Nagising ako dahil sa sinag nag araw galing sa nakabukas kong bintana na tumatama sa mukha ko. Isang oras lang pala ang tinulog ko pero ramdam ko ng bumabalik na ang dati kong lakas. Tumingin ako sa pinto, nandyan pa rin kaya siya? Baka hindi siya umalis dahil hinihintay niya akong pagbuksan siya? Pero isang oras na rin naman ang lumipas baka nabagot na ito sa kakakatok at umalis na lang. Inunat ko ang mga kamay ko para mawala ‘yung pangangalay dahil ito ang ginamit ko kanina bilang unan sa pagtulog ko, nakaupo lang kasi akong natulog buti na lamang at bukas yung aircon dahil kung hindi, sigurado akong napakainit ng mukha ko ngayon sanhi ng ganoon kong posesyon sa pagtulog. Humikab-hikab pa ako at feeling ko talaga ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon 'di katulad kanina na para akong

