CHAPTER 9 - MAY ASAWA KA NA?!

2368 Words
LAMCE'S POINT OF VIEW Nakasuot ako ng dress na black at may stripe itong kulay puti. Mayroon ding nakapaloob na white long sleeve sa loob at may coat pang black subalit 'di ko muna sinuot. Hinayaan ko muna ito sa loob ng office ko. Maya-maya lang ay darating na ang mga ka-batch ko. Ito na ang araw para sa meeting. Sa third floor kami ng café at may makaki rin kasing puwesto rito. Sa tantiya ko ay sosobra pa ang upuan sa mahabang lamesa. “Ma'am Lamce, ito na po ang foods and drinks na pinakukuha niyo po,” sambit ni Caroline at nakita ang ilang tray na dala pati ng iba pa. “Thank you, pakipalapag na lamang,” tugon ko habang nakangiti. Pinasalamatan ko silang muli bago umalis noong malapag na nila ang pagkain at kape. Ang mga ipinalagay ko ay base sa mga favorite nila sa café ko. Umupo muna ako sa aking puwesto sabay kinuha ang phone ko. I-open ko pa lang sana ang group chat namin nang marinig ko na sila. “Long time no see, Lamce!” Kaagad akong lumingon at napatingin kay Fritz at sumulpot sa tabi niya si Sam. “Oh my Gosh! Long time no see rin! Well, dito kayo upo, talagang pinahanda ko ang favorite niyo!” saad ko nang masaya saka nag-beso-beso kami ni Fritz. Kami naman ni Sam ay fist bump lamang. “Wow! Talagang pinaghandaan Mars ah?! Parating na rin daw pala ang iba Mars, thank you sa paghahanda mo para dito,” sabi ni Fritz pagkaupo nila ni Sam. “You're welcome siya nga pa--” “Bes!” Hindi ko na naituloy ang dapat kong sabihin nang marinig sila Lalisa. Napalingon ako at agad nila akong sinalubong ng yakap. Kumustahan din ang nangyari sa kanila nila Sam. Hanggang sunod-sunod nang dumating ang mga kasama sa meeting. “Sino na lang ang hinihintay natin?” tanong ko sa kanila. “Si Patt, kapapasok lang daw n-nila? Oh my God, k-kasama--” “Hello guys! Long time no see!” Sabay-sabay kaming napatingin kay Patt at nabigla ako nang makita ko kung sino ang kasama niya. Iyon siguro ang dapat sasabihin ni Fritz na naputol. Pinilit kong ikalma ang sarili ko at binalik ang ekspresyon na parang wala lang na narito siya. “Have a seat, sorry, 'di ko alam na kasama si Leana. Pumili ka na sa menu after mo maupo, ipapadala ko rito,” saad ko at pilit na ngumiti. “Thank you, pero puwede naman diretso na akong mag-order,” tugon niya pagkatapos nila maupo ni Patt. “It's my treat, so . . . pick what do you want to eat and drink,” sagot ko sa kaniya at tila sumunod naman siya. Nauna na akong uminom sa frappe ko at pinapakalma ang sarili. Iba pa rin pala, kahit 'di na tumitibok ang puso ko para sa kaniya, nandito pa rin. Hindi nakalimutan ng puso ko ang iniwan niyang matinding sugat noon. “Iced Latte at Latte flavor ng cake, one slice,” ani niya. “Andrew.” Pagtawag ko sa isa sa nagtatrabaho bilang waiter. Padaan na rin siya sa amin kaya hindi ko na nilakasan ang pagtawag ko. “Yes po, Ma'am Lamce?” sagot niya kaya sinabi ko kaagad ang kailangan ko. Pagkatapos ay ilang sandali lang ay dumating ito kaagad. “Thanks, Andrew,” wika ko matapos niya ilapag ito sa tapat ni Leana. “Always welcome po Ma'am.” Pagkatapos ay umalis na siya at balik sa trabaho. Samantalang kami ay sinimulan kaagad ang meeting patungkol sa aming reunion. “Now, let's talk about venue. May alam ba kayo na maaaring venue for our reunion?” tanong ni Yen. “I know some place na puwede, iyon ay kung ayos lang sa inyo,” saad ni Tiffani. Binigyan namin siya ng senyas na ituloy ang iba pang sasabihin tungkol doon. “Natatandaan niyo ba ang malaking-malaking space malapit kila Dennis? Puwede nating mapakiusapan si Dennis kung puwede roon, I mean pagmamay-ari 'yon hindi ba ng tiyuhin niya?” Napaisip naman kami bigla at napatango-tango. “Sabagay, maganda rin nga 'yon gawing venue. Saka ang ingay sa loob doon ay 'di rinig sa labas so hindi tayo makakaistorbo. Isa pa, handa naman din ako magbigay ng pera kung sakaling malaki ang renta roon,” saad ni Dina. “Agree!” tugon naming lahat. “Okay, kakausapin ko si Dennis mamaya saka mga ka-batch natin. Pero gawa tayo ng back up kung sakali, so sino may alam na puwedeng maging venue?” wika ni Tiffani. “Kung sakaking matagal pa naman sisimulan ang reunion at kunwari 'di puwede kela Dennis, sa may sa amin na lang. Hindi nga lamang kasing lawak ng kela Dennis pero 'di rin naman dinig ang ingay so hindi rin tayo makakaistorbo,” ani ni Henry at tinaas-taas pa ang kanang kilay. “That's nice idea, sino pa may alam?” tanong naman ni Lalisa. “Me,” sabay-sabay kaming napalingon kay Leana. “Meron kaming malawak na malawak na space at hindi rin maririnig ang ingay natin kung sakali. No need to pay na rin kung pag-uusapan ang rent. Mag-ambagan na lamang tayo sa mga gagamitin, sa foods and etc. Iyon ay kung agree lang naman kayo, hmm?” Huminga ako nang malalim. “Puwede rin, mas makatitipid tayo,” saad ko at pinagpatuloy pa ang pagkain ng cake. Sumang-ayon na rin ang iba, ang tatlo kong kaibigan ay napatingin sa akin pero nginitian ko lang sila. Iyon ang final naming decision at gagawing back up ang sinabi ni Tiffani at Henry. Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa matapos na kaya nagkukumustahan na lang halos. “Puwede bang malaman kung nasaan ang banyo? C.R. lang kami ni Patt,” saad ni Leana at kitang-kita ko ang kaniyang wedding ring. Napatingin ako sa ring finger ko kung saan mukhang 'di pa nila napapansin na may suot akong mala-wedding ring. Binili ko ito mismo two years ago sa New York. Sinabi ko sa kanila ang direksyon patungong banyo at noong wala na sila, lahat ng mga natira ay nakatingin sa akin. “What?” tanong ko na may pagtataka. “Kumusta naman after seven years na break na kayo?” tanong ni Henry at tinapik siya ni Fritz. Isang senyas kung bakit pa ako tinanong. “Okay lang naman, hindi naman ako affected. Kahit isama niya pa ang wife niya,” sambit ko at uminom ulit ng frappe. “Talaga lang bang wala na? Well, hindi namin alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari kaya nag-break kayo,” sabi naman ni Sam. “She cheated on me,” diretso kong sagot at siguradong hindi iyon inaasahan ng tatlo kong kaibigan na ipapaalam ko. Nabigla rin ang iba. Nang magtanong sila ay nginitian ko na lamang at hindi ko na sinagot pa. Hanggang sa natatanaw ko na sina Leana at Patt. “Mukhang naka-move on ka na nga,” makahulugang sabi ni Tiffani at tumingin sa singsing na suot ko. Napangisi naman ako at hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isipan ko ang magsinungaling. “Yeah, talagang naka-move on na dahil may asawa na ako,” sagot ko at napabungisngis nang makita ang mga reaksyon nila. “Hoy, Bes! Huwag mo naman kaming biruin nang ganiyan! Nagbibiro ka lang hindi ba?” tanong ni Lisa na 'di makapaniwala. Sumang-ayon din ang iba. “Hindi nga ako nagsisinungaling. May asawa na ako at may lahing Amerikano,” sagot ko pa. “Ang totoo, inilihim ko ito dahil--” “Are you serious Lamce? What did you not tell us na may asawa ka na? Who's that man or w-woman?!” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Mom sa tabi ko. Hindi man malakas subalit madiin iyon. Dahan-dahan akong napalingon sa kanila at kasama niya rin pala si Dad. “M-Mom, Dad, n-nandito po pala kayo . . .” Oh sh*t! Anong ginawa mo Lamce?! Bawiin ko na kaya ang sinabi ko pero sh*t talaga! Pakiramdam ko mapapahiya ako! Bakit ganito?! “Yes, finish your meeting with your batchmates and we'll talk in your office,” saad naman ni Dad na madiin saka umalis na sila ni Mom. Nakalapit naman na sa amin sina Patt at Leana. “Kaloka ka Bes! Totoo ba talaga? Parang 'di pa ring nag-si-sink in sa utak namin!” ani ni Glenda at alam ko naman iyon. “Ano--” “Leana, baby!” Naputol na naman ang sasabihin ko nang marinig namin ang boses na 'yon. Si Sabrina iyon na tumatakbong lumapit kay Leana at napaiwas ako ng tingin nang mag-kiss sila saglit. “Hey, baby, have a seat,” ani pa ni Leana at napatingin ako sa kanila pati ang iba pa. Parang ahas kung pumulupot itong si Sabrina pagkaupo niya. “I'm so surprise and at the same time glad to hear you are married, Lamce. What if we bring our partners sa mismong reunion, game ba guys?” ani ni Leana na dahilan bakit napatingin sa akin si Sabrina. Pinilit kong ipakitang kalmado lamang ako. “Yep! Dalhin ang mga partners kung mayroon na 'di ba?! Saka nalaman na rin ng iba nating batchmate na may asawa ka na Lamce. Nag-chat si Patt eh,” saad ni Fritz kaya nanlaki ang mga mata ko. Sh*t* ka Lamce pero mas sh*t itong Patt na ito! Mas wala ka ng lusot pa para sabihing biro lang lahat self! “Dapat 'di muna sinabi para surprise 'di ba?!” tugon ko nang pabiro. “Kalerkey! Baka naman puwede ka magkuwento kung paano kayo nagkakilala? Hmm?” Singit naman ni Yen saka sumang-ayon ang iba. Napalunok ako at huminga ulit nang malalim. “Okay, sa New York kami nagkakilala two years ago. Kung n-naalala niyo pa ang kuwento kong muntik ako mabangga ng sasakyan, s-siya ang nagligtas sa akin,” kuwento ko at ang sarap kutusan ng sarili ko ngayon. Puro ka kasinungalingan Lamce! Pero ayoko ring mapahiya pero anong gagawin ko sa mga susunod na araw? Siguradong hindi sila titigil hangga't hindi ko naipapakilala ang imaginary husband ko. “He's a man full of dedication, a very responsible guy. He's sweet, he takes care of me, he even asked me if he can court me. You know, I stayed in New York for almost two years. Then after a month, we are already official, I mean in a relationship. After a year, there, we d-decided to get married.” Dagdag ko pa. Diyos ko, patawarin niyo po ako ngayon sa pinaggagawa kong malaking kasinungalingan. Ngayon saan ako hahanap ng magpapanggap kong asawa?! “Can we see a picture?” tanong ni Lalisa at sumang-ayon ang iba. Isip Lamce  anong ilulusot mo ngayon? “Actually, hindi talaga ako naglalagay ng picture namin sa phone ko. Ang totoo ay ang mga picture namin ay nasa kaniya ngayon. He's half American and half Filipino. But, I'll describe his super handsome looks! He has a brown hair and eyes, thick eyebrows, long eyelashes, and of course his kissable lips!” Hindi ko napigilan ang sarili na kiligin sa pag-describe. Hindi ko na nga rin namalayan ang sarili na ang lalaking nakilala ko ang na-describe ko. Mas patay yata ako ngayon! Yari na! “Oh my Gosh! Nakasungkit ka pala ng Fafabells ah! Sana all na lang! Makapunta nga rin sa New York!” ani ni Fritz kaya natawa kaming lahat. Nagpatuloy pa ang pagtatanong nila at sa bawat kasinungalingang lumalabas sa bibig ko ay tila napapaniwala ko na sila. Hanggang sa magdesisyon na silang umuwi na. Isa-isa na silang umalis maliban sa tatlo kong kaibigan at nagpahuli rin sila Leana. “Congratulations sa married life niyo ng husband mo,” wika ni Leana bigla. “Yeah, congratulations,” ani rin ni Sabrina habang magkahawak ang kamay nila ngayon. “Thank you! Congratulations din sa inyong dalawa,” tugon ko sa kanila at ngumiti. Ngumiti rin sila pabalik saka umalis na. “Bes, hindi ako maniniwala hanggat 'di ko nakikita ang ebidensya bukod sa singsing,” saad ni Glenda sa tabi ko. “Agree ako riyan!” sambit naman ni Dina. “At lalo na rin ako Bes! Now, harapin mo sina Tito at Tita. Siguradong gisado ka Bes, goodluck!” Singit naman ni Lisa at nag-beso-beso pa kami bago sila tuluyang umalis. Huminga ako nang malalim at hindi mapakali ang buong sistema. Mayayari talaga ako kina Mom at Dad. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa office ay sinimulan na nila akong tanungin. Gisadong-gisado yata ako at pakiramdam ko masusunog na ako rito. “Ganiyan ka ba namin pinalaki? Bakit hindi mo man lang pinaalam sa amin na magpapakasal ka pala noon? Ha? Sino ang asawa mo? Kilalang-kilala mo na ba talaga 'yan? Ha?!” Napangiwi ako sa mga sunod-sunod na tanong ni Mom. “Anak naman, sana naman pinaalam mo sa amin. Wala man lang kaming ideya na kasal ka na pala at sa New York pa! Nasaan ang asawa mo ngayon?! Pupuntahan natin, ngayon din!” Para na akong maiiyak nang marinig pa si Dad. Pero paano kung sabihin ko talagang 'di naman totoo mga pinagsasabi ko? Mas malala ang sermon ko talagang masusunog na ako sa sobrang gisado. “M-Mom, Dad, ipapakilala ko naman po siya sa inyo eh . . .” “Kailan mo balak siyang ipakilala sa amin?! Kung hindi pa namin narinig kanina saktong pagkarating namin sa third floor hindi pa namin malalaman ng Dad mo!” “Mom, Dad, s-sorry po talaga. Promise po, ipapakilala ko po siya as soon as possible. S-Sorry po talaga,” ani ko na nauutal na. Sabay na napabuntonghininga sila saka seryoso akong tiningnan. Isang tingin na nakapanginginig ng buong sistema. “Siguraduhin mo lang 'yan Lamce Maris Gallardo!” “We need to meet him as soon as possible, Lamce.” “Opo, M-Mom at Dad,” sagot ko at rinig ko pa ulit ang pinakawalan ni Mom na malalim na hininga bago sila umalis. Pasalamat na lang talaga ako na soundproof ang office ko. Anong kalokohan ba kasi ito self?! Gisadong-gisado ka na tuloy! Anong gagawin ko ngayon?! Napapala ko sa pagsisinungaling!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD