LAMCE'S POINT OF VIEW Kinaumagahan ay alas singko pa lamang ng umaga ay byumahe na paalis sina Mom at Dad. Noong masiguro ko lang na umalis na sila ay doon ko lamang kinatok si Jake sa kaniyang kuwarto. “Jake? Jake, wala na sina Mom at Dad. Puwede ka na lumabas diyan kung nais mo,” sambit ko at wala akong narinig na sagot. Aalis na sana ako nang marinig ko ang tunog ng pag-unlock kaya napalingon ako. Nakita kong naka-boxer lamang siya at namumungay pa ang mga mata. Napalunok ako nang makita ang bandang baba niya saka napunta sa anim na pandesal at biglang iniwas ang tingin. Iiwas mo ang mga mata mo Lamce sa mga yummy na umbok! Delikado 'yan, baka matuklaw ka na ng tuluyan! “Good morning wifey.” Pagbati niya at hindi ako makaharap dahil baka anong magawa ko at hindi ko na mapigilan ang

