“MR. ROSALES,” at bumaling sa babaeng may edad na ngunit kasasaliman pa rin ng elegance at kagandahan " Ma'am, I want you to meet my fiancée, Amirah Atienza," pagpapakilala ni Rustam kay Amirah sa mag-asawang Rosales matapos mahanap ang kinaroroonan ng mga ito pagkapasok nila ng dalaga sa bulwagan ng A&M Empire.
Tipid na ngnitian ni Amirah ang mag-asawa.
"Napakagandang bata nire," bulalas ng matandang babae na hindi mapigilan ang paghanga sa kanya.
"Salamat po," nawika na lang niya. "Kayo rin ho napakaganda niyo."
Kung ihahambing ang A&M Empire sa Ayala Land at Megaworld Corporation bata pa ito kung tutuusin. At hindi kasing-established ng mga nabanggit na big companies. Ayon kay uncle google, ang kompanya ay naitatag lamang noong 1986. Ang ama ni Rustam ang siyang naging pundasyon nito. Nagsimula siya sa isang maliit na opisina na ang negosyo ay nakatuon lamang sa pag-aahente ng mga ibinebentang mga bahay at lupa. However, in the last two decades, nagkaroon na rin sila ng sariling construction firm. At nang lumaon ay pinasok na rin pati ang land development na nakatuon sa residential housing sector.
Amirah also learned from Alota that Rustam is an architect by profession turned businessman dahil sa iniwan ng amang negosyo.
Gusto niyang sawatahin ang pagpapakilala sa kanya ni Rustam sa mag-asawa ngunit nagpasya na lang itong magsawalang-kibo. Sinalubong na lang niya ng irap ang binata.
"Kumusta ka, iha?"nang balingan siya ng matandang lalaki. "Why, Rustam? She's gorgeous. We do expect a wedding bell this year," wika pa nito. Sa tantiya ni Amirah ay na more or less ay nasa 50s na ngunit matikas pa rin.
"Huwag mo ng pakawalan ang dalagang ito at baka mahuli ka na sa biyahe," biro pa ng matandang babae.
"Surely, ma'am. Imbitado kong lahat kayo sa nalalapit naming kasal," wika ni Rustam saka hinapit ang dalaga sa beywang. Tinitigan pa siya ng nakangisi. "Right, love?"
Para siyang naengkanto ng binata at walang tinig ang lumabas sa kanya. Tinanguan lamang niya ang binata at pasimpleng pilit binabaklas ang mga kamay nito sa kanyang beywang. Tila nang-aasar naman ang binata at lalo pang hinigpitan ang pagkakahapit dito.
"Rustam, maaari ba akong kumuha ng food sa buffet," ang naisip niyang paraan para makaiwas sa tensyong nararamdaman.
Kahapon pa lamang ng sunduin ito ng binata ay tensed na tensed na siya. Natatanaw pa lamang niya itong in a slow motion na papalapit sa kanya ay walang tigil na sa pagrigodon ang kanyang dibdib. Nahinto pa siya sa pagsipa ng kanang paa sa semento habang nakasandal sa kotseng dala nila ni Celso. Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo sa pag-ikot dala ng samut-saring emosyon na lumukob sa kanyang katauhan. Nangangatal ang kaniyang panga. Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang nararamdamang nerbiyos.
Pinalis sa isipan ang bahaging iyon at deretsong tinungo ang buffet.
"I heard sa pagpapakilala sa iyo ni Rustam kay Mr. Rosales ay fiancée ka niya, right?" nagulat pa siya nang makatalikod sa buffet ay muntik na niyang mabangga ang isang magandang babae. Mas mataas ito sa tingin niya ng three inches sa kanya at hindi maikakailang nabibilang ito sa alta sociedad sa paraan ng pananamit at poise nito.
"You’re right, Aisha. Meet my long time fiancée, Amirah Atienza," salo ni Rustam na hindi namamalayang nakalapit na sa kanila. "Nag-alala akong hindi mo na mabuhat ang pagkaing dala mo kanya sinundan na kita," sa kanya na nakatingin ang binata. "Excuse us, Aisha. Naghihintay samin si Mr. Rosales," iyon lang at inakay na nito si Amirah pabalik sana sa mag-asawang Rosales.
