Mabilis lumipas ang araw at ito nga’t Sabado na ng gabi. Hindi na magkamayaw ang lahat sa pagkarga ng mga gamit na kailangan pasakay sa dala naming sasakyan. “Bilisan niyo jan, traffic sa edsa ngayon baka mastuck pa tayo pag daan natin doon. Rush hour pa naman,” utos ni ate Sophia sa mga kasama naming personel. Kumpleto na kaming lahat ngayon dito sa labas ng building nitong kompanya at iyon na nga lang ang hinihintay namin, ang matapos sa pagkarga sa lahat ng mga gamit sa loob ng sasakyan. Unang dumating sa aming lahat dito ay si Trixie with exaggerated outfit pa na aakalain mo kung saang nagyeyelong bundok kami pupunta dahil sa suot nitong balot na balot. Sumunod naman sa kanya ay si Christian tapos kasunod na rin kami ni ate. The same pa rin iyong crew na kasama namin sa Tagaytay no

