MAGKIBUANG dili si Rustam at Amirah buhat nang mangyari ang nangyari sa kotse ng nakaraang gabi. Nang makauwi ang binata kagabi ay nagkulong na si Amirah sa kanyang silid. Hindi na rin siya ipinatawag nito dahil sinabi naman ng kanyang katulong na nauna na siyang mag-dinner. Kaninang umaga nama’y hindi rin sila nagka-usap dahil iniiwasan niya ito. Tinawagan siya nito makapananghali upang sabihang maghanda para sa pag-uwi nila sa kanila.
Tahimik na nire-reply-an ni Amirah ang kasintahan sa messenger. Nabalitaan nitong nasa Maynila siya. Ipinagtapat na rin niyang nakulong siya sa isang kompromiso at kailangan niyang magpanggap. Ngunit hindi na niya idinitalye sa kasintahan kung ano-ano pa ang mga nangyari. Nasabi na rin niyang ihahatid siya ng lalaki pauwi. Humihingi ito ng proof na pauwi na nga siya. Kanya pasimple at lihim itong nag-selfie kasama si Rustam. Ngunit hindi nito kinunan ang kabuuan ng binata.
Ayaw niyang bigyan ng dahilan ang kasintahan na magselos.
Tila walang anuman naman sa binata ang kanyang ginagawa. Naka-concentrate ito sa daan at sa pagmamaneho. Paminsan-minsa'y nginingitian si Amirah nito kung malingunan siya nito. Bigla rin naman siyang nagbabawi ng paningin.
Para maalis ang tensiyon sa pagitan nila, inabot ng binata ang stereo at in-on iyon.
I heard him promise you forever
You can't hide it with a lie
Baby he would say whatever
It takes to keep you blind
Nahinto si Amirah sa pagdutdot sa latest model niyang iphone at napatingin rito.
Minulagatan siya ng binata.
"What?"
"Oh, nothing. It's just that you have this odd choice of music. "Backstreet Boys," mahina niyang usal then she grinned.
Natawa ang binata. Saka sinabayan ang lyrics ng kanta.
I won't say the words then take them back
Don't give loneliness a chance
Baby, listen to me when I say
I will love you more than that
"Yeah, corny but I love the boys. They have genuine singing talent. How do you know they're BSB?" Sinulyapan siya ng binata.
"My mother used to play their songs when I was a kid. Sa sobrang dalas, halos memoryado ko nang lahat ng lyrics ng songs nila."
Hindi makakalimutan ni Amirah ang karanasan nito noong grade seven siya sa junior high school. Dahil first day of school ay kailangan nilang magpakilala sa mga kaklase at part ng getting-to-know activity nila ang magpakita ng talent. Pinili niyang kantahin ang Drowning ng boyband na nabanggit. Wala namang kaso sa beat ng kanta at pop song ito. Nagtawanan ang mga kaklase niya. Wala na daw ba siyang alam na kantang mas latest kaysa sa kinanta niya.
Nang umuwi ng tanghaling iyon ay sinabi niya sa Mama niya na itapon na ang CDs ng paborito niyang banda dahil napahiya siya sa school nang dahil sa pagkanta sa song nila.
Tinawanan lang siya ng kanyang ina. Ngunit sa halip na itapon ay itinago lamang ang mga iyon sa stockroom. Naroon pa rin ang mga CDs hanggang ngayon.
Rustam press the pause mode sa stereo. "Whoah, Tita and I share the same choice of music. Corny it may seem, pero nostalgic. Can't help but reminisce about the past. I miss the old days," nawika nito. Hindi na isinatinig na ang awitin ay nasa playlist lang ng driver nitong si Carlo at nagkataong iyon ang unang nakasalang.
"Anyways, how long have you known this Cliff, your boyfriend, as you said?" pag-iiba nito ng topic.
"How about this Aisha, your friend, as you said?" balik-tanong niya.
"Do I sense jealousy, love?" nilingon niya ito.
"Don't call me love. I'm not your love," angil niya. "Iidlip muna ako at makikipagpalit ako sa iyo mamaya sa manibela. Huwag kang istorbo."
Para namang nang-aasar ang binata at nag-play mode ulit sa stereo at lalo pa nitong nilakasan ang volume niyon.
Baby, you deserve much better
What's the use in holding on?
Don't you see it's now or never?
'Cause I just can't be friends
Baby knowing in the end
That I will love you more than that
Nang hindi na kumikibo ang dalaga ay nagpasya si Rustam na patayin na ang stereo at ituon ang atensyon sa daan. Hindi pa sila nakapangangalahati sa daan. May punto ang dalaga.
Tinotoo ni Amirah na makipagpalitan ito sa pagmamaneho. Nasa San Jose, Nueva Ecija na sila ng palitan siya nito sa manibela. He's dead tired but couln't sleep. Pinakikiramdaman ang dalagang nasa manibela. Bakit nga ay mukhang racer kung magpatakbo ng sasakyan ito. Sa palagay niya ay sinasadya nito iyon dahil natataon na hinihila na siya ng antok ay bigla itong mauumpog sa salamin sa tagiliran niya.
Bago makarating sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya ay ipinilit niyang ibalik sa kanya ang manibela dahil hindi niya balak ipakipagpalaran ang buhay sa reckless driver na dalaga. Bumpy at zigzag ang daan sa lugar na iyon at matraffic pa dahil under construction ang ibang mga bahagi ng highway.
Mag-aalas-singko na ng sapitin nila ang kanilang bayan.
Hindi na namalayan ni Amirah na nakarating na pala sila. Mayroon nang limang minuto ang nakalipas buhat ng maihinto ng binata ang sasakyan nito sa harap ng kanilang bahay.
Saktong bumubukas ang gate nang maalimpungatan siya. Namulatan niyang nakatunghay sa kanya ang binata. Nakasandig sa manibela habang ang isang kamay ay nakapatong naman sa backrest ng upuan.
"Ang sarap ng tulog mo. Nakonsiyensiya naman akong gisingin ka. Ngayon ako naniniwalang I'm a better driver."
Nag-inat ang dalaga. "Pasok ka muna sa loob para makapagkape," saka binuksan ang pinto ng sasakyan.
Sumunod naman ang binata. Hindi na ipinasok ang sasakyan sa loob ng bakuran dahil inaasahan naman niyang hindi siya magtatagal doon.
"Ate, kailan ka pa dumating?" nagulat pa siya nang mabungaran ang nakatatandang kapatid na naghihintay sa gate. Ito pala ang nagbukas ng gate para sa kanila. Sabik na niyakap ang kapatid.
"Kahapon lang din. Nag eroplano na ako pa-Cauayan from Manila dahil hassle ang mag-commute via bus. Ayoko namang magdrive." Sinipat nito ang kasunod na lalaki. "Si Rustam ba ito?"
"How are you, Alex? Long time, no see!" sagot ni Rustam na tila nagpapacute sa kapatid.
Napakamot sa ulo si Amirah. "Excuse me, do you know each other?"
"Ano ka ba, Amirah? Classmate ko siya noong nasa junior high kami. Tara na nga sa loob at doon na natin ituloy ang pagmamarites," nauna nang pumasok sa loob si Alessandra kasunod sila.
Inaasahan na ni Amalia ang pagdating nila ng umagang iyon dahil nasabi na niya sa ina kahapon nang magvideo call sila. Isa pa'y na i-like na rin ng Mama niya ang story niya sa sss tungkol dito bago umalis kahapon. Ayon dito ay sinadya niyang huwag sabihin sa kanya ang pagdating ng nakatatandang kapatid dahil gusto siyang sorpresahin nito.
"Sobrang tagal na nating hindi nagkita ah," ang ate niya kay Rustam."If my memory serves me right, it was during Angie's wedding when I last saw you. Her husband is your friend, right?"