"Hindi ko natatandang you were engaged sa babaeng ito, Rustam. Until tonight nang ianunsiyo mo sa associates mo."
Nahinto sa paghakbang si Rustam at nilingon si Aisha. "I can explain later, Aish" iniwan na ng mga ito ang babae na naguguluhan pa rin.
"Bakit mo ba kailangang ipakilala akong fiancée mo sa lahat ng narito? Sa palagay ko naman ay walang magbibigay ng opinyon kung sasabihin mong kasama mo lang ako na siya namang totoo," bulong ng dalaga kay Rustam.
Inabot ni Rustam ang dalang pinggan ni Amirah at hinila ito palapit sa kanya. Inakbayan siya at binulungan,"I have no intention of taking back my word, love. Saka na natin pag-usapan iyan. Let's just enjoy the night."
Naliliyo si Amirah sa hininga ng binata na tumatama sa kanyang tainga. Parang kinilig at namilipit itong nagpumiglas upang makawala rito.
Masarap sa kanyang pakiramdam na magkalapit sila ng binata. Bagaman inaasar siya nito sa maraming pagkakataon ngunit pakiramdam niya ay nanunuot sa buto ang mga titig nito. Paborito rin nitong ibulong ang mga mga sinasabi nito sa kanya. Mga bagay na nagpapalambot sa kanyang mga tuhod.
"Hey, relax," tumatawa ito at pinakawalan siya sa pagkakaakbay. "Hindi mo ba napapansin na lahat ng engineers at binatang empleyado ko’ng narito ay sa iyo nakatingin? Nag-iingat lang akong malingat at baka..."
"Hindi ko maintindihan kung ano ang punto mo Mr. Montelibano na isama ako rito dahil hindi rin naman ako nakakatulong sa transaction mo. Ni hindi ko nga rin naiiintidihan kung anong pinag-uusapan niyo ng business associates mo," nagdadabog na ang dalaga at deretsong tinungo ang inookupa nilang mesa.
Nakangiti naman siyang sinalubong ng tingin ng mag-asawang Rosales.
"As I was saying sir," si Rustam na inilapag sa harap niya ang pinggan ng pagkain at naupo. "This is my first time na pasukin ang shipping business. With you around, dahil expert ka pagdating sa mga ganitong business, makakaasa akong magiging tagumpay ang mga plano natin."
"Hinding-hindi mo pagsisisihan Rustam, anak, ang desisyong maki tie-up sa aming kompanya," saka dumako ang tingin ng matanda kay Amirah. "Napakaswerte mo sa pagkakaroon ng napakagandang kasintahan. Sa nakikita ko ay napakalaki ng pagmamahal mo sa dalaga ni Timothy."
Nagulat ang dalaga sa pagkabanggit ng matanda sa kanyang ama. "Kilala po ni’yo ang Papa?" nanlalaki ang mga mata nitong napatitig sa matandang lalaki.
"Why, of course. Naging kaklase ko sa UST ang iyong ama. Bukod pa diyan ay kilala ang iyong lolo bilang isang magaling na negosyante sa pagkakaroon ng food chain business," tumatawa ang matanda.
Napangiti naman ang dalaga at nagsawalang kibo na lamang. Totoo ang sabi nitong kilala ang lolo niya sa ama na magaling pagdating sa business. Nagsimula itong magnegosyo sa Pilipinas. Nang lumawak ang negosyo nito at makarating sa Hong Kong ay ipinamahala nito ang mga iyon sa kanyang mga anak. Hindi lehitimong anak ng ama nito si Timothy pero katulad ng iba pang mga kapatid nito sa labas ay nagkaroon ng pribilehiyo sa mga negosyo ng kanilang ama. Ipinamahala nito sa kanya ang isang branch ng food chain na nasa Hong Kong. Doon niya nakilala si Amalia na noo’y kabilang sa cruise ship crew na nakabase roon. Isang guro si Amalia sa Pilipinas ngunit nang panahong iyon ay nauuso ang pag-aabroad kanya sinubukan rin nitong makipagsapalaran.
