Patuloy lamang sa pagtakbo ang aking mga paa na para bang mas alam pa nito kung saan ang tamang daang aking tatahakin. Nakikisabay rin ang panahon dahil ilang oras lang ay bigla na lamang dumagundong ang malakas na kulog at kidlat, kasunod noon ay ang pagbuhos ng napakalakas na ulan. Basang-basa man ay pinagpatuloy ko pa rin ang aking pagtakbo na para bang may humahabol sa akin at naghahanap ng saklolo sa gitna ng bumubuhos na ulan. Palinga-linga ako sa buong paligid, hinahanap ang iisang bagay na siyang pakay ko sa lugar na ito. Pero dahil sa kadiliman ay mas lalo pang naging mahirap ang aking paghahanap. Ang mga nakasinding apoy kanina ay tinupok na ng ulan, wala ring sinag na nanggagaling sa kalangitan dahil natabunan na ng ulap ang buwang sanay magsisilbing tanglaw ko ngayon. Na