"Yeah. Pero hindi rin ako nagtagal doon dahil noong time na iyon ay nasa hospital si Papa."
"I'm sorry about that, Rustam. Anyways, I heard you are working on a project with Papa," pag-iiba ng kanyang ate ng topic.
Ang kanyang ina naman ay sinamahan si Nelia sa kusina na magprepare ng kape para sa kanila.
Biglang na OP si Amirah. She knows her sister is a talker at madaling makagaanan ng loob. Madalas at sa maraming pagkakataon ay na-do-dominate nito ang usapan. That's one thing she likes about her and she is ok with it. Para sa kanya walang ibang maganda at magaling kundi ang kanyang kapatid.
Hinayaan na lang niya ang dalawa na magbalitaan dahil naisip niyang magkakilala naman sila at matagal na hindi nagkita.
Nang lumabas ang ina mula sa kusina ay kasunod na nito si Nelia na dala ang mga kape.
Siya na ang nag abot ng kape nito sa binata. At nang abutin ito ay nginitian siya nito. Sa ginawang iyon ng binata ay pakiramdam niya ay nag sommersault ang kanyang puso. Lagi naman siyang nginingitian nito. Ngunit nang umagang iyon, biglang nagtransform ang binata sa paningin niya. Lalo at nakikita niyang magaling magdala ng conversation ito. Sa tingin niya ay magkasundung-magkasundo sila ng kapatid. Strange, pero wala siyang nararamamang selos bagkus ay mukhang nag-e-enjoy pa siya sa pakikinig sa mga ito.
Nang biglang tumunog ang iphone niya. Profile pic ni Cliff ang nasa screen. Dinampot ang cellphone at nagtuloy sa kusina upang kausapin ito. Hindi na niya napansin na sinundan siya ng matalim na mata ni Rustam dahil nahagip ng paningin nito ang nagregister sa screen ng cellphone niya.
Pagbalik niya sa drawing room ay nagpapaalam na ang binata.
Hinatid niya ito hanggang gate at nagpasalamat.
Nang magkasarilinan sila ng kapatid sa kaniyang kuwarto ay tinukso siya nito. Kunwari pa siyang kinurot sa singit.
"Wuy, ano ito, huh? Hindi mo sinabi sakin na nagkakamabutihan na kayo ng lalaking iyon."
"Si ate. Para namang hindi alam na may boyfriend ako," kunwari naman ay inirapan niya ito.
Ngumisi naman si Alex. "Oo nga pala. Hindi magandang tingnan na tinu-two time mo si Cliff. E kung makipagbreak ka na lang?"nanantiya nitong turan sa kapatid.
"No. Hindi ko gagawin iyan. Malinaw ang sabi ko ate na walang espesyal samin ng apo ni Senyor Agusto. Si Papa lamang ang mapilit na samahan ko iyon sa company event nila," giit niya.
"It doesn't make any sense. I really can't believe you fell into their trap. Wala namang dahilan para magpanggap na girlfriend niya. He's already a established businessman. Pangalan pa lang ng taong iyon maaari nang makapag-close ng deal," nababaghang tinitigan siya ng kapatid.
May point ang kapatid. Iyon din ang naiisip niya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili king bakit nagpakasangkapan siya sa ama at sa lalaki.
"Anyway, alam kong pagod ka. Iiwan na kita para makapagpahinga. Bumaba ka na lang kung magugutom ka," iyon lang at lumabas na ng kwarto niya ang kapatid.
Nakatulog naman ang dalaga at nang magising ay mag-a-alas dos na.
Naligo lang siya at nang makapagnihis ay nagpaalam sa kapatid at sa ina na sasaglit lang sa Omega. Hindi napilit ng mga ito na kumain muna siya bago magtungo roon.
Sa hagdan paakyat sa kanilang opisina ay nakasalubong niya si Dra. Engeline, ang obstetrician at gynecologist sa clinic na nasa second floor. Nginitian siya nito at binati.
"Wala ka ata ng dalawang araw Amirah?"
"May kailangan lang akong asikasuhin sa Manila doktora," tugon niya.
Nilampasan na rin siya nito at siya naman ay nagtuloy sa opisina ni Alota. Nagulat pa ito nang ilapag niya ang dalang paper bag sa kanyang harapan. Tumingala ang babae sa kanya.
"Hmmm. Suhol ba ito para itikom ko ang bibig ko kung saan ka galing at baka maimarites ko sa mga tao sa ibaba?" pakunwari ay inismiran nito si Amirah.
Ganoon pa man ay inilabas nito ang laman ng paper bag at natutop ang bibig nang makita ang bagong labas na design na handbag ng Michael Kors. Tinitignan lamang nito kagabi sa page ng company ang design na ito.
"Nahulaan ko ba ang gusto mong design?" nakangiti niyang tanong rito.
Napa uh-uh naman ang kaibigan.
"Anong ganap ngayon dito sa opisina?" usisa niya saka naupo sa naroong silya.
"Narito kahapon si Mr. Atienza. Siya na ang nag-approve sa theme na gagamitin ng Omega para sa promotion ngayong month. Then, si Nathan," ang tinutukoy nito ay ang manager ng branch na pinamamahalaan nilang food chain, "nagresign pero nangangako namang iti-train ang kapalit nito bago umalis. Malapit na daw ata kasing dumating ang petition ng kapatid galing Canada. E, ikaw? Anong naganap sa dalawang araw mo sa Manila,?"
"Regina Carlota, tumigil ka!" babala niya rito.
Napabungisngis naman ang kaibigan. Kabisado na nito ang ugali ni Amirah. Kapag ganitong binubuo nito ang pagbigkas sa kanyang pangalan ay nauunawaan niyang ayaw na niyang palawigin pa ang usapan.
"Siya nga pala. Nagpaakyat ako kay kuya Celso ng double Dutch ice cream at buns. Tawagin mo na lang mamaya ang mga kasama natin at pagsaluhan ninyo."
Matapos sipatin ni Amirah ang accounting report na iniabot sa kanya ng kaibigan ay iniwan na rin siya nito. Nagbilin na lang na dalhin sa opisina niya ang mga papeles kinaumagahan.
Isa sa mga maipagkakapuri ni Alota sa pamilya Atienza ay ang pagiging makatao ng mga ito. Bawat isa sa kanila kailanman ay hindi nagpakita ng kasamaan ng ugali sa kanilang mga empleyado lalo na siya na naging paaral ng kanilang pamilya buhat ng nasa high school siya.
Naging labandera sa malaking bahay nila ang kaniyang ina. At nang makita siya minsan ni Amalia ay nakagiliwan at inamuking kupkupin siya ng mga ito.
Noong una ay nag-atubili ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa dami nilang magkakapatid at halos hindi kumasya sa gastusin nila ang sweldo ng ina lalo at walang permanenteng trabaho ang kanyang ama, napapayag na rin nito ang ina na manirahan sa malaking bahay.
Nagkahulihan sila ng loob ni Amirah dahil nga magkaedad at likas namang palakaibigan ang bunsong anak ni Amalia.
Nagtransfer na rin sa pinapasukang eskwelahan ni Amirah si Alota upang ayon sa ama nito ay makasama siya sa pagpasok.
Nang magkolehiyo ay nagkahiwalay sila ng pinasukang eskwelahan. Dahil siya ay naiwan sa kanila at nag-enrol sa Quirino State University habang ang kaibigan ay sa Manila nag-college.
Nang makapagtapos ng Accountancy at pumasa sa board exam, inamuki siya ni Amirah na sa kaniya na magtrabaho. Kung tutuusin ay bentahe sa kanya iyon dahil in-offer-an siya ni Amirah ng sweldo na hindi niya natanggihan.