LAMCE'S POINT OF VIEW Sa oras na naglapat ang aming mga labi, halatang may pag-iingat at malambot lamang sa pakiramdam ng paghalik niya na siyang tinutugon ko. Kalaunan ay mas nilapit niya pa ako sa kaniya at mas lumalalim na habang tumatagal. Akala ko ay mas lalalim pa iyon subalit siya na ang tumigil. Pareho naming habol ang aming hininga. “Lamce . . .” bulong niya sa aking pangalan at ginawaran muli ako ng saglit na halik. Matapos niyon ay napayakap ako sa kaniya at saka sinubsob ang mukha sa bandang leeg. “B-Bakit mo 'to ginawa, Jake?” tanong ko sa kaniya at nautal. Nalilito ako kung totoo ba ito o ano nga ba ang ibig sabihin niya rito? “Sa takdang panahon siguro ay sasabihin ko,” sambit niya kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. “B-Baka masunog ang sinasaing,” tanging tugon ko

