Chapter 26: Sitio Kalipay

1565 Words

Matapos ngang makapagluto ang ina nila Ino ay kaagad na kaming humayo upang ipagpatuloy na ang naudlot kong paglalakbay. Isang araw lang ang palugit ko upang makabalik sa hotel dahil kung hindi ay mag-aalala lamang ang mga taong naiwan ko roon. Dala ang kalabaw at ang balsa nito ay roon ako sumakay upang hindi na mahirapan pa sa napakaputik na daan. Katabi ko si Ino habang si Dodong naman ay nasa likod ng kalabaw, nakapasan. Puro lamang kami kwentohan ng kahit na ano at kahit hindi naman talaga ako pala-kaibigan lalo na sa mga taong bago ko pa lamang nakilala, ay iba iyon sa kanila. Napalapit agad ang aking loob sa magkapatid, napakagaan ng pakiramdam ko sa bawat halakhak na aming nalilikha dahil sa pagkapelyo ni Dodong. Paminsan-minsan ay bigla niya na lamang uutosan ang kalabaw na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD