Kabanata 4

1959 Words
Kabanata 4 “Ano ba, bitiwan mo nga ako!” mariin kong sambit habang pilit kong hinahatak palayo ang kamay ko. Mas lalo naman niyang diniinan ang pagkakahawak niya, para bang sinasadya niyang hindi ako makawala. “Aray! Nasasaktan ako, Ali!” halos pasigaw kong sambit nang maramdaman kong parang mababali ang pulso ko sa lakas ng kapit niya. Saglit niya akong tiningnan nang masama, matalim, malamig, parang hindi siya si Ali na nakilala ko kanina. Habang pataas kami sa hagdan papunta sa ikalawang palapag, saka lang lumuwag nang kaunti ang hawak niya nang magpumiglas ako ulit. Sinubukan ko pa siyang tawagin. “Ali, sandali lang, bitawan mo muna ako,” pahiling ko, pero parang wala talaga siyang naririnig. Nilalamon ng malakas na tugtog mula sa DJ ang bawat salita kong lumalabas sa bibig ko. Nagsasayawan ang mga tao sa ibaba, nagsisigawan, tumatalon, at para kaming natatangay ng ingay at liwanag ng mga ilaw na kumikislap sa paligid. Wala na akong nagawa nang tuluyan na kaming makarating sa ikalawang palapag. Mas tahimik dito, pero hindi rin ganap, mas organisado lang ang gulo. Mas maliwanag, mas sosyal, mas eksklusibo. Pag-akyat namin, halos sabay-sabay napalingon ang mga tao sa kaliwang bahagi ng palapag, para bang balita kaming dumating. Kita ko ang ilang lalaki at babae na pawang naka-designer clothes, may hawak na mamahaling alak, at nakaupo sa malalambot na sofa. Ang aura nila? Pera, impluwensya, at kapangyarihan. Hindi mo sila mapagkakamalan. Kasama nila ang mga kaibigan ni Ali, at doon ko rin nakita si Zane, na literal pang natigil sa pag-inom, hawak ang baso niya sa ere, nakadilat ang mata. “Woooh! Someone brought a girl tonight. That’s new, Ali!” sigaw ng isang lalaking hindi pamilyar sa akin, malaki ang katawan, nakangisi, at halatang sanay sa buhay na walang limitasyon. Marami sila dito. At mukhang… lahat sila mayaman. Sobrang mayaman. Isang pintig ng puso ko ang nalaglag sa kinatatayuan ko. Kung ganito sila kayaman, posibleng isa sa kanila si Alistair V. At kung gano’n, tama. Mabuti na ngang hinila ako ni Ali. Mas mapapadali ang paghahanap ko. “Nandito ka rin pala, Lily!” malakas na sabi ni Zane bago siya tuluyang lumapit sa amin. Para siyang naka-spotlight sa gitna ng ingay; napakaganda ng ngiti niya, parang automatic siyang nagiging approachable sa kahit sino. “This is Lily, guys. The girl from the cruise!” anunsyo niya na para bang may magandang balita siyang ipinapahayag. Napatingin sa akin ang ilan, may nakangiti, may nangiintriga, may nagmamasid lamang. Muling bumalik ang tingin ni Zane sa amin, ngayon ay nakakunot naman ang noo. “Bakit kayo magkasama? Nagkita ba kayo sa baba?” tanong niya, halatang curious at nagtataka kung bakit magkasama kami. Tumango ako, at akmang sasagot na sana, pero naunahan ako ni Ali. “You’re so loud. Where’s Alistair?” malamig at diretso niyang tanong. Napalingon ako agad sa kanya. Biglang parang lumaki ang tenga ko, para akong natauhan, para akong nakahuli ng mahalagang salita. Alistair, ang pangalan kung bakit ako nandito… At lumipas ang isang iglap bago ko narealize, alam ni Ali kung nasaan siya. Kailangan kong manatili dito. Kailangan kong nasa mismong lugar kung saan posible ko siyang makita, kahit sulyap man lang, kahit anino. Kapag nakita ko na si Alistair o kahit may makapagbigay lang ng pahiwatig ng itsura niya, malaking tulong na iyon para kay Ate. Para malaman niya ang nangyayari rito. Para may masabi ako pag-uwi ko. “Sit there.” Malamig at walang emosyon ang boses ni Ali habang itinuro niya ang tabi ng isang babaeng nakaupo. Gusto ko sanang hindi sumunod. Gusto ko sanang tumayo at magsalita, pero ito lang ang paraan para manatili ako sa paligid nila… para mas lalo kong mapalapit kay Alistair, lalo na’t kilala pala siya ng buong grupong ’to. Kaya kahit medyo nanginginig ang loob ko, sumunod ako. Habang lumalapit ako sa babae, ngumiti siya, isang malapad, mainit, at halos nakakagaan ng loob na ngiti. Nakakahiya man tumabi sa kanya, sinubukan ko pa ring maging maayos habang nakamasid sa paligid. Lahat ng tao rito mukhang sanay sa liwanag, sa pera, sa atensyon. “Wow, you’re so gorgeous!” puri niya sa akin. Totoo ang tono, walang bahid ng pambobola. Ngumiti ako, medyo kinakabahan at nahihiya. “Ikaw din… napakaganda mo,” sagot ko nang tapat. Dahil totoo naman. Para siyang celebrity. Maputi, defined ang panga, naka pulang lipstick na bagay na bagay sa kanya, at suot ang mamahaling damit na halatang pinag-isipan. Hindi lang basta ganda, may presence. May dating. May tiwala sa sarili. Pero mayaman siya, kaya kahit mabait ang dating… alam kong may mga lihim sa likod ng mga ngiting ganito. “Thank you! Nagpaganda talaga ako tonight kasi may aakitin ako.” Diretso, walang preno, saka siya tumawa. Napataas ang kilay ko, hindi mapigilan, at natawa rin ako kahit na malakas ang tugtog. Maging ang lalaking katabi niya ay napatingin sa amin at napangiti. “Just kidding! This is a party, welcome party, actually. Nandito sila Ali kasama ang mga kaibigan niya for a business trip.” Napakunot ang noo ko. “Anong business ang pinunta niya dito?” Hindi ko mapigilang magtanong. Kuryuso ako. At kailangan kong makakuha ng kahit anong impormasyon. “They’re planning a deal here in Isla Dolor. Mukhang bibilhin nila ang ilang parts ng Isla para gawing tourist attraction.” Napabuka ang labi ko sa gulat. Sobra silang. Mayaman. At mapangyarihan. At kung gano’n ang antas nila… kaya nilang baguhin ang buong isla. Nakakatakot isipin. “Taga dito ka ba sa Isla Dolor?” tanong ng babae. Mukha siyang friendly. Hindi nakakatakot tignan. Pero hindi pa rin ako basta basta nagtitiwala. “Hindi,” tipid kong sagot. “Oh, so you’re a tourist here?” Tumango ako. “Broken hearted?” tanong pa niya, diretso at walang alinlangan. Napatingin ako sa kanya, saka marahan ulit na tumango. “Wow. Halos lahat ng pumupunta rito sa Isla Dolor, lahat nagmo-move on. Kaya nga tinawag na Dolor, ‘di ba? Dito lumalabas ang sakit ng mga tao. Dito sila nagre-reset ng buhay.” Madaldal pala siya, pero sa totoo lang gusto ko ang boses niya. Hindi nakakairita, hindi rin nakakasuya. Para siyang taong sanay makinig at mag-open up. Hindi ako sumagot. Imbes, sinuyod ko ulit ang paligid. Si Ali at Zane ay hindi kalayuan. Parehong may hawak na alak, parehong may hinihithit na tila electronic vape. Wala pang lumalapit na lalaki sa kanila. Wala pang mukhang kilala nila bilang Alistair. “Oh, ako nga pala si Haven.” Rinig kong pakilala niya. Napalingon ako kunot-noo. Pamilyar… parang narinig ko na. Bago pa ako makapagsalita, natawa siya at itinuro ang sarili. “I know, the club’s name. Drink and…” sabay pakita niya nang kanyang mukha. Hindi ko rin napigilang matawa. Ang gaan ng aura niya. Hindi nakaka-intimidate tulad ng ibang mayayaman. “Sa ’yo ’to?” tanong ko, nagtataka. Umiling siya habang sumisipsip sa alak niya. “No. Kay Kuya. Si Kuya Ferno ang may-ari nito.” Napalaki ang mata ko. Haven… at Ferno? Parang pinaglaruan ng tadhana ang mga pangalan nila. “I know!” tawa niya. “What a weird name, right? May topak talaga parents namin kaya ’yan pinangalan sa amin.” Napangiti ako. Hindi ko inaasahan na sa mundong puno ng pera at sikreto, may ganito pa lang klaseng tao. At habang tumatawa kami… Hindi ko pa rin maiwasang magmasid. Hinahanap ko siya. Si Alistair. “You wanna drink? H’wag mo lang sabihin kay Ali, parang kill joy eh.” bulong niya pa sa akin habang palihim na binibigyan ng inumin sa ilalim ng misa. Ayaw ko naman sana pero ayaw ko ring maging kill joy, ayaw ko ring ipahalata na nandito ako para hindi magsaya kung ‘di may misyon na pinanghahawakan. Tinanggap ko iyon at mabilis na ininom, ramdam ko kaagad ang hagod ng inumin. Hindi ako sanay sa malalakas na inomin pero hindi ko pinahalata iyon at baka mahala ni Haven na first time kong pumunta ng bar at uminom, baka magtanong pa ng kung ano ano at maipit ako sa misyon ko. “Drink like a pro, mukhang nagmomove-on ka talaga…” aniya na parang hinihintay na banggitin ko ang aking pangalan. “Lily,” sabi ko. “Right, Lily! Hindi ko narinig si Zane kanina eh. Maganda ang name mo, kasing ganda mo. You’re skin looks so natural, what glutathione?” Ano ang glutathione? Maging ako ay napaisip din sa kanyang tinanong. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? May sarili silang linggwahe o salita? “Don’t tell me you’re a natural white?” aniyang gulat pa. “Maputi si Mama kaya… siguro ay maputi din ako…” hiyang wika ko. Dahil doon ay humaba ang pinag-uusapan namin at mas naging panatag ang loob ko sa kanya. Habang nagkukwentuhan ay patago rin kaming umiinom, kapag napapatingin sila Ali at Zane ay kunwari kaming nagtatawanan na para bang close na close kami sa isa’t isa. Hindi ko rin pinapalagpas sa tuwing may mga lalaking pumupunta sa ikalawang palapag, tinitignan ko kung si Alistair na ba iyon o hindi. Pero parang matatapos lang ang gabi na ‘to na walang Alistair na magpapakita. Ni anino ay wala akong nakita! Ano ba ‘yan, akala ko nandito na siya! Parang failed na naman itong araw na ‘to. Umiikot na rin ang paningin ko dahil sa dami ng iniinom naming dalawa ni Haven, ang tawa namin ay napapalakas na at sobrang lapit na namin sa isa’t isa na hindi ko man lang namalayan. “Freak, you have freckles?!” sigaw ni Haven mismo sa mukha ko habang tinuturo ang aking pisngi. “Dang, that looks so good. Wala na jealous na ako sa ganda mo.” sabay simangot niya. Hindi ko mapigilang tumawa sa kanya at bahagyang lumapit, amoy na amoy ko kaagad ang kanyang mamahalin na pabango. Dahil na rin siguro sa epekto ng alak, malakas ang loob kung lumapit sa kanya na para bang close na close kaming dalawa. “You should get a new boyfriend now, sayang ang ganda mo! My Kuya is available, I want you to be my sister in law!” Kanina pa niya ako pinupuiri at lahat ng iyon ay pinapasalamatan ko, hindi ko inakala na mukhang irereto pa niya ako sa kanyang kapatid. “Should I tell Zane that you want to meet my Kuya?” aniyang nakangisi sa akin. Hindi ko alam pero sunod sunod akong tumango sa kanya na para bang wala akong kailangan na gawin sa islang ‘to. Mas lalong lumapad ang ngisi niya at tumayo, kamuntik pang matumba pero nagawa pa ring tumayo bago ako hinatak. Muntik din akong matumba dahil sa biglang pag ikot ng aking paningin at pagbigat ng aking ulo pero kaagad ko rin nahanap ang aking balanse. Hinatak niya ako papalapit kila Zane at Ali. Agad kong nakasalubong ang matalin na mata ni Ali, si Zane ay nagulat nang makita kaming dalawa ni Haven. “What the f**k?” si Zane nang makita kami. “What the hell happened to the both of you?” matigas at mariing sambit ni Ali. Ngumiti agad kaming dalawa ni Haven at magkaakbay pang dalawa. “Where’s Kuya? I want him to meet Lily, bagay silang dalawa.” panimula ni Haven habang ako naman ay tango nang tango sa tabi niya. Muling napamura ang dalawa sa kanilang narinig. Magsasalita na sana ako nang bigla akong higitin ni Ali at tuluyan kong nabitawan si Haven, habang si Haven naman ay niligpit din ni Zane. “Saan mo ‘ko dadalhin?!” sabay pagpupumiglas ko nang aking kamay, ngunit parang wala talaga siyang balak na pakawalan ako. “You’re going home tonight, and you’re never setting foot in this place again. Understood?” Bakit siya galit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD