The day after that contract signing ay nagpatawag kaagad ng meeting ang kompanya nila Christian dahil gusto raw akong makilala ng iba pang major shareholders ng kompanya nila. Syempre wala na agad akong sinayang pang oras at kaagad ng nag-ayos saka tuluyang tinungo kung saan naroon ang ELS corp. Hindi ko na sana isasama si Olive dahil hindi ko naman siya ganoon ka kailangan ngayon pero nagpumilit ang gaga at gustong-gusto talagang sumama, kahit anong sabihin ko ay hindi talaga sa kanya uubra. Mukha yatang nagkakamabutihan na ang sekretarya ko at ng secretary ni Robe. Nalingat lang ako saglit kahapon ganto na kaagad ang kinahinatnan ni Olive, jusko iba talaga nagagawa ng pagkakere. “Sang party mo ba gustong dumalo at ayos na ayos ka ngayon, tingnan mo nga ‘yang foundation mo oh ‘di pa p

