Chapter 08: The Obnoxiou Events

2115 Words
“The Unwanted Events”   Nagulat ako nang bigla na lamang akong tawagan ng sekretarya ni Sir Axezyl kagabi, 'di ko inaasahan na matatanggap pala nila ako. Pagkatapos kong marinig ‘yung mga huling sinabi niya kahapon, aaminin kong medyo nasaktan din ako sa mga sinabi n'ya, muntikan ko na syang masuntok dahil minaliit n’ya ako, buti na lamang at nakapagtimpi agad ako dahil kung hindi baka sa presinto pa ang bagsak ko ngayon. Malapit na siguro ‘yung maghating-gabi nang tinawagan ako ng sekretarya n'ya at sinabing natanggap ako ng boss nito bilang bagong I.T specialist at kailangan ko na rawng magsimula kaagad. Kaya ito nga at bihis na bihis na ako dahil una kong araw na magtratrabaho sa kompanya nila. Nagpabango rin ako ng sobra at binulabog ko pa ng napakaaga ‘yung barber shop ni Manong Ben para lang magpa-gupit. Kaya ngayon presentableng-presentable na talaga ang itsura ko. "Di ka naman siguro excited, Kuya, no, kulang na lang magdala ka ng bulaklak eh, sa porma mo ngayon parang ‘di ka pupunta sa trabaho eh parang manliligaw ka," biglang pagsasalita ng kapatid kong si Kennydy na nasa b****a ng pinto ng kwarto ko ngayon. "Ganito talaga, syempre first day ko ngayon kaya dapat presentable akong tingnan para 'di ako sesantehin agad ng boss ko, " sagot ko naman sa kanya. "Asus, nagpapalusot ka lang eh, ang sabihin mo kaya ka bangong-bango ngayon dahil gusto mo mamingwit ng mga chicks doon. Mukhang alam ko na kung saan nagmana si Alexis sa pagkababaero, Kuya. SAYO!" walang preno nyang sabi. "Hoy, ‘di ah, lakas ng trip mo nito. Kung ayaw mong maniwala bahala ka, at isa pa hindi ako babaero, dalawa pa naging girlfren ko." "Defensive lang, Kuya?o sige na nga kunyare maniniwala na ko," —sinarado niya yung pinto— "pinapatawag ka pala ni Nanay sa baba, kumain ka na raw muna bago umalis, " sigaw niya sa labas ng pintuan, bago tuluyang umalis doon. Ako naman ay sinipat muna ang sarili sa salamin at nang masiguro kong okay na ‘yung pagkaka-ayos ko ay agad na akong sumunod sa kapatid ko pababa sa kusina. Naabutan ko na silang lahat doon na nakaupo na sa kanya-kanya nilang pwesto sa hapagkainan. "Naks, pogi ng porma natin ngayon, Kuya, ah, san ba lamay?" bungad sa'kin ng kapatid kong si Alexis. "Gusto mo kutusan kita, lamay ka jan, magtratrabaho ako para may pambili ka ng jersey mo kaya 'wag mo kong simulan kundi 'di kita bibigyan pagkasweldo ko." "Okay, sorry na, 'di naman mabiro, init kaagad ng ulo, chill ka lang," pambabawi nito. 'Di na naman ako sumagot pa kaya nagpatuloy na lang kami sa pagkain. "Anong oras ba uwi mo mamaya, Anak?" tanong sa'kin ni Nanay nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain. "Di ko pa alam, Ma, eh, ngayon pa kasi sasabihin ng boss ko kung ano ‘yung mga dapat kong gawin sa kompanya nila kasama na rin doon kung kailan ako papasok at aalis." "Ahh, ganon ba, basta mag-ingat ka sa byahe mamaya ah, 'wag pababayaan ang sarili, kumain sa tamang oras lalong-lalo nang 'wag magpapagutom," pagpapaalala ni Nanay sa'kin na tinanguan ko naman. "Kuya, dalhan mo kami ng pasalubong mamaya ah, ‘yung masarap po, " sabat nung dalawa kong bunsong kapatid. Ginulo ko naman mga buhok nila. "Oo naman kayo pa ba, ano ba gusto nyong pasalubong pag-uwi ko?" tanong ko sa kanila. "Fried chicken po, ‘yung sa Jollibee," sabay nilang sabi. "Sige, dadaan mamaya si Kuya para bilhin ‘yung gusto n’yo, okay ba yun?" sabi ko at sabay naman silang nag 'yehayy' sa sobrang tuwa. Pagkatapos naming kumain ay agad  na rin akong umalis, nagpaalam muna ako kay Nanay pagkatapos nun ay pumunta na 'ko sa sakayan ng jeep. Hindi naman ako nahirapang makahanap ng masasakyang jeep dahil maaga pa naman at kunti pa ang dumarating na mga pasahero. Agad na kong sumakay sa jeep na nakita ko at sinabi kung saan ako papunta at pagkatapos ay ibinigay ko na rin ang bayad ko. Mga kalahating oras siguro ang byahe papunta sa lokasyon ng kompanya ng Montemayor kaya inabala ko na muna ang aking pansin sa patingin-tingin sa labas kahit na puro gusali at sasakyan lang naman ‘yung mga nakikita ko. Lumipas ang kalahating oras at nakarating na nga ako sa harap ng kompanya ng mga Montemayor. Ang laki talaga ng kompanya nila, siguro kung bibilangin ‘yung palapag nitong gusali ay lagpas isang daan siguro, sa pagkakalam ko kasi ay may mga hotel pa ito sa itaas na bahagi, kaya ganon na lamang ang taas ng gusali ng kompanya nila. Hindi rin katulad sa ibang gusali na marami ‘yung nagmamay-ari, pero itong sa kanila ay sila lang talaga ang nagmamay-ari ng buong gusaling ito, siguro ay napakayaman na siguro nila. Pero bakit parang sa pagkakakita ko kay Sir Axezyl kahapon ay parang simple lang s'ya kung kumilos saka 'di mo aakalaing nagmamay-ari sila ng apat na uri ng Industriya. "Boy, 'di ka pa ba baba, naaabala mo na yung ibang pasahero ko" "Pasensya na po." ‘Di ko pala alam na kanina pa ako nakatulala habang nakatingin sa gusaling nasa harapan ko, ayan tuloy napagalitan pa ako ni Manong, nakakahiya. Wag naman sanang masundan ‘yung kamalasan kong 'yon. Pagkatapos kong makababa sa jeep na sinakyan ko ay kaagad na akong naglakad papasok sa kompanya. Che-neck muna ako ng maayos nung guard bago ako tuluyang pinapasok. Sumakay ako ng elevator tsaka pinindot sa may gilid yung floor na gusto kong puntahan na palapag kung saan matatagpuan yung department na pagtratrabahuan ko. Medyo kabado ako ng unti-unti nang lumalapit yung elevator sa palapag ng department, buti na lamang at ako lang mag-isa sa elevator kaya malaya akong naipapalabas yung pagkakabado ko. "Hoo! Kaya ko to, nagkita na kami ng isang beses, ngayon pa ba ko kakabahan. Okay lang 'to, kaya s'ya ng karisma ko," pagpaparelax ko sa sarili ko, isinatinig ko talaga 'yun, wala namang makakarinig sa'kin. Bumukas na yung elevator at sakto pang nakita ko si sir Axezyl na may kausap sa harap ko. Oo, sa harap ko sya pero malayo, malayo ‘yung distansya namin, pero nakikita ko yung bawat galaw n’ya. Mukha talaga syang babae eh, ‘yung kulay ng balat n'ya, ‘yung hugis ng mukha n’ya, pati na rin ang mga mata niya, hindi talaga 'yun sa lalaki kundi parang sa babae talaga lalo na ang labi nyang parang mansanas sa kapulahan at kanipisan nito. "Hello po, Sir Christian, natutuwa po akong nandito na kayo, kanina pa po kayo hinihintay ni sir Axezyl, siya raw po ang personal na magpapaliwanag ng mga dapat nyong gawin dito, halika ka na po, rito po tayo, " salubong sa'kin nung sekretarya niya at iginaya na ako patungo sa pwesto ng kanyang boss. Habang naglalakad kaming dalawa, naisipan kong magtanong. "Ganyan ba talaga s'ya kaagang dumating dito sa kompanya n’yo?" tanong ko sa kanya. "Ayy ,opo, Sir Christian—" "Drew, na lang, " pagpuputol ko. "Ayy sige po, D-drew, ganyan talaga s’ya kaaga ditong dumating, masyado talaga syang dedicated sa trabaho n'ya kahit 21 pa lamang si sir at ikalawang taon pa lamang niya rito ay hindi talaga napapabayaan ‘yung trabaho n'ya, " 21 pa pala ito, kaya pala ang bata pa nyang tingnan, mas matanda pala ako sa kanya ng apat na taon. Pero kung titingnan ay parang matagal na talaga s’ya ritong nagtratrabaho dahil na rin sa uri ng pagkilos niya, parang gamay na gamay na niya lahat ng bagay pagdating sa pagpapalakad ng ganito kalaking uri ng Industriya. Pagkatapos iyong sabihin ng sekretarya ni sir Axezyl ay hindi na ako nagsalita pa hanggang sa nakarating na nga kami sa pwesto ng kanyang boss. Hindi kaagad kami napansin nito dahil abala s'ya sa pagpapaliwanag doon sa isang empleyado, napansin n'ya lamang kami noong tinawag ng kanyang sekretarya ang kanyang pansin. Katulad ng una naming pagkikita ay wala pa ring kaemo-emosyon ang mukha nito, parang inaasahan na niyang anumang oras ay lilitaw na ako sa harapan niya. "That's okay for now, just make sure you've completely organized all the files that I have given to you," wika nito sa kanyang kausap bago s'ya tuluyang bumaling sa amin. "Olive, you stay here, and ... Christian, follow me, " sabi n'ya sa'ming dalawa ng kanya sekretarya na tinawag niyang Olive. "Yes, Sir." "Okay, Sir." Sabay naming sagot ng katabi ko, pagkatapos nun ay sumunod na 'ko sa paglalakad niya, si Olive naman ay nagpaiwan na roon. Lakad lang kami nang lakad hanggang sa makarating kami roon sa harap ng isang pintuan, may pinindot-pindot sya roon bago ito bumukas at bumungad sa akin ang napakalaking kwarto. "46A875L6991M34, " bigla nyang wika sa mabilis na paraan na nagpakunot sa noo ko. "Ano, Sir?" tanong ko kaagad nang tuluyan na kaming nakapasok na silid na iyon. May isang napakalaking monitor sa harap ng silid na iyon, sakop na siguro nito ang buong bahagi ng dingding. May parang mga cableng nakakonekta rin dito. Sa loob din ng monitor na yun ay may nakalagay na iba't ibang uri ng program, sa ibabang bahagi naman nito ay may nakalagay na mga lugar mula Luzon hanggang Mindanao. "That's the PIN for this room, just type that in the monitor at the right side of that door, so that you can enter here, " sabi nya. Ahh ganon pala. "Pwede bang pakiulit, Sir, 'di ko kasi nakabisado kaagad sa bilis ng pagkakasabi n’yo," sabi ko sabay kamot pa sa batok. "Nevermind, sasabihin ko na lang sa'yo mamaya, sa ngayon ay ipapaliwanag ko muna sa'yo, kung ano ang dapat mong gawin dito." "Okay, Sir, " sagot ko. "Your daily routine will be— come here at our department exactly 7:00 am and out exactly 5:00 pm, if you can't follow that regulation the door are widely open and it's my pleasure to accept your resignation letter anytime soon," sabi nya nang walang kapreno-preno. "Ahh, hindi po, Sir, kaya ko po yung sundin," —wika ko habang kinakaway-kaway ang aking palad sa harap niya— "papasok sa 7:00 ng umaga at lalabas sa 5:00 ng hapon, kabisado ko na po." dali-dali kong sagot. "Good. Your task here is to search and solve what makes our server in some places in Visayas and Mindanao area unstable. " You should fixed that as soon as possible, you are responsible in making this department actively stable." Una nyang pagpapaliwanag sa'kin. Tango lang naman ako nang tango. Tapos sunod nyang ipinaliwanag ay kung paano gagamitin yung mga kagamitan dito sa loob at pati na rin sa iba't ibang functions ng mga ito. Hindi ko naman maiwasang hindi humanga sa kanya dahil pati mga gamit ng kanilang kompanya ay alam niya lahat, hindi lang sa pagpapatakbo nito ang alam niya pati na rin sa lahat ng mga pasikot-sikot dito. Naghihinala tuloy ako kung tama ba ang sinabi ng kanyang sekretarya kanina na 21 pa lang ito. "Sir, matanong ko lang po, totoo bang 21 palang kayo, " wala sa sarili akong napatanong na pumutol sa pagpapaliwanag niya. "Yes, and why did you suddenly ask that kind of question?!" "Ah, eh wala naman po, nadinig ko lang hehe" sabi ko na lang, hindi na naman s'ya nag-usisa at nagpatuloy na lang sa pagpapaliwanag. Makalipas ang apat na oras ay natapos na rin siya sa pagpaliwanag sa'kin, parang hindi yata siya naubusan ng laway sa haba ng pagpapaliwanag nito. "As I said yesterday, ayaw ko ng mga taong amateur lang ang mga natutunan. Siguro naman ay naiintindihan mo lahat ng mga sinabi ko sayo kanina kahit na nakatitig ka lang sa'kin buong magdamag, hindi ba?" "Opo, Sir, naintindihan ko po lahat, alam ko na rin naman bawat pamamalakad ng karamihan sa mga equipments dito dahil napag-aralan ko na po ito noon, kaya 'wag na po kayong mag-alala , yakang-yaka ko po ito." "Mabuti naman kung ganon, ayaw ko ng mga patapon sa department ko kaya nagagalak akong marami ka na palang natutunan tungkol sa mga bagay-bagay sa loob ng silid na ito, at 'wag kang mag-alala, as soon as maayos mo na ang problemang sinabi ko kanina ay mananatili ka pa ring regular I.T specialist namin dito." "Salamat, Sir." "Okay, that's all for now, I guess it's time for lunch, sumabay ka na lang kina Olive kumain o kung hindi naman ay kumain ka na lang magisa, nasa ibaba ‘yung pantry katabi ng lobby kaya madali mo lang ito makikita.” Tumigil siya saglit. Bukas ka na lang magsimula rito, sa ngayon ay dumiretso ka na muna roon sa table mo sa labas, hanapin mo na lang, may nakasabit sa desktop doon na pangalan mo." "Ah, Sir, pwede po ba sa inyo na lang ako sumabay kumain?" tanong ko sa kanya. "HINDI!" walang kagatol-gatol niyang sagot. Natahimik ako at nauna na lang lumabas, bakit ko ba kasi sinabi 'yun. Pero bago pa man ako makalabas ay tinawag niya na naman ako, akala ko ay papayag na siya pero hindi pala. "Nga pala, Wear descent clothes next time, isara mo yang dalawang buttones mo sa taas. Kompanya ito, hindi bar, magsuot ka rin ng corporate attire paminsan-minsan para formal ka tingnan, " wika niya, napakamot naman ako sa ulo dahil doon, akala ko magugustuhan niya na ‘yung ayos kong ‘to . Nagkamali pala ako. "Okay po, Sir." _____________________ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD