LAMCE'S POINT OF VIEW
Ilang araw na akong 'di mapakali at hindi alam ang gagawin. Napadpad na yata ako sa mga dating app pero wala man lang puwedeng ma-convince na magpanggap na husband ko. Lahat yata ng mga nakakausap ko ang mga gusto lang ay s*x bago raw nila gawin ang nais ko. Good think not real name ang inilagay ko roon, Diyos ko po!
Gusto ko rin naman sana ang ilang kaibigan naming may lahing American, mga ka-batchmates ko. Pero paano naman mangyayari eh may mga asawa na rin sila? O kung hindi naman asawa ay girlfriend. Anong gagawin ko ngayon?!
Hindi ko na rin ulit nakikita ang lalaking nabangga ko. Balak ko na sana ibaba ang pride ko mapapayag man lang siya kung sakali man na single pa siya.
“Dahil ito sa katangahan mo Lamce, kainis ka!” bulong ko sa sarili na naiinis. Ilang araw na akong mas nai-stress dito kaysa sa marami kong trabaho sa business ko.
Pagod akong napasandal sa swivel chair ko pagkatapos ng gawain. Ang mga gawain na noon mas mabilis ko matapos pero ngayon ang tagal ko natapos.
“Ma'am Lamce . . .” Napatingin naman ako kay Caroline na siyang tumawag sa akin. Sinenyasan ko siyang pumasok saka nagpakawala ng malalim na hininga.
“Ito na po ang kapeng espresso na pinapadala niyo po,” ani niya saka nilapag ito sa lamesa ko.
“Thank you, Caroline. Siya nga pala, bukas ay hindi muna ako papasok. Kapag may problema, tumawag ka kaagad sa akin. Iiwanan ko na rin sa iyo ang mga dapat mo lang kailanganing gawin bukas. Kaunti na lamang din iyon,” tugon ko at pagod na kinuha ang kape sabay sumimsim.
“Noted po Ma'am, relax-relax din po. Lately, napapansin ko pong parang stress na stress po kayo. Ang usap-usapan ng ilan baka dahil daw po sa asawa niyo,” saad ni Caroline na nagpabigla sa akin. Muntik ko na mabuhos ang kape sa sarili ko.
“Ano?!”
“Ahm, 'yon po kasi nalaman na rin po ng iba na may asawa raw po kayo. Kahit po ako nabigla sa narinig ko k-kasi akala ko po wala pa kayong asawa. Sabi po ng ilan baka nag-aaway daw po kayo,” sagot niya at napakamot sa ulo.
Inuulit ko self, iyan ang napapala mo sa kasinungalingan mo!
“H-Hindi naman kami nag-aaway, sadyang nai-stress lang lately. Oh siya, balik ka na muna sa puwesto mo,” sambit ko at humigop ulit sa kape ko.
“Sige po, Ma'am Lamce.” Nang lumabas na si Caroline ay mabilis kong tinapos ang pag-inom sa kape ko. Inayos ko na rin ang mga gamit ko. Pagkatapos ay lumabas na ako habang dala ang ilang paperworks at pumunta sa office ni Caroline na pinasadya ko talaga noon.
“Kayo po pala Ma'am Lamce,” ani niya.
“Ito ang mga kakailanganin mong magawa tomorrow. Don't hesitate to call if something happened like it's really an emergency, okay?”
“Yes po, ingat po kayo Ma'am Lamce,” tugon niya nang nakangiti. Kinuha niya sa akin ang dala kong paperworks.
“Ingat din sa pag-uwi,” saad ko rin saka ngumiti. Pagkatapos ay pinaalalahanan ko lamang siya ng iilang bagay bago tuluyang umalis. Mga twenty minutes pa bago magsara ang Café y Librería de L.M pero ang katawan ko ay gustong-gusto na magpahinga.
Pagkapasok ko sa sasakyan ay napadako sa side mirror ang paningin ko at nanlaki ang mga mata. Nakita ko muli ang lalaki na papasok na sa sasakyan. Sa bandang passenger seat siya at may kasama pa siyang isang lalaki. Nagmamadali akong lumabas sa sasakyan ko. Halos mataranta pa ako sa pagtanggal ng seatbelt. Pero pagkalabas ko umaandar na palayo ang kotse. Gusto kong sumigaw pero mabilis silang nakalayo at ayoko lumikha ng ingay lalo na maraming tao rin sa labas.
“Sh*t naman! Minamalas nga naman!” Naiinis akong bumalik sa sasakyan ko. Nagpakawala ulit ng mga malalalim na buntonghininga bago tuluyang nagmaneho pauwi. Pagkarating ko naman sa penthouse ay hindi na ako nag-atubiling kumain o mag-shower, uminom lang ako ng tubig. Kasabay niyon ay nahiga na ako sa kama at mabilis na nilamon ng antok
KINAUMAGAHAN ay nakasuot ako ng white short sleeve shirt na may design na coffee cups at pinarisan ko naman ito ng black na palda short. Ang shoulder bag ko ay kulay puti rin at ang sandal na may two inches na taas lang ay kulay itim din. Hinayaan kong nakalugay ang natural brown curly hair ko at simpleng kolorete lamang ang nilagay. Nais kong yayain ang mga kaibigan ko sana pero busy raw sila at isa pa, baka may makita rin akong dating agency. Para na akong nababaliw sa kahahanap ng puwede kong maging husband kuno.
Pagkarating ko sa mall ay bumili lang ako ng Zagu chocolate flavor saka fries sa Potato Corner. Inubos ko muna ang fries at pagkatapos ay palakad-lakad lang habang sumisimsim sa Zagu ko. Pagod na pagod na ako nang biglang mabaling ang paningin ko sa isang signage. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ito.
Strings of Fate Dating Agency?!
Wala naman masama kung susubukan ko 'di ba? Baka lang naman makatulong sa akin? Bahala na, kakapalan ko na ang pagmumukha ko.
Wala na akong inaksayang oras pa. Pumasok ako sa loob at nakita ang isang makisig na lalaki na may inaayos yatang papeles. Biniyayaan siya ng sobrang guwapong mukha. Tindig pa lang niya ay lalaking-lalaki na.
“Good morning.” Pagbati ko kaya nakuha ko ang atensyon niya.
“Good morning, paano makakatulong ang isang dyosa sa inyong harapan Madam?” tanong niya sabay angat ng pink feather ballpen. Napatunganga ako at hindi inaasahan ang pangyayari.
“Naku! Another girlalu na nabiktima na naman ng aking beauty! Have a seat madam, ako nga pala si Facundo Yu pero mas bet ko kung tatawagin mo ang dyosang ito ng Fac Yu,” ani niya at hindi pa rin ako makapaniwala nang umupo na ako. Idagdag pa ang pangalan niya na pakiramdam ko magmumura ako kapag babanggitin ko.
“I'm Lamce Gallardo, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Fac Yu, baka lang po na nag-o-offer kayo ng puwedeng magpanggap kong asawa. Please?” Saglit siyang natigilan at ngumisi.
“Wow, straight forward ka rin Madam, just like the others. Well, I just want to ask you, why do you need someone to pretend as your husband? Hmm?” tugon niya sa akin. Napalunok naman ako.
“Dahil sa kag*g*ahan ko, sa kasinungalingan kong may asawa na ako. Hindi ko alam bigla ko na lang iyon nasabi nang makita muli ang ex-partner ko. Balak ko sanang bawiin nang dumating ang asawa niya at higit sa lahat narinig ng mga magulang ko. Ngayon naman ay iyon na ang alam ng mga batchmates ko at empleyado ko sa Café y Librería de L.M. Kapag wala akong naiharap sa kanilang asawa, pakiramdam ko mapapahiya ako lalo na kalat na. Ilang araw na ako nai-stress sa kaiisip Fac Yu at nang makita ko ito ay iniisip ko baka sakaling makatulong sa akin . . .”
“First, I'm so glad I met you in person, madam! Bet na bet ko rin ang Café y librería de L.M.”
“Thank you!”
“You're welcome! Well, the second one is I'm so sorry Madam. Hindi nag-o-offer niyan ang Strings of Fate Dating Agency pero . . .” Napakunot naman ang aking noo. At the same time ay hindi makapaghintay sa susunod niyang sasabihin.
“RnJ Services does, iyan ang makatutulong sa iyo Madam,” dagdag niya at nagkaroon ng katanungan sa aking isipan.
“RnJ Services? P-Paano iyon? Doon ako mismo makakahanap ng pwedeng mag-pretend as husband ko, seryoso?” sunod-sunod ko ng tanong.
“Hmm-hmm, check na check Madam! Sinusumpa ko sa aking pink feather pen, matutulungan ka ng RnJ, pak!” sagot niya at nag-check sign pa gamit ang pink feather ballpen niya.
“Wow!”
“Pero bago pa matuloy ang kasiyahan Madam, I have another question. Are you willing to pay? Mahal ito, puwedeng milyones ang gastusin niyo rito madam. Are you still interested madam?” ani niya at napanganga ako sa narinig na maaaring milyones magastos ko. Pero wala na akong magagawa pa dahil kailangan na talaga.
“Willing na willing ako, kahit milyones pa iyan. Walang problema sa akin basta makuha ko lamang ang ninanais kong mag-pretend na asawa ko,” sagot ko.
“Pak na pak! Follow my beauty Madam Lamce at pag-usapan natin iyan! Bongga!” Sumunod naman ako sa kaniya at pumasok kami sa isang office. Nagsimula kaming pag-usapan ang tungkol sa RnJ pero bago iyon ay may waiver siyang pinapirmahan. Palatandaang hindi ko ipagsasabi kahit kanino ang tungkol dito, agad akong pumirma dahil disperada na talaga ako.
Nang tanungin niya ako ano ang bet ko na itsura ng asawa ko, na-describe ko ang lalaking nabangga ko. Lalo na siya rin ang nasabi ko sa iba. Marami pa kaming pinag-usapan at pagkatapos ng lahat ng dapat gawin, sinabi niyang hintayin ko lamang ng isang araw o minsan one week, i-u-update naman daw nila ako.
JAKE'S POINT OF VIEW
Weekend ngayon at narito ako sa gym kasama sina Kuya Tapa at Kuya Iñigo. Katatapos ko lamang mag-work out at pinupunasan ang aking pawis.
“Kumusta naman ang weekdays niyo?” tanong ni Kuya Iñigo bago uminom ng tubig.
“Ito, may client na, sa wakas matatapos na rin ang kontrata. Last na ito,” sagot ni Kuya Tapa pagkatapos gamitin ang smith machine.
“Naghihintay pa rin po sa last client Kuya Iñigo. Sana mayroon na para matapos na ang kontrata,” tugon ko naman at uminom din ng tubig. Hindi ko pa nakakalahati ang tubig ko nang marinig ko ang phone ko na nag-ring. Kaagad kong sinagot ang tawag dahil baka sakaling tungkol na sa kliyente.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Jake, congratulations at mayroon ka na ulit new client, your last client to be exact! I'll email you her profile. The client wants to meet you at Café y Librería de L.M, 4th floor, Quezon City branch. Read her profile first, isabay ko na rin ang magiging new identity mo. Check your notification later.” Napa-yes naman ako sa nalaman. Hindi ko inakalang ngayon na ako magkakaroon ng last client.
“Thank you!” sabi ko bago pa tuluyang binaba ang tawag.
“May client ka na ano?” tanong ni Kuya Tapa at tumaas-taas pa ang kilay.
“Yup! Last client to be exact! Mauuna na po ako sa inyo Kuya Tapa at Kuya Iñigo, ingat po kayo!” Paalam ko at saka binitbit ang dala kong black bag.
“Ingat sa pagmamaneho bunso!”
“Ingat bunso!”
Sabay na saad nina Kuya Tapa at Kuya Iñigo bago ako tuluyang lumabas ng gym. Matindi na rin ang sikat ng araw kaya nagmadali akong pumasok sa kotse. Pinunasan ko ulit ang pawis at nagpalit ng shirt bago pinaandar ang kotse.
Pagkarating ko sa penthouse, nagpahinga muna ako. Kasabay niyon ay nakangiti ko pang in-open ang email at binasa ang new identity ko muna. Sumunod ay napagdeisyonan kong basahin na ang sa client. Pagkabukas na pagkabukas ko ay ini-scroll ko nang kaunti at nanlaki ang mga mata nang makita kung sino iyon.
Siya ang babaeng nakabangga sa akin sa café, ang babaeng may natural na kulot na brown na buhok. Asul na mga mata, makapal na kilay, mahabang pilik-mata at mapupulang labi.
“Lamce Maris Gallardo . . .”