Lumipas pa ang ilang araw at oras na nga para pumunta kami patungong Tagaytay, at hindi talaga nawala ang bestfriend ko. Alas tres pa ng umaga ay nasa bahay na siya at nambubulabog gamit ang doorbell namin, talo pa ang bulate sa kagaslaw nito. Naayos ko na lahat ng mga gagamitin para sa gagawin namin doon sa Tagaytay, sabi kasi ni ate na medyo malayo raw ‘yung venue sa syudad kaya kailangan daw na doblehen ko ang bilang ng mga kagamitang dadalhin at syempre hindi ko na din kinalimutang magdala ng emergency tools, baka kung sakali. Nandito na kaming lahat sa labas ng bahay, si Christian na lang ang hinihintay ng lahat na dumating, at kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sya dumarating, 'yun ang hindi namin alam. Mag-iisang oras na kaming naghihintay sa kanya rito at hindi naman p