Sa pagbaling ni Amirah ng paningin sa ibang bahagi ng bulwagan ay nasalubong ng mga mata niya ang babaeng kanina ay kumausap sa kanya. Nakipagtitigan ito sa kanya. Pero siya ang unang napaso.
"Rustam kaano-ano mo ba ang Aisha na ipinakilala mo sakin kanina," usisa ni Amirah sa binata nang silang dalawa na lang ang naiwan sa mesa. Nauna nang nakaalis ang mag-asawa. Nagyaya nang umuwi ng maaga ang matandang babae.
"You look lovely tonight, love," bagkos ay bulong ng binata. Napapikit pa siya ng tumama ang hininga nito sa mukha niya.
"Rustam, I’m warning you."
"Okay. Kababata ko. Don't mind her. Nagulat lang iyon dahil ngayon lang ako nakapagdala ng date sa company event. Mabait iyon. Kung makikilala mo lang siya ay magkakasundo kayo," saka ito tumayo."I guess, we should go home now," nagtatanong ang mga matang tumitig sa kanya.
"I don't think I can stay here any longer. Kanina pa ako uwing-uwi," tumayo na siya at nagpatiuna na sa paglakad.
Umiiling na lang na sinundan ng binata ang babae.
HABANG daan ay walang kibuan ang dalawa sa kotse. Pana-naka lamang siyang sinusulyapan ni Rustam. At sa tuwina'y nginingitian siya nito na sinusuklian lamang naman niya ng irap. Ginagap ni Rustam ang kanyang kamay ngunit nang mahawakan ito ay hinila niya ito. Idinako ang tingin sa labas ng kotse. Hindi niya namalayang makaidlip.
Nagising siya nang maramdamang may malambot na bagay ang dumampi sa mga labi niya. "We're here, love."
"Why did you..." hindi niya naituloy ang sasabihin dahil mukha ni Rustam ang namulatan niyang nakatunghay sa kanya. Napakalapit nito sa mukha niya.
Inulit nito ang paghalik sa kanya. Saglit lamang iyong dumampi ngunit laksa-laksang kasiyahan ang iniwan niyon sa kanyang pakiramdam.
Nakangiti si Rustam sa kanya. "Did you like it?" bulong nito nang nakatingin sa kanyang mga mata. Naumid ang kanyang dila. Hindi niya namalayang nakaawang na ang kanyang bibig. She was expecting for more. Ang kanyang mga mata ay humihiling ng mas higit pa sa damping halik na kayang ibigay ng binata.
Tila naunawaan naman ni Rustam ang ibinabadya ng mga iyon at bigla niya itong hinapit. Tila uhaw ang mga labi nitong sinalubong ang nakaawang na bibig ng dalaga. Lumalim ang halik. Nakipagtagisan ng galing sa paghalik ang dalaga. Tila nalulunod sa pinagsasaluhang halik nila ni Rustam. Nararamdaman din niya ang isang kamay nitong humihimas sa ibabaw ng kanyang dibdib. Nang matagpuan nito ang butones ng kaniyang blouse ay walang kahirap-hirap nitong nabuksan ang isa at kasunod ang isa pa at ang isa pa.
Napaigtad ang dalaga nang maramdaman ang mainit nitong palad sa kanang dibdib. Ngunit mas malakas humila ang nararamdamang pagnanasa kaysa ang katinuan ng isip. Kumawala ang mahihinang mga ungol. Kung kanino ang mga iyon ay hindi siya sigurado. Nagpatangay siya sa nararamdamang init.
Bumaba nang bumaba ang mga labi ni Rustam sa kanyang leeg at pababa pa. Bawat madaanan na bahagi ay nag-iiwan ng isang libo't- isang mga pakiramdam sa kanyang kaibuturan. Nang maramdaman ang mga labi nito sa kaliwang dibdib habang ang isa ay minamasahe ang kabila, biglang parang binuhusan si Amirah ng malamig na tubig na siyang nagpabalik sa katinuan ng kanyang isip.
"What are we doing?"
"Making love, darling," hirap na hirap na bigkas ni Rustam.
Itinulak niya nang malakas ang binata saka inayos ang sarili.
"Nakarating na tayo. Mauuna na akong bababa ng kotse," binuksan nito ang pinto ng kotse at tuloy tuloy sa may pinto ng bahay ni Rustam.
Tiim bagang na ipinasok ni Rustam ang sasakyan sa garahe. Inabutan niya ang dalagang naghihintay sa tapat ng pinto. Iniiwasan nitong tumingin sa kanya. Napabuntung-hininga ang binata. Ipinasok ang susi sa keyhole ng pinto. Nauna namang pumasok ang dalaga.
"Do you want a cup of coffee. Igagawa kita, " nahinto sa paghakbang ang dalaga sa unang step ng hagdan at tumingin kay Rustam.
"No, thank you. Mag-uumaga na. Baka hindi na ako makatulog kung magkakape ako," iyon lang at tumalikod na ang dalaga.
Nang bubuksan na niya ang pinto ng silid na ipinagamit sa kanya ni Rustam ay napaantanda siya ng may humawak sa kanyang kamay na nasa puno ng doorknob.
"Can we talk about what happened earlier in the car, Amirah?" bulong nito sa kanyang tainga.
"There is nothing to talk about Mr. Montelibano. Ang nangyari ay pareho nating hindi inasahan. Huwag na natin pag-usapan iyon," iyon lang at pinalis niya ang kamay ng binata sa kamay niyang nasa doorknob. Binuksan ang pinto at naiwan ang binata sa kabila niyon.
Pagkapasok sa silid ay isinandal ni Amirah ang likuran sa pinto. Pinakiramdaman kung nakaalis na ang binata sa kabila niyon. Narinig naman niya ang maliliit na yabag nito palayo. Ipinatong niya ang palad sa dibdib at mariing pumikit. Ano ba ang nangyayari sa kanya at hindi niya nakakayang kontrolin ang sarili kung malapit sa binata.
Pakiramdam niya ay nagkakasala siya sa kanyang kasintahan. Bagaman walang nakaaalam sa nangyari maliban sa kanila ni Rustam, sinasalakay pa rin siya ng guilt para kay Cliff. Kahit kailan ay hindi pa niya hinayaang mawalan ng kontrol sa sarili kung si Cliff ang kanyang kahalikan. Napaka-stiff niya at karaniwan nang siya ang sumasaway sa kasintahan kung maramdamang naglilikot na ang mga kamay nito. Hindi sila umabot kahit kailan sa nangyari sa kanila ni Rustam kanina lang sa loob ng kotse.
Ano ang mayroon kay Rustam. Halos hubaran na siya nito at galugarin ang kalahating parte ng kanyang katawan ay hindi pa niya magawang tanggihan ito.
Kaninang nasa mall sila o mas tamang sabihing kahapon, na namimili ng isusuot sa event ay hindi maikakailang napakasweet nito sa kanya. Sa tuwinang magsusukat siya ng mga dresses at ipakikita ang mga ito sa kanya ay hindi maitago ni Rustam ang paghanga sa mga mata nito.
Hindi maintindihan ni Amirah kung ano ang nasa isip ng lalaking iyon at tinatrato siya ng ganito. Pakiramdam niya ay mukhang nag-eenjoy pa itong pahirapan ang kalooban niya gayong alam nitong may kasintahan siya.
Naiiyak si Amirah na inisa-isang hubarin ang mga suot. Nagdesisyong mag-shower bago magbihis ng pantulog para maibsan ang inis sa nararamdaman para sa binata.
Alas tres na ng madaling araw nang makatulog ang dalaga. Nakatulugan na niya ang pag-iisip sa halik na pinagsaluhan nila ni Rustam.