Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa pinanggalingan kong elevator at mas binilisan ko pa ang paglalakad ko dahil medyo may nasesense akong kakaiba sa lalaking nasa likod ko lamang ngayon. "Please have a seat," giya ko kay Vincent paupo sa bakanteng upuan na nasa harap ng mesa ko. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng panahon at agad na akong nagbukas ng pag-uusap tungkol sa kung ano mang pakay niya rito sa kompanya. "So, without beating around the bush. Ano ba talaga ang pakay mo at personal ka talagang nakipagharap sa'kin? " wika ko sa usual kong tono kapag nasa opesina ako. Ngumiti pa siya ng abot tenga bago niya 'ko tuluyang sinagot. "Relax, Lian, I'm not in a hurry and I know you too also, hindi ba pwedeng umupo muna tayo rito ng kahit limang minuto man lang." Tinaasan ko siya ng

