Pagkarating namin sa cafeteria habang hila-hila pa rin niya ako ay agad na naman syang naghanap ng mauupuan namin. Nagulat pa ‘yung mga tao dahil for the first time ay nakita nila ako sa lugar na ito. Sa halos magtatatlo kong taon dito sa kompanya, ay ngayon pa lamang naligaw ang landas ko sa lugar na ito. Mostly kasi kung hindi sa labas kumakain or nagpapabili ay doon ako sa restaurant sa itaas kumakain, may private rooms kasi roon na hindi ka talaga makikita kung doon ka kakain, tapos mensan naman ay nagbabaon ako kapag may niluluto si mama para sa'kin. Makalipas ang ilang sandali ay agad naman din syang nakakita ng pwesto since wala nang masyadong kumakain ngayon dahil nga duty hour na. Sa pwesto kami malapit doon sa glass wall nitong cafeteria. Agad naman din n'ya akong pinaupo.

