Nakatunganga habang ang isip ay lumilipad kung saan mang lupalop. 'Yan ako ngayon, pilit kong iniintindi ang bawat angulo ng mga nangyayari sa akin ngunit sumikat na ang araw't lahat-lahat ay hindi ko pa rin ma-ikonekta ang mga panaginip ko at kung anong dahilan kung bakit ko ito nararanasan. Matapos ngang mangyari iyon sa akin kagabi ay napagpasyahan na lamang ni ate na ipospone muna namin ang photoshoot dahil kahit anong gawin nilang pagkausap sa'kin ay hindi pa rin ako sumasagot. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang dalang trauma sa akin ng bangungot na iyon, ang mga mata ng ginoong iyon ay bumabalik pa rin sa aking isipan at kapag nangyayari ito ay wala na akong ibang magawa kundi umiyak na lang ng tahimik habang kinikimkim at nilalabanan mag-isa ang mga pangyay

