Kabanata 11 Mariin akong nakatitig kay Alistair habang nakatayo pa rin kami sa harap ng Kuya ni Haven. Para bang naglaho ang lahat ng ingay sa paligid, ang musika, ang tawanan, ang alon ng dagat. Siya lang ang nakikita ko. Siya lang ang laman ng paningin ko. Nagawa ko. Sa wakas, nakita ko rin siya. Mamaya, pagkatapos nito, tatawagan ko agad si Ate. Kailangan niyang malaman. Kailangan niyang marinig mula sa akin na hindi lang haka-haka ang lahat. “Lily…” palihim na bulong ni Haven, bahagyang hinila ang braso ko. “Nakikinig ka ba?” Parang may pumitik sa isip ko. Bumalik ako sa reyalidad at napatingin sa lalaking nasa harapan namin. Ferno, ang Kuya ni Haven. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano sila kahawig ng kapatid niya. Parehong matalim ang mga mata, parehong may presensyang kayang m

