CHAPTER 29 - PARAAN NG PAGSUYO

1066 Words

JAKE’S POINT OF VIEW Habang kumakain kami sa Chowking ay napansin kong kanina pa ako hindi kinikibo ni Lamce. Napakatahimik niya rin at ‘di ako tinutugon kapag nagsasalita ako. Parang wala rin siyang gana habang kumakain ng Chao Fan na may lumpiang shanghai toppings. Habang kumakain ako ng mainit na Wonton Mami ay hindi ko maiwasang ‘di tumingin sa kaniya palagi. Magkatabi sila ni Mom imbis na kami. Siya pa mismo nagpumilit na magkatabi sila ng kaniyang ina na hinayaan ko na lamang. Napalingon ako kay Dad nang kiniblit niya ako. “Jake,” ani niya nang pabulong kaya nagtaka naman ako. “Anong nangyari kanina nang puntahan ka niya? Ang tahimik yata at ‘di ka kinikibo ng asawa mo?” tanong ni Dad na pabulong. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon. Ako, sinundan ni Lamce sa kinaroroonan k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD