Chapter 32 You'll Beside Me All The Time Julienne's POV Tulad nang ipinangako ni Enzo, muli syang bumalik kinabukasan. Nakakaramdam na ko ng hiya, dahil pakiramdam ko masyado na kong nakakaabala sakanya.. Imagine galing sya ng Maynila, ilang oras kaya ang byahe para makapunta dito para lang sa kin. Hindi yun biro, kaya hiyang-hiya na talaga ako sakanya. Binuksan ko na yung gate at bumungad sya sa akin ng nakangiti. His tantalizing eyes serious glancing at me. "Hi," nakangiti nyang sabi. Ngumiti din naman ako kahit pilit lang. "Hi, anong oras ka umalis ng Manila?" tanong ko. Nagpamulsa sya bago nya ko sinagot. "Hm. Kaninang 3AM," nagulat ako pagkatapos nyang sabihin 'yon. See napakaaga! "Hindi kaba napapagod? Nahihiya na ko sayo Enzo.." napayuko, naramdaman kong lumapit sya sa akin

