Chapter 31 Missing You Julienne's POV Hindi makapagsalita si Enzo dun sa sinabi ko. Bumilog ng husto ang kanyang mga mata na halatang flabbergasted dahil dun. Napayuko ