Kabanata 12 “If you’re planning to drive someone crazy… why not start with me?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sandaling huminto ang mundo ko, parang hinihintay kung tatawa siya o babawi, pero walang dumating. Walang biro sa tono niya. Walang pag-aalinlangan. Buo ang kumpiyansa sa bawat salitang binitiwan niya. Napaatras ako nang isang hakbang nang lumapit siya, sinakop ang espasyong iniwan ko. Alam kong nakainom ako, pero hindi pa ako gano’n kalasing para hindi maintindihan ang sinabi niya. Dinig na dinig ko. Ramdam na ramdam ko. “Baliw ka ba?” natatawa kong tanong, pilit ginagawang biro ang bigat na biglang bumagsak sa dibdib ko. Ngumisi siya. Hindi iyong nakakatawang ngiti, kundi iyong delikado. “You’re crazy too,” aniya. “Sinabi mo sa akin ang gagawin mo kay Alistair. Ba

