Nandito pa rin kami ngayon ni ate sa office ko, si Christian naman ay umalis na pagkatapos syang suriin ng kapatid ko hanggang sa kailaliman ng kaluluwa nito. Sinabi pa niyang ito raw ang magiging partner ko para sa project na gusto niyang salihan ko, tapos hanggang ngayon ay napakalaki pa rin ng ngiti niya dahil 'di na raw siya mahihirapan pang maghanap pa ng ibang model para lang epares sakin dahil nasa paligid ko lang daw ‘yung hinahanap nyang fit na fit na makapartner ko. "So pwede na nating e.move yung sched. ng video making niyo, Lian. Perfect to dahil summer ngayon babagay kayong dalawa sa season, yey! " sabi pa n'ya na nasa ibang dimensyon yata dahil kanina pa ngiting-ngiti habang naka-tunganga lang at nakatingin sa itaas. "Sure ka bang s'ya kukunin mo?" pagtatanong ko tapos

