LAMCE'S POINT OF VIEW Kasalukuyang narito na kami sa tagong lugar kung saan idadaos ang fake wedding namin ni Jake. Hindi naman kailangang may mga witnesses halos lalo sa side ko at ni Jake dahil mala-secret wedding ang peg naming dalawa. Hinihintay ko ngayon ang mag-aayos daw sa akin. Hindi ko pa rin suot ang wedding dress at nakasuot lang ako ng simpleng damit na natabunan ng suot ko ring robe. Nakaharap ako sa salamin at tinitingnan ang sarili. Natigilan lamang ako nang marinig ang pagbukas ng pinto at nabigla nang makita si Fac Yu. May kasama rin siyang isang babae. “Oh my Gosh! Girl! Halatang nag-beauty rest ikaw madam ah?” Bungad ni Fac at napangiti na lamang ako. “Nice to see you again! K-Kayo ang mag-aayos sa akin?” tanong ko at nilapag nila ang mga dalang gamit kabilang na ri

