sa binata ay sinagot niya ito. Noong una ay hindi siya naging seryoso sa pakikipagnobyo rito. Nang sagutin niya ito sa sobrang kasiyahan ng binata ay nahalikan siya nito sa kanyang mga labi. Sa unang karanasang iyon sa bago at una niyang kasintahan ay biglang naumid ang dalaga. Sa gulat ay napahid niya ng mga palad ang bibig na namasa pa sa halik ng nobyo. Hindi napansin iyon ng binata dahil sa sobrang kaligayahan nito. Nangako ang binatang magsisikap para sa kinabukasan nila. Ngayon nga ay magdadalawang-taon na rin sa Dubai si Cliff.
Mabait si Cliff at maalalahanin. Kung kagwapuhan ay hindi pahuhuli ito kung ikukumpara kay Rustam. Matangkad din naman at mas mukha itong Intsik kaysa Pinoy.
Ano heto at kailangan pa niyang mag-chaperon sa isang presidente ng isang kompanya na wala naman siyang kinalaman.
Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa kasintahan ang napasukang sitwasyon. Bahala na, naisip niya.
Nagbuntung-hininga na lang ang dalaga.
Nang makapaligo at makapagbihis ay lumabas ng kwarto. Tumuloy sa sala.
Inabutan nito ang ina na nakaupo sa couch.
"Matutuloy ba tayo sa lakad natin ng alas nuwebe, Mama?" nagulat pa ang ina dahil madalas kapag weekend ay madalang ng gumising ito ng maaga.
"Don't give me that look, Mama. May nakakairitang nilalang na tumawag ng pagkaaga-aga ang siyang gumising sa’kin," nakasimangot na tumabi ng upo sa ina ang dalaga na naunawaan ang nasa mga mata nito.
Nagkibit naman ng balikat si Amalia. Gustuhin man niyang magtanong ay hindi na rin iyon naisatinig.
"Ipagpaliban muna natin ang session natin sa spa. Ipinagpaalam ka ni Rustam sa Papa mo para sa company event nila on Monday. I think your father likes this man for you dahil hindi man lang nakatanggi. Meaning, malaki ang tiwala ng ama mo sa binatang ito."
Hindi na nagulat si Amirah sa tinuran ng ina. Sigurado siyang naitawag na ng ugok na iyon sa kanyang ama ang tungkol doon bago pa man siya masabihan. What's the point of asking her kung papayag ba siya o hindi? He left her no choice.
"Take today to prepare yourself for your trip to Manila tomorrow morning. Nasabihan ko na rin si Celso na i-check ang kotseng gagamitin panghatid sa iyo."
"Hindi ko naman kayo maintindihan, Mama. Alam niyo’ng may boyfriend ako pero inilalapit niyo akong pilit sa apo ng kaibigan niyo," giit nito sa ina.
Alam ni Amirah na kalahating tsino ang ama pero ang pamilya ng inang Filipina ang nagpalaki rito. Kung sa mga Chinese, na nangyari na sa mga pinsan niya sa side ng kanyang ama, ay uso ang fixed marriage, hindi niya mapaniwalaan ang amang ibig ata nitong tularan ang mga kamag-anak na tsino at itinataboy siya nito sa binatang Montelibano.
"Amirah anak, you will only be there for a show. Nakiusap lang iyong tao sa Papa mo dahil importanteng makuha niya ang loob ng mga ii-entertain nitong mga tao," nasa tono ng ina ang pakikiusap.
"May magagawa pa ba ako," saka nagdadabog na iniwan ang ina. Nagtuloy sa kitchen para magpahanda ng almusal kay Nelia, ang kanilang helper.
Hindi rin niya maintindihan ang Rustam Montelibano na ito kung bakit ipinipilit siyang isangkot sa mga affairs nito. Hindi sila magkaibigan at lalong hindi nila nakikilala ang isa't isa. Hindi rin siya naniniwalang interesado ito sa kanya. She just wished na may nararamdaman nga itong crush sa kanya. Pero dagli rin niyang binura sa isip iyon.