“Ba’t ‘di mo na naman ako pinasama sa lakad mo. Ano, magkaibigan pa ba tayo or what?” buskang usal sa akin ng kaibigan ko noong pumunta ito sa company. Bilis talaga ng radar ng babaeng ‘to at kahit nasa labas siya ng Manila eh kaagad niya pa ring nasagap ang balitang nagpunta ako sa bahay nila Christian noong isang araw. Siya na lang daw ika ‘yung pinapunta ko kina Vincent tutal eh mas pinili ko naman daw iyong mas malapit sa puso ko. “Pa’no kita sasabihan nasa probinsya ka. Alam mo ikaw, maganda ka pero bobo,” balik ko namang pang-aasar sa kanya. Umusok naman ang ilong ng gaga at kunting-kunti na lang ay puputok na, ang dali talagang asarin ng isang ‘to. “Okay, enough with that drama. So ano nangyare, balita ko nalipasan ka raw ng gabi sa kanila. Ano na, care to share, my dear friend

