LAMCE'S POINT OF VIEW Pinalipat ko bigla ang meet up location namin ng hired husband ko. Nagpapasalamat akong okay lang din pala iyon, kinabahan ako kanina. Naisip ko rin kasing hindi maaaring makita muna ng kahit sino man ang hired husband ko. May kailangan muna kaming gawin bago tuluyang ipakilala siya kung sakali man. Sinigurado rin sa akin ni Fac Yu na ang hired husband ko ay swak na swak sa pagkaka-describe ko nang magkausap kami sa opisina nang nakaraan. “Caroline, maaga akong uuwi. And starting tomorrow hindi muna pala ako makakapasok for personal reasons. Ang mga dapat kong trabahuhin, pa-email na lamang din para nagagawa ko pa rin kahit nasaan man ako. Kung sakaling may emergency tawagan mo ako, okay?” “Yes po Ma'am Lamce, noted po. Mag-iingat po kayo,” tugon niya sa akin. “

