HINDI makapaniwala ang dalaga sa bilis ng mga pangyayari. Pati si Alota ay hindi siya tinatantanan ng katutukso nito. Aayaw-aayaw pa daw siya sa simbahan naman daw ang tuloy. Tatlong linggo mula ng araw na iyon ay itinakda ang kanilang kasal. Tila siya robot na sunud-sunuran sa mga magulang at sa binata. Tinatanguan ang bawat maibigan ng mga ito. Magmula sa isusuot na damit pangkasal hanggang sa lugar na paggaganapan ng kasal at reception.
Mrs. Amirah Montelibano. Napangiwi siya sa isiping iyon. Pinakikiramdaman niya ang sarili kung may pag-aalinlangan ba siya. Pero sa katotohanan ay lihim na nagbubunyi ang kaniyang mapagkunwaring puso. Hindi niya mapigilan ang sariling mangarap ng mga gabing kasama ang binata. Mag-iisang linggo na namang hindi nakikita ang binata. Madalas silang magkausap nito sa cellphone na sa pag-aaway rin naman nauuwi ang mga tawag na iyon. Alaskador ang binata at pikon naman siya. Hindi nakatitiyak ang dalaga kung saan mauuwi ang pagpapakasal niya rito.
Nahinto siya sa pag-iisip nang makarinig ng tatlong katok sa pinto.
"Come in."
Iniluwa niyon ang babaeng naka-wide leg halter jumpsuit. Kumikinang ang kaputian niyon sa dilaw na suot. Stiletto ang sapin sa mga paa. Habang papalapit ang babae ay sumasabay sa indayog ng balakang ang buhok nitong unat na unat. Parang sa isang commercial na ihinahangin iyon kahit walang hangin sa loob ng opisina dahil air conditioner ang gamit niya. She's stunningly beautiful.
Maasim ang ngiting isinalubong niya sa bagong dating.
"May kailangan ka ba sa akin, Trisha?"
"Oh. Mabilis kumalat ang balita, Amirah, my dear." Inimbitahan na ang sariling maupo sa sofang nasa receiving area. Seksing nag-cross legs ito.
"Bilib din ako sa kamandag mo. This is so like you, Amirah. You must have a bad habit of jumping from one's bed to another," makahulugang tiningnan si Amirah nito mula ulo hanggang kalahating katawan lang dahil nakaupo siya sa harap ng kaniyang mesa.
"Look, Trisha. Hindi ko alam kung kanino ko dapat ipagpasalamat ang pagbisita mo sa akin. Sa palagay ko ay wala akong dapat ipaliwanag sa iyo. Nagkahiwalay kami nang maayos ni Cliff."
"Kawawa naman iyong pobre. Apat na taong naghintay kahit alam niyang pinagsawaan na ng iba ang nobya. Hindi mo ba natatandaan ang nangyari five years ago o maang-maangan ka lang?"
"Kung naparito ka lang upang insultuhin ako, mabuti pa siguro ay lumabas ka na Trisha."
"Matapos kay Aaron. Kay Cliff. kay Rustam," nagbilang pa ang babae sa mga daliri. "Sino pa ang susunod, Amirah?"
Napanganga si Amirah. Lubhang namangha sa husay mang-insulto ng babae. Hindi mapaniwalaan na marinig ang mga iyon sa dating kaibigan.
"Kung naaalala mo, Trish, ikaw ang nagpakilala sa akin sa sinasabi mong Aaron. At kung natatandaan mo rin ay ikaw ang pumilit sa aking sumama nang gabing iyon. Ang sabi ko sa iyo ay may nakatakda akong exam kinaumagahan pero ipinagpilitan mong sandali lang tayo. Hindi ba't ikaw pa ang namili ng isusuot ko sa gabing iyon?"
Bukod kay Aaron ay mayroon pa silang mga kasama noon. Natatandaan niyang ipinakilala silang lahat ni Trisha sa kaniya. Pamilyar ang tatlo sa mga ito dahil nakikita na niya ang mga ito sa university kung saan sila nag-aaral ni Trisha.
"Wala ka nang ginawa Amirah kundi agawin ang mga taong dapat ay para sa akin. Ako ang naunang nakakita kay Cliff. Pero ano ang ginawa mo? Inakit mo siya." Tumayo ang babae at tinungo ang kinaroroonan niya. Marahas na hinawakan siya sa braso. Nanlilisik ang mga mata nito.
"That was why you ordered Aaron to drug her, tama ba Trisha. Kapalit ng pagpayag mong maging girlfriend ka niya." Sabay na napatingin ang dalawa sa lalaking bagong dating. Muli nitong isinara ang pintong pinasukan.
Napilitang bitiwan ni Trisha si Amirah. Lumayo ito rito.
Mabilis na nalapitan ng lalaki si Amirah. "Are you okay, love?" Tumango naman ito sa lalaki
"Wala akong alam sa sinasabi mo, Rustam."
Nilingon ng binata ang babaeng nakadilaw. "Kung naaalala mo Trisha ay inabutan ko kayo ni Aaron sa loob ng CR. Nais mo pa bang idetalye ko kung ano ang inabutan ko nang gabing iyon? Bukod doon ay ipinareview ko ang CCTV ng club," mariing singhal nito sa babae.
"Hmmp." Sumimangot ang babae at padarag na hinablot ang kaniyang handbag na nasa sofa. "Hindi ko alam kung ano ang ipinakain ng babaeng iyan sa iyo, Rustam. That little viper!" nagpupuyos na wika ng babae at tatalikod na nang magsalita si Rustam.
"Ah, Trisha Your ex-husband from the US called. He was interested to avail of one unit sa subdivision na itatayo ko. In case you didn't know. He's very much willing to settle here for good."
"Tse! Go to hell bastard!" bumalya ang pintong isinara ng babae.
"Oh no, Trisha. I'm not some bastard's bastard!" ganting sigaw ng binata rito pero duda si Amirah kung narinig pa ito ng babae. Nagtatawang hinarap nito ang dalaga.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba dapat ay nasa Manila ka pa?"
Itinayo siya nang binata at iginiya sa sofa. Naupo sila roon. Inayos pa ng binata ang mga hibla ng buhok na nakakalat sa mukha niya. Iniipit ang mga iyon sa likod ng kaniyang tainga. Namilipit naman si Amirah.
"I took the passenger plane via Cauayan. Nagpasundo ako kay Kuya Celso kanina roon." Sa halip ay wika nito.
"Utang na loob, Rustam."
"Okay. Hindi ko nakayang malayo sa iyo kahit ilang araw lang. Nasa opisina ako pero parang lumilipad ang isip ko. Para akong mababaliw, Amirah kung hindi kita makikita. Tama si Trisha. May naipakain ka ata sa aking hindi tama." Bumungisngis ang dalaga sa kakwelahan ng binata. Kinuha naman nito ang mga kamay niya at inilapit ang mga iyon sa kaniyang labi. Natukso pa itong isubo ang isang daliri. Kinilabutan si Amirah. Inilayo rito ang paningin.
"Paano kayo nagkakilala ni Trisha?"
"Gusto mong mamasyal sa farm?" sa halip ay tanong nito sa kanya.
Walang nagawa si Amirah kundi sumunod sa binata. Nagulat pa siya nang makarating sa parking at hindi makita ang sasakyan ni Rustam. Nagkamot naman ng ulo ang huli.
"Hindi ba sabi ko sa iyo ay nagpasundo ako kay Kuya Celso."
"Pero hindi mo sinabi na hindi ka pa umuuwi sa inyo. Sa opisina ko talaga ikaw nagtuloy?"
"Gusto kong ipaalam sa iyo na responsable ka sa transportation ko habang narito tayo sa probinsiya."
"Di hamak na mas mayaman ka kesa sa akin pero hindi ako makapaniwalang hindi mo kayang bumili ng sariling sasakyan? May palagay akong sasakyan pa ng kompanya mo ang gamit mo eh."
"Paano mo nahulaan?"
Nagtatawanan silang sumakay sa kotse ni Amirah. Ibinigay naman ni Amirah ang susi ng kotse rito dahil ayon dito ay reckless driver daw siya. Naiiling na lang ang dalaga.
NAGULAT pa si Amirah nang hindi sa bahay na may dalawang palapag siya dalhin ng binata. Sa kabilang bahay sila nagtuloy nito.
"This is the first house my father built for my mother. Nauna pa itong maitayo kaysa sa bahay namin sa Quezon City. My father is an engineer. Nag-eksperimento ng design para sa bahay na ito. Look at the ceiling." Itinuro nito ang kisame ng one floor Spanish style house na pinasukan nila. "Cathedral ceiling ang tawag niya diyan."
"Sino ang nakatira sa kabilang bahay?"
"Oh, that house? Minana ng lolo sa kaniyang mga magulang. Ang mag-asawang Tita Lydia at Mang Minyong ang kasama ng lolo roon. Mga pamangkin ni lolo sa pangatlong pinsan. Pero madalas ang lolo na nasa maisan. Mahina na ay hindi pa maaming hindi na kayang pamahalaan ang pagpapatanim. Ang sabi ay kalabaw lang daw ang tumatanda. Hindi naman ako madalas rito. Kung narito lang naman ako ay kung saan saan na lang ako natutulog," nginitian siya nito. Lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Kumikinang ang mga iyon. Ngayon lamang napansin ng dalaga na isa ito sa mga napakarami na niyang assets.
"Huwag mo akong titigan ng ganyan, love. Kung iniisip mong perpekto ako ay diyan ka nagkakamali," mukhang nahulaan nito ang ang nasa isip.
Kumalas ito sa pagkakahawak ng binata at naglakad lakad. Binistahan ang mga kagamitang nasa loob ng bahay. Iba't ibang uri ng furniture ang naroon. May pakiramdam siyang mahilig nagpreseve ng memories ang mga tumira sa bahay na iyon dahil pawang mga lumang kagamitan ang naroon. Tulad ng mga electric fans, radio casette, lamp shades, pati wooden cabinets at mga laman niyon.
"Come here, love."
Nilingon niya si rustam na nasa mahabang upuang kahoy. Naupo naman siya sa tabi nito.
"Ilang kwarto lahat mayroon ang bahay na ito?" out of curiousity ay naitanong niya
Kumunot ang noo ni Rustam. "Tatlo. Dalawa lang ang banyo. Isa sa master's bedroom. Isa rin sa nasa dulo, " itinuro pa nito ang kinaroroonan niyon. "Satisfied, love?" nakangisi itong tumingin sa kanya.
Kinurot niya ito sa tagiliran.
"Ouch." Hinuli nito ang mga kamay niya at inihiga siya nito sa upuan. Mabuti na lang at may cushion ang upuan. Kung hindi'y iindahin niya ang pagtama ng likod niya sa upuang kahoy. Itinaas ni Rustam ang mga kamay niya sa kaniyang ulunan. Nagwawala siya pero higit na malakas ang lalaki. Pinigil ng mga hita nito ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Akma siyang hahalikan nito nang magsalita siya.
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung paano mo nakilala si Trisha?"
"Hindi mo ginagawa ito Amirah para pahirapan ako," bulong nito sa kaniya. "Sa Manila pa lang ay iniisip ko na kung paano kita madadala rito. Hindi mo gugustuhing pag-usapan natin ang ibang babae habang hinahalikan kita. Pero okay to satisfy your curiosity."
Umalis ang binata sa pagkakadagan sa kaniya. Umayos ng upo ang dalaga. Si Rustam naman ay nahiga sa likuran niya. Malapad ang upuang kahoy at kasya silang dalawa roon. Umusod paitaas para mabistahan siya.
