Chapter 38 See You Again Julienne's POV "Mommy, papunta na ba si tito Enzo ngayon dito?" Untag ni Ethan habang hinihintay namin ngayon dito sa labas ng bahay si Enzo. Ang sabi nya kasi pupunta sya ngayon e. Napapadalas nga ang pagbisita nya. "Yes baby, ang sabi nya on the way na sya," sabi ko. Tumango-tango naman sya. "Saan ba tayo pupunta mommy?" cute nyang sinabi na halatang excited. "Mamasyal daw tayo, yun ang sabi nya," ngisi ko tsaka ko ginulo-gulo ang kanyang buhok. Lumiwanag at sumigla ang kanyang mukha pagkasabi ko nun. "Yehey!" Tumalon-talon sya, suddenly bigla namang nag ring ang phone ko, agad ko 'tong kinuha sa purse ko para tignan kung sino ang tumatawag. Si Enzo ito, kaya dali-dali ko itong sinagot. "Hello, Enzo?" pambungad kong sabi sakanya. Bayolente syang bumubunto

