Hindi ko maipaliwanag kung gaano kagalak ang nararamdaman ng puso ko sa mga oras na ito, sa mga sandaling nakita ko ang buo niyang imahe na pumasok sa pintong ‘yun ay kaagad na naging masigla ang pagdaloy ng aking dugo sa buo kong katawan. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ‘to. Ang muli siyang makita sa malapitan nang walang humahadlang sa aming kahit na sino o kahit na ano. Naluluha na ako sa mga panahong ‘to, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa sobrang kagalakan. Umaapaw na ang salop na pagsisidlan ko ng aking emosyon. Kung hindi pa ako kinalabit g katabi kong si Olive ay hindi ko pa mapapansing nasa aking harapan na pala siya at seryosong-seryoso akong tinititigan. Sa pagkakataong nabalik na ako sa aking ulirat ay doon naman ako inatake ng pagkataranta, kamuntikan pa kong m

