Pagkalabas ko ng silid na 'yun ay dumiretso na ako sa mesa ni Olive, katulad ng sabi ni sir Axezyl kanina. Naabutan ko naman itong paalis na.
Habang sinasara ko ‘yung buttones ng aking polo ay bigla akong nagsalita sa gilid nya, nagulat pa s'ya ng bahagya pero nakabawi naman agad.
"Ahem, Olive, " bungad ko.
"Oy, ikaw pala, sir Chri- ahm, Drew. May kailangan ka ba, paalis na rin ako eh pupunta na 'ko sa baba kasama ang ibang kaoffice mates na'tin. May inihabilin ba si sir Axezyl na ipapasabi sa'kin?"
"Ah, wala naman, pinapasabi lang n’ya na makikisabay na lang daw ako sa inyo sa pagkain, ayos lang ba?"
"Oo naman, tara sunod ka sa'kin nasa labas na ‘yung mga kasama ko, ako na lang ‘yung hinihintay nila eh, " sabi nya saka kinuha ‘yung bag nito at nagsimula nang maglakad, ako naman ay sumusunod lang sa kanya.
Pagkarating namin sa labas ng department ay nakita ko kaagad doon ‘yung sinasabi nyang kasama namin.
"Ang tagal mo naman, Live, gaano ba kalaki ‘yang bag mo at nahihirapan kang kumilos nang mabilis?" bungad sa'min nung babae, siguro ay mga nasa 30s na.
"To naman, may inayos pa kasi ako, sorry na. Tsaka may bago pala tayong kasama ngayon, si Drew, yung bago nating I.T specialist, " pagpapakilala ni Olive sa'kin sa mga kasamahan n'ya, siguro ay mga apat siguro silang lahat.
"Ahh, ‘yung nakita naming kasama ni sir Axezyl kanina, ikaw pala yun. Akala ko manliligaw ka nya eh, haha. Akala ko talaga ikaw na ‘yung magsasalba saming lahat mula sa impyerno," wika nung lalaking kasama nila, pero ramdam kong hindi sya tuwid.
"Hindi ako manliligaw ni sir Axezyl, napagalitan pa nga n'ya ako dahil ganito ‘yung suot ko," pagsasabi ko ng totoo.
"Nga pala, ano bang meron sa sitwasyon n'yo rito at bakit ninyo nasabing malaempyerno? " dugtong ko pa.
"Naku ‘yang si sir, alam mo bang talo pa babae nyan kung makapagsungit. Gusto n'ya lahat ng gagawin namin ay laging perfect, kapag may maliit na mali nakikita niya talaga, wala s’yang pinapalampas na mga kamalian, kapag nagkamali ka dirertso sa office n’ya at kapag minamalas ka pa mag-aalsabalutan ka na, " mahabang pagpapaliwanag nung babaeng nasa 30's na.
"Eh bakit parang iba naman ‘yung nararamdaman ko kanina nung kasama ko s’ya, keysa sa sinasabi n’yo ngayon?" sagot ko, para kasing iba ang sinasabi nila sa nakikita ko.
Oo strikto si sir Axezyl pero hindi naman siguro siya ganon ka sama para mansesanti ng isang empleyado n'ya lalo na't walang matinong rason.
"Siguro naninibago ka lang, Pre, kaya ganyan ‘yang mga nasasabi mo ngayon, pero hintayin mo lang kapag nagtagal makikilala mo na rin ang tunay na kulay ni sir, " singit naman nang isa pa nilang kasamang lalaki, magkasing taas lang siguro kami, ang kaibahan lang ay nakasuot sya ng salamin.
"Psst, kayo ang chi-chismoso at chi-chismosa n'yo talaga baka may makarinig pa sa inyo, tama na muna yan, kumain na tayo gutom na ko," bigla namang pagpuputol ni Olive sa usapan namin.
"Mabuti pa nga, " sabi ko, pagkatapos nun ay sabay-sabay na kaming pumunta sa pantry para kumain.
Pagdating namin doon ay kaagad na kaming umorder ng iba't ibang pagkain na gusto naming kainin, sa iisang table na rin kami kumain lahat.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan habang kumakain at nagkakilala na rin kaming lahat.
Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil mga mababait naman silang lahat, habang nagkwekwentuhan kami ay unti-unti ko na ring nakikilala ang bawat isa sa kanila pati na rin ang mga pangalan nila.
‘Yung babaeng mga nasa 30's na ay si Ate Dona. Si Lanie naman ‘yung isa pa. Ang sabi n’ya ay sa Financial Management daw siya naka base kasama n'ya roon si Melvin ‘yung nakasuot ng salamin kanina. Tapos ‘yung nag-iisang bakla naman sa'min ay si Jiel.
At habang nag-uusap kami ay naligaw sa pag-uusap namin ang topic patungkol kay sir Axezyl at ako nagbukas nun.
"San ba palaging kumakain si Axezyl?" biglaan ko na lang pagtatanong, napahinto naman silang lahat sa pagkain.
"Naku, ‘wag mo nang tanungin, fafa Drew," sagot naman sa'kin ni Jiel, ‘yun ‘yung tawag niya sa'kin simula pa nong nagsimula kaming kumain.
"Bakit?" ulit kong tanong sa kanya.
"Alam mo kasi, fafa Drew, yang si sir Axezyl, hindi ‘yan nakikisabay sa iba. Alam mo kung bakit?" —sumubo siya ng kinakain niya— "Dahil gusto nyang laging napag-iisa, lagi ‘yan siyang sa loob ng office kumakain at kung gusto man nitong magpabili sa labas ay siya na mismo ang pupunta mag-isa o kung hindi naman ay iuutos nya dyan kay, Olive," pagpapaliwanag ni Jiel, bumalik naman agad siya sa pagkain pagkatapos nyang sabihin iyon.
"Anti-social kasi yan si sir plus introvert pa, ayaw n'ya sa maraming tao at ayaw n'ya ring nakikipag-usap sa iba. Sa katunayan nga isa lang kaibigan nya since high school, si ma'am Trixie lang talaga, tapos balitang-balita pa na iba yung—" dugtong pa ni Lanie na pinutol naman agad ni Olive.
"Hoy, kayo talaga ang chichismosa n'yo, kahit buhay ni Sir Axezyl noon alam n’yo. Tigil-tigilan n'yo ‘yang kachismosa n'yo ah, hindi yan nakakatulong sa trabaho o baka naman gusto n'yong isumbong ko kayo sa kanya. Oh ano?" sabi naman ni Olive.
"To naman, o sige na, mananahimik na," sabi naman ni Lanie, pagkatapos nun ay wala ng nagsalita sa'min hanggang sa matapos na nga kami sa pagkain at sabay-sabay nang bumalik sa department.
Pagdating namin sa department ay agad na kaming nagpaalaman sa isa't isa, medyo malalayo kasi ang mga base ng trabaho namin. Hinanap ko muna ‘yung desk ko at nung nakita ko na ito ay kaagad ko na ring in-open ‘yung computer dito.
Since unang araw ko pa lang naman sa trabaho ngayon at bukas pa ako magsisimula sa pag-aayos sa server nila rito kaya ang ginawa ko na lamang ay pag-aralan ang iba't ibang ginagamit nila ditong mga equipments gamit ang google.
May iba kasing kagamitan doon sa loob ng silid na pinasukan namin kanina ni sir na hindi pamilyar sa'kin at kailangan ko ‘yung pag-aralan dahil baka nakasalamuha ko na ang kagamitang ‘yun ngunit nag-iba nga lang ang mukha nito at mas naging advance na rin.
Iginugol ko ang natitirang oras ko ngayong araw para pag-aralan lahat ng dapat kong matutunan, simula sa server at database na ginagamit nila—At tama nga ako, na mas advance na nga ang ginagamit nila.
Hanggang sa umabot ako sa bawat I.P address nila, pati na rin sa kanilang iba't ibang codes na ginagamit sa iba't ibang telecommunication sites sa buong bansa, lalong-lalo na sa may problemang lugar: sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Tipa lang ako nang tipa sa internet at hindi ko na namamalayan ang oras dahil sa sobrang focus ko sa screen ng computer, kung hindi pa ako kinalabit ng isa kong ka-officemate ay hindi ko pa mamamalayang alas singko na pala at kailangan ko ng umuwi.
Inayos ko muna lahat ng mga gamit ko sa ibabaw ng mesa, bago ako tuluyang lumisan doon. Pagkalabas ko ng department ay dumiretso agad akong elevator at doon ko naabutan sina Jiel na nasa loob ng elevator na rin.
"Uyy ikaw pala, fafa Drew, halika sabay ka na sa'min pababa," wika ni Jiel na agad ko namang sinunod.
Papasara na sana itong elevator nang makita ko si sir Axezyl na papunta sa pwesto namin, hinarangan ko naman ‘yung pinto ng elevator dahilan para bumukas uli ito.
Agad ko namang tinawag ang pansin niya.
"Sir Axezyl, dito kasya ka pa rito sa tabi ko oh, kasya pa isang tao, " sigaw ko sa kanya.
"No thanks, sa kabila na lang ako," sagot n'ya sa'kin at nilagpasan na ‘yung pwesto kung nasaan kami.
"Sabi ko naman kasi sa'yo eh, ayaw n'ya ng may maraming tao," sabat naman agad ni Melvin.
Nasabi nga pala nila ‘yun kanina na hindi gusto ni sir ng maraming tao , nakalimutan ko dahil sa sobrang galak ko nang nakita ko syang paparating.
Tuluyan ng sumara ang elevator at nagsimula ng umandar pababa, ako naman ay nanahimik na lang hanggang sa bumukas na ulit ito at nakarating na kami sa lobby nitong building.
Agad din naman kaming nagpaalam sa isa't isa. Pagkatapos nun ay dumiretso muna akong Jollibee para bumili ng pasalubong nung dalawa , malapit lang kasi rito yung Jollibee kaya nilakad ko na lang.
"One bucket ng Chicken Joy, Miss," sabi ko roon sa nakatokang clerk.
"Okay po, Sir, wait lang po tayo sandali at ihahanda lang po namin," sabi n'ya na tinanguan ko lang.
Matapos ang ilang minuto ay dumating na nga ang inorder ko.
"Heto po, Sir, " sabi ng clerk sabay bigay nung chicken joy makalipas ang ilang sandali, ako naman ay nagpasalamat na sa kanya. Pagkatapos nun ay umalis na 'ko saka sumakay ng jeep pauwi.
Nakarating ako sa bahay mga malapit ng mag alas 7 dahil nga rush our kanina at naipit ako sa traffic.
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko na lahat ng mga kapatid ko na nasa sala at nanunood ng tv, nang makita ako ng kambal ay agad naman silang lumundag sa kinalulugaran nila papunta sa'kin.
"Kagaya ng pinangako ni Kuya, bumili ako ng fried chicken para sa inyo," bungad ko sa kanila nang nakabitiw na sila sa pagkakayakap sa'kin.
"Yehayyy salamat, Kuya," sabi nilang dalawa na ikinangiti ko lang.
Pagkatapos nun ay nakita ko si Mama na nasa kusina naglilinis, tinawag pa n'ya ako para kumain dahil nauna na raw sila pero ang sabi ko na lang ay bababa na lang ako kapag nakaramdam ako ng gutom, wala na naman syang sinabi kaya nagpatuloy na 'ko sa paglalakad papuntang kwarto ko.
Agad din naman akong humilata sa kama pagkapasok ko rito.
Ang dami ko pa lang nalaman ngayong araw tungkol kay sir Axezyl, at alam kong sa mga susunod pang mga araw ay mas dadami pa ito.
Kung totoo man ‘yung mga sinabi nila kanina tungkol sa kanya ay handa akong tumulong at unawain ang lahat ng 'yun.
At pinapangako kong tutulungan ko siyang harapin at baguhin kung ano mang masasamang katangian meron siya ngayon, dahil naniniwala pa rin akong sa likod ng malamig n'yang pagkatao ay nakatago ang masaya at maligayang Axezyl Lian Montemayor na hinihintay ng lahat na lumabas.
"Hintay lang, tutulungan kita... tutulungan kitang magbago at makita ng lahat ang tunay mong pagkatao," naibulalas ko na lang sa hangin.
____________________