INAASAHAN ni Amirah na pagkaraan ng namagitan sa kanila ni Rustam sa study room ay mag-uusap sila nito. Nais niyang marinig mula rito ang totoong nangyari nang gabing iyon.
Sa nanlalabo niyang paningin ay natatandaan niyang matangkad ang lalaking nakasama niya sa hotel dahil nahihirapan siyang tingalain ito na siyang nakapagtataka dahil nasa average height na lalaki ang naipakilala ni Trisha sa kaniya. Mayroon rin iyong nakakahalinang amoy. Naeengganyo nga siyang halikan at yakapin iyon sa kabila ng kalasingan niya. Ngayon niya higit naunawaan na hindi si Aaron ang nagdala sa kanya roon kundi ibang lalaki. Hindi siya naniniwala sa pagkakataon at tadhana. Para sa kanya ay may dahilan ang lahat ng nangyayari sa mundo. Ngunit paano niya maipalliliwanag na si Rustam ang lalaking iyon? Of all people?
Nais niyang makausap ang lalaki ngunit maglilimang araw nang hindi nagpaparamdam sa kanya ito.
NAGULAT pa ang dalaga nang datnan ang isang hindi inaasahang panauhin sa kanilang sala. Tatlong linggo na ang nakararaan buhat nang huli silang magkausap nito. Nahagip ng paningin niya ang kotseng asul sa di kalayuan nang ipasok ang sariling kotse sa kanilang bakuran. Ito siguro ang may-ari no'n.
Iniabot kay Nelia na kasunod lamang niyang pumasok ang hawak na cake. Binilinan ang babae na maghanda ng meryenda at dalhin sa may garden.
Maaliwalas ang mukhang sumalubong sa kaniya ang panauhin. Hinalikan siya nito sa pisngi. "Kumusta ka na? Lalong kang gumanda sa dalawang taong nagkahiwalay tayo."
"Kanina ka pa hinihintay ng nobyo mo, Amirah, anak. Ang sabi ko ay puntahan ka na sa opisina pero gusto ka raw sorpresahin."
Niyaya niya ang lalaki sa may garden. Isinunod naman roon ng kanilang kasambahay ang ipinahandang meryenda.
"Sinorpresa mo talaga ako sa pagdating mo, Cliff. Hindi ka nagpasabi na nakauwi ka na pala," nakangiting wika niya sa binata nang makatalikod na si Nelia.
"Noong isang araw lang din ako nakauwi dito sa Pilipinas. Dinaanan ko pa si Cheng sa Hongkong." Ang tinutukoy nito ay ang bunsong kapatid na babae. "Ewan ko ba sa babaeng iyon? Sa Hong Kong pa talaga naisipang mag-shopping?" Nagtatawa ang lalaki.
"Galing ka pa ng Laguna niyan?" Kahit obvious naman ang sagot sa kawalan ng masasabi ay naitanong ni Amirah rito. Tagaroon ang lalaki.
"Yup," tinitigan siya nito.
"Cliff..." Nakikiusap ang mga mata ni Amirah.
"Babe, nag-usap na tayo hindi ba?"
"I know pero..."
Iniusod ng binata ang upuan nito palapit sa kaniya at ihinarap siya. Ginagap ang kaniyang mga palad. Matagal na tinitigan ang magkahawak kamay nila. Walang ano-ano ay dinala ang mga kamay ng dalaga sa kaniyang mga labi. Pinakatitigan siya. Parang pinipiga ang puso ni Amirah sa lungkot na nasasalamanin sa mata ng lalaki.
"Cliff, sinubukan ko naman pero talagang hanggang doon na lang ang kaya kong ibigay. Ayoko namang dayain ka hanggang sa huling sandali dahil napaka unfair noon para sa iyo."
"Payakap nga," sabi nito at kinabig siya. "I have always loved embracing you like this. For me, doing this feels like home. Nanghihinayaang ako sa mga taong nagkalayo tayo."
Mariing napapikit si Amirah. Hindi namalayang may namuo nang kristal sa mga mata. "Sa loob ng mga taon na naging tayo ay wala akong masabi kung paano mo ako pakitunguhan, Cliff. You were sweet and caring." Gumagaralgal ang dalaga.
Inilayo siya ni Cliff at masuyo nitong hinawakan ang mukha niya.
"Hey, don't cry, babe." Nagtatawa itong pinahid ang mga butil ng luhang namalisbis sa kaniyang mga mata.