"Pauwi ako noon dito para ibalik sa St. Luke si Papa. Na atake ang Papa at kasalukuyan pa lang nagrerecover kanya iniuwi ko siya rito. Balak ko ulit siya i-confine dahil hindi bumubuti ang kaniyang kalagayan. Bukod sa sakit sa puso ay may prostate cancer pa ang Papa. Inilihim niya sa akin iyon. Napadaan lang ako sa club para makita ang isang kaibigan at para hingan na rin ng pabor," hindi na binanggit ng binata na tatlong araw mula noon ay binawian na rin ng buhay ang ama.
Buong idinitalye ni Rustam kay Amirah kung ano ang nangyari ng gabing iyon sa Revel mula sa engkwentro nila ni Aaron hanggang sa makarating sila sa hotel. Pati na nang abutan niya si Trisha at ang lalaki sa CR na nag-uusap at doon niya napagtanto na balak gawan ng hindi maganda si Amirah. Nang makapagbabang-luksa sa ama ay madalas siyang tumambay sa club ng kaibigan. Noon naalalang ipa-review ang CCTV. Madali naman niyang naipahanap ang lalaking nasuntok. Tinakot na ipakukulong kung hindi maituturo kung nasaan ang Trisha na nag-utos ditong gawin iyon. Hindi rin daw niya nakikilala ang babaeng nakilala sa club. Mira ang ibinigay na pangalan ni Trisha dito. Nang mga panahong iyon ay nasa America na daw si Trisha at wala na daw silang kontak nito.
Nayakap ni Amirah ang binatang nasa tabi. Tiningala ito. "Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na sumama ako kay Trisha ng gabing iyon dahil naging daan iyon para magkita tayo," natukso siyang kagatin ang lower lip ng binata.
"Amirah, stop it."
"Hindi pinansin ang binata. Lalo pa nitong tinukso ang mga labi nito. Hindi na napigilan ng binata ang sarili. Mapusok nitong sinalubong ang mga labi ng dalaga. Pareho silang naghahabol ng hininga nang magkahiwalay.
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung may nangyari ba sa atin ng gabing iyon?"
"Ano sa palagay mo?"
Kinurot nito sa tagiliran ang binata.
Tinitigan nito ang dalaga. "When I make love to you sisiguraduhin kong matatandaan mong lahat ang mga gagawin ko sa iyo. Ang mga halik ko, ang mga yakap ko, ang mga haplos ko. At sa mga gagwin ko sa iyo ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataong ikumpara ang mga iyon sa iba."
"Kung hindi mo ako pinakialaman ng gabing iyon, ibig sabihin ay malinis pa ako? Oh, I love you, Rustam."
I know, love."
"Alam mong birhen pa ako."
"I know that you love me."
Muli niyang kinurot ang tagiliran ng lalaki.
"Namimihasa ka na, love." Pero niyakap siyang muli nito. "Nang makita kita sa Revel ay para akong na love at first sight sa iyo."
"Ang cringe ng sinasabi mo. Hindi ko alam na hopeless romantic ka pala."
"Ngayon alam mo na kung bakit walang perpektong tao."
Sumeryoso si Rustam.
"Noon pa lang gabing iyon ay alam ko nang mahal kita, Amirah. Binuhay mo ang protective instinct sa katauhan ko. Nang makita kitang muli ay ipinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat mapasaakin ka lang."
Dalawang linggo mula noon ay ikinasal si Rustam at Amirah. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mga mga magulang ni Amirah. Pati na ang Senyor Agusto. Naroon rin sa kanilang kasal ang mag-asawang Rosales. Si Alota ang maid of honor at si Barron ang best man. Dumalo rin si Aisha. Imbitado rin sa kasalan si Dr. Rodriguez na buhat nang masilayan si Aisha ay hindi na inihiwalay ang tingin rito. Si Barron naman ay gustung-gustong asarin ang kaibigan ni Amirah na hantarang ipinakikita ang pagkaasar rito.
WAKAS