"Hindi ko rin pinagsisihan ang mga araw na naging tayo. Mas pinagsisihan ko ang pagkakalayo natin. Dahil kung sana lagi akong nasa tabi mo ay hindi mo magagawang tumingin man lang sa iba." Nginitian siya ng binata.
Walang kamalay malay ang dalawa na may dalawang pares ng mga mata na kanina pa nagliliyab sa galit ang nakatunghay sa kanila. Nasa may veranda ito. Mula roon ay kitang kita nito ang dalawa na magkayakap. Nakakuyom ang mga kamao at nagtatagis ang bagang.
"I'm sorry, Amirah. Noon pa sana kita dapat pinakawalan. Natakot ako at baka hindi ko kayanin. Ginawa ko ang lahat ng alam kong paraan upang mahalin mo. Naging mabuti kang babae sa akin kanya wala rin akong maipipintas sa iyo. Naramdaman ko rin ang pagpapahalaga mo sa akin. Ngunit kahit ano'ng pilit mong sabihin sa akin na masaya ka sa piling ko ay napapansin kong nasa malayo ang mga tingin mo. Hinahanap ko sa paligid ang taong pinag-uukulan mo niyon pero hindi ko makita. Until nasabi ni Trisha na ang lalaking sinasabi mong nakilala mo sa Revel at ang lalaking nasa larawan ay iisa." Ang tinutukoy ni Cliff na picture ay ang ipinadala ni Trisha rito.
"We were good together. Malimit tayong mag-away pero napaka-understanding mo. Bagay na minahal ko sa iyo, Amirah." Tumayo na ang binata. "Baka magbago pa ang isip ko, babe kanya tutuloy na ako. I am only one call away if you need a friend. Just in case," pinisil pa ng lalaki ang ilong niya. I think I, too, deserve a goodbye kiss."
Napasinghap ang dalaga nang yukuin siya nito at halikan sa mga labi. Bahagya pa niyong kinagat ang lower lip niya. Nahampas ni Amirah ang dibdib nito sa kapilyuhan at bumungisngis. Hinuli naman ni Cliff ang mga braso nito at hinila ito upang yakapin. Nasubsob si Amirah sa dibdib nito.
Pagkuwa'y niyaya na siya ng lalaki na ihatid siya hanggang gate. Magkawak kamay na lumabas ng bakuran. Kung titingnan sa malayo ay hindi mo aakalaing magkaibigan na lang ang dalawa.
"Ipagpaalam mo na lang ako, Amirah, sa Tita Amalia." Pumasok na ito sa kotseng asul. Kumaway pa sa dalaga nang buksan nito ang salamin ng kotse. Gumanti naman ng kaway si Amirah dito. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang dalaga. Kahit paano ay nabawasan ang dinadalang bigat sa dibdib. Hindi napansin ang isa pang pamilyar na kotseng nakaparada sa hindi kalayuan.
There goes her ex- boyfriend. Mahigit apat na taon ding naging nobyo niya ito. She was almost eighteen nang maging nobyo ito. Hindi niya ipinaalam sa magulang iyon. Ang alam ng mga ito ay magdadalawang taon pa lang sila ng binata.
Duda siya noong papayag ang binata na makipagkalas sa kaniya. Makaraan ang dalawang araw matapos maipadala nito sa kaniya ang nakuhanang larawan nila ni Rustam na mukhang magkaakbay sa Catherine's Garden ay tinawagan niya ang kasintahan. Ipinagtapat dito ang sirkumstansya kung bakit nakunan sila nang ganoong larawan. Pagkatapos niyon ay hindi na siya kinausap ng nobyo. Kahit chat sa messenger ay hindi nakatanggap si Amirah mula rito.
Nagulat pa siya nang magpost ang binata sa social media ng isang love letter. Hindi man pinangalanan ang pinatutungkulan niyon ay sigurado siyang para sa kaniya iyon. Napakahaba ng mensahe ng binata. Nakapaloob sa mensahe ang hindi matatawarang pagmamahal nito sa kanya at kung hindi siya maiibig ng babaeng tinutukoy ay hayaan na lang siya nitong mahalin ito mula sa malayo.
Umani ng napakaraming likes ang post na iyon. Marami ang nag-iwan ng sari-saring opinyon sa comment section. Ang iba ay humanga sa katapangan ng binata na ibahagi ang karanasan nito sa pag-ibig. Ang iba ay nagprisinta na sila na lang ang ibigin ng binata. Pinakamalaking porsyento ang nag-iwan ng hindi magandang saloobin at insulto sa kaniya.
Nang mabasa ang post ni Cliff ay si Amirah na ang tumawag dito. Noong unang attempt na tawagan ito ay ayaw siyang kausapin. Tinanggap naman nito ang tawag pero nanatiling hindi nagsasalita sa linya. Humihikbi ang dalagang pinatay ang tawag na iyon.
Sa pangalawang beses ay tinanggap uli ni Cliff ang tawag niya. Humingi ng kapatawaran ang dalaga sa binata. Noong una ay sinubukang maayos ng dalaga ang relasyon nila. Nangako na iiwasan si Rustam. Madali naman niyang magagawa iyon dahil sa katotohan ay wala naman siyang relasyon sa lalaking Montelibano. Maliban siyempre sa mga encounters nila na nagpapugto ng kaniyang hininga at nagpalambot sa kaniyang mga tuhod. Subalit hindi na niya ipinagtapat ang mga iyon sa nobyo.
Gumaralgal ang boses ng binata sa linya. "Hindi magandang sa telepono natin tinatapos ang lahat pero ayokong nahihirapan ang kalooban mo." Hanggang sa huling sandali ay siya ang inaalala ng binata.
MATAGAL nang nakaalis ang sasakyan ni Cliff ay nananatiling nakatayo si Amirah sa labas ng gate.
"Hindi ka pa ba papasok, Amirah?" Nagulat pa ang dalaga nang malingunan si Nelia. Akma na nitong isasarado iyon.
Walang kibong tumalima ang dalaga.
"Nakauwi na ba ang isa mong bisita?"
Kunot noong nilingon ni Amirah ang nagsara ng gate. "Ako na ang mag-iimis ng mga kagamitang naroon." Nawika na lang niya at dumeretso sa may garden.
Napatda si Amirah nang datnan ang pamilyar na bulto sa may garden. Ganito ba talaga ang lalaking ito? Basta at kung saan na lang sumusulpot? Nakatalikod ang lalaki. Matikas na nakapamulsa ang mga kamay. Hinding-hindi makakalimutan ng dalaga ang malalapad na likurang iyon. Kung pagbibigyan niya ang sarili ay tatakbuhin niya ito at yayakapin. Kinasabikan niya ang ilang araw na hindi pagkakita rito. Parang nahulaan ng taong iyon ang kanyang iniisip at bigla itong pumihit.
Madilim na mukha ang sumalubong sa dalaga. Sa paraan ng pagkakatitig nito ay para siyang nakagawa ng napakalaking pagkakamali. Bumuka ang bibig ni Amirah pero hindi naituloy ang sasabihin sana rito.
"So, that was Cliff. Akala ko ba nagkakaintindihan na tayong makipag-break ka sa lalaking iyon?" tiim-bagang na hindi inaaalis ni Rustam ang pagkakatitig sa kanya.
Napakurap naman ang dalaga. Hindi kayang salubungin ang mga mata ng lalaki. Sa tingin niya'y apoy ang inilalabas ng mga iyon.
"Hindi ko natatandaang pumayag akong makipaghiwalay sa kaniya." Tinungo ang mesa at pinagpatong-patong ang mga platito at basong naroon. Ilalagay na niya ang mga iyon sa tray nang marahas na hawakan ni Rustam ang braso niya. Sumabog ang mga iyon. Ang isang platito ay nahulog pa sa semento.
Inilapit nito ang mukha sa kaniya. "Hindi ka ba talaga makontento sa isa? Apat na araw mo pa lang akong hindi nakikita, nasa bisig ka na ng ibang lalaki," nagngangalit ang mga ngipin nitong wika.
"Ano ba, Rustam? Sinasaktan mo ako!" Gumanti siya ng bulyaw sa binata.
"Oh, yes. Sasaktan talaga kita Amirah hanggat hindi ka natututong makinig!" umalingawngaw ang boses ng lalaki.
"Nag-aaway ba kayo?" Sabay na napalingon ang dalawa sa paglitaw ni Nelia. "Sowry, hihi... nagpahatid ang Mama mo Amirah ng meryenda para sa guwapo mong bisita." Nang aasar pa nitong dagdag.
Hindi pinansin ang ang malisyosong kasambahay at hinila ni Amirah ang mga brasong hawak ng binata. Kung sa ibang pagkakataon ay kikiligin siya sa pagkasambit ni Nelia na guwapo ang binata.
"Hindi ko kailangang makipagbreak sa boyfriend ko dahil lang sinabi mo. Idiot! Ano ba kita?"
Nilingon ni Rustam si Nelia at sinenyasang umalis na. Nagkumahog naman ang babaeng umalis na. Wari ay natakot sa tinging ipinukol ng binata dito.
"Tinatanong mo kung ano mo ako, Amirah?" Ibinalik nito ang pagkakalapit sa mukha niya. Niyuko siya nito. Napilitang tingalain ng dalaga ito dahil hindi hamak na mas mataas ang binata sa kaniya. Nakipagtitigan siya rito. Hinaplos ng likod ng palad ng lalaki ang pisngi niya at dinama ng hintuturo nito ang kaniyang mga labi. Napaawang ang bibig ni Amirah. "Kulang na lang na ipagkaloob mo ang sarili mo sa lalaking nasa harap mo. Ngayon ay tinatanong mo kung ano mo ito? Hindi ko na kailangang ipilit ang sarili sa iyo, ha?" nakakalokong ngumisi ang lalaki. "Ganyan ka ba sa kahit sino'ng mga lalaking madidikit sa iyo?"
Naningkit ang mga mata ni Amirah. Itinulak niya ito palayo pero parang mga bakal ang mga kamay ni Rustam na iglap nahawakan ang isang braso niya.
"Mas masarap bang humalik ang lalaking iyon? Magaling ba siya sa kama, ha Amirah?"
"Wala kang karapatan na ibato sa akin ang mga insultong iyan, Rustam. Aminin mo man o hindi, you deliberately seduced me!"
"Sa bahaging iyan ay duda ako, Amirah. Natatandaan mo ba kung paano ka nagmakaawa five years ago just to make love to you? You were barely a teenager. May gatas ka pa sa labi kung tutuusin ay pinagnanasaan mo na ang katawang ito, " malisyosong tumawa pa ito sa kanya. "Ngayon mo sabihing inakit kita!"
Isang sampal ang pinakawalan ni Amirah na dumapo sa pisngi ni Rustam. Hindi man lang noon natinag ang binata.
"I will talk to your father, love. Sa pagkakataong ito, mapipilitan silang ipakasal ka sa akin. Why, Amirah? I have known your parents to value modesty so much. Hinding hindi sila magdadalawang isip na ipakasal tayo. At sa bagay na iyan ay wala kang magagawa. Now I understand why you were being submissive to them. Natatakot kang malaman nila na at the back of this innocent image ay isang babaeng walang pagpapahalaga sa sariling virtue."
"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan just because you had bedded me once. No. You can't do that, Mr. Montelibano. Hindi mo gagawin iyan dahil lang nasagi ko ang ego mo. You are not in your right mind to do that."
"Oh yes, Amirah. Believe me. I will."
"Hindi ako makapaniwala sa guts mo, Mr. Montelibano. Kahit wala kang nararamdaman para sa akin ay gagawin mo iyan dahil lang sa pride mo. Napakaegoistic mo!"
"Call me whatever, Amirah. Call me a fool pero hinding hindi ko tatalikuran ang nasabi ko na. Oh, and you're wrong darling na wala akong nararamdaman para sa iyo, " hinapit siya ng binata. Dumulas ang palad nito sa kanyang balakang. Hinila siya. Sadyang ipanaramdam ang namumukol nitong pangharap sa kanya. "Hindi mo ba nararamdaman, my love? I desire you. Lust you. Gusto kita sa ibabaw ng aking kama. I have always wanted to make love to you. Gusto kong pilipitin ang bawat leeg ng mga lalaking lumilingkis sa iyo. That's how insane I am towards you"
Napasinghap ang dalaga. Walang ano-ano ay hinuli ni Rustam ang mga labi niya at marubdob siyang hinalikan nito. Gusto niyang kumawala mula sa lalaki dahil pakiramdam niya any moment ay mapupugto ang hininga niya. Lumuwag ang pagkakawak nito sa kaniya at naging masuyo ang mga halik nito. Saka lang siya nakaramdam ng luwag sa dibdib. Naengganyo siyang makipagsabayan rito.
Nahinto sa mainit na paghahalikan ang dalawa ng tumikhim si Amalia.
"Narito pa rin pala kayong mga bata kayo. Pumasok na kayo at nakahanda na ang hapunan." Walang anumang tumalikod ang ina ni Amirah.
Unang kumalas ang dalaga sa pagkakayapos ni Rustam. Inayos nito ang umakyat na blouse sa kaniyang tiyan. Nakadama ng pagkapahiya ang dalaga sa harap ng binata. Tama ito. Kulang na lang ay ipagkaloob na nito ang sarili kung malalapit rito. Napakadali siyang maakit ng lalaki.
Makahulugan ang tinging ipinukol sa kaniya ng lalaki. "I am not being sorry na nahuli tayo ng Mama mo sa tagpong naghahalikan tayo." Ginagap nito ang isang palad niya at iginiya na siya papasok sa kabahayan.
Hindi siya kumibo. Nagapi siya ngayon ng binata. Nagpasyang kumuha muna ng lakas para sa susunod nilang engkwentro. Pakiramdam niya ay naubos na lahat ang natitirang lakas sa pakikipaghalikan rito kanina.
Naratnan na nila sa hapagkainan ang kaniyang ama. Katabi si Amalia. Parang walang anuman naman na nagmuwestra ang ina sa lalaking kasama na maupo na sila. Hindi binibitiwan ng lalaki ang kamay niya. Kumunot ang noo ng ama nang mapatingin sa magkahawak kamay nila ng binata. Nagtatanong ang mga matang tumitig kay Amirah. Nahalata naman ni Amalia ang asawa. Walang anumang kinuha nito ang atensyon mula roon.
"Maupo ka na rin Nelia. Sumabay ka na sa amin."
"Nauna na ako ate Amalia. Ginutom ako kanina kanya hindi ko napigilang kumain na." Tumalikod na ang babae.
Sa ilalim ng mesa ay mahigpit pa ring hawak ni Rustam ang kamay niya. Hinila niya ito ngunit hindi pinakawalan iyon ng binata.
"Balak mo ba ako'ng gutumin? Paano akong makakakain niyan?" Bulong niya rito. Doon pa lang pinawalan nito ang kamay niya.
Nahinto ang ama sa tangkang pagsubo nang kuhanin ni Rustam ang atensiyon nilang lahat sa anunsiyo nito.
"Gusto ko po sanang pormal na mamanhikan kami ng lolo sa darating na Sabado." At masuyong sinulyapan si Amirah.
"See. I told you, Papa," mahinang sabi nang nakangiting si Amalia na ang mga mata ay nanatiling nasa binatang kaharap.
"Rustam, you don't mean it. Hindi pa natin napag-uusapan ang tungkol diyan," nasa tinig ni Amirah ang babala.
Malakas na nagtawa ang ama sa naririnig sa dalawang kabataang kaharap.
"Gusto kong magkatuluyan kayo ng aking dalaga Rustam, my son. Pero hindi ko akalaing may pagtitinginan kayo sa isa't isa. Hindi mo lang alam kung gaano ako kaligaya sa naririnig ko ngayon sa inyo. Yes, dalhin mo si Senyor Agusto dito sa bahay upang mapag-usapan ang inyong kasal."
"Bakit may palagay ako'ng itinataboy mo ako sa pag-aasawa, Papa. Twenty-two pa lang ako ah."
"But Rustam has passed the marrying age, Amirah. Hindi siya bumabata. Sa tingin ko naman ay nakahanda na rin ang finances niya para sa pagpapamilya.
"He's too old for me, Papa." Huli na para bawiin pa ang nasabi sa ama.
Nanatili namang nakangiti ang binata. Hindi alintana ang sinabi ng dalaga.
"I was thirty-eight when I married your mother. To think that she was only twenty-six, then. Look at us. Maligaya kami sa isa't isa. Hindi naging hadlang ang napakalaking age gap sa pagsasama namin."
Nakasimangot ang dalaga. Pasimpleng sinusuntok ang katabing hita ng binata. Nang mahuli ni Rustam ang kaniyang kamay ay binulungan siya nito.
"Ingat love, pagsisisihan mong tiyak kung ang magiging kaligayahan mo ang mapuntirya mo."
Inirapan niya ang binata.
Nang nasa sala na sila ay niyaya ng ama niya ang binata sa study room. Ibig daw niyang makausap ito nang sarilinan. Pinigilan ni Amirah ang kamay nito nang makatayo. Niyuko siya nito. "Don't worry love, your secret is safe with me," bulong nito sa kanya. Napatingin sa kanila ang kaniyang ina. Nginitian sila nito sa pag-aakalang sila ay nagbubulungban lamang ng sweet nothings.
Nagpaalam na rin si Amirah sa ina. Nagbilin na lang na hindi na mahihintay ang binata dahil inaantok na. Naunawaan naman siya ng ina at tumango sa kaniya. Natatakot siyang usisain ng ina tungkol sa binatang Montelibano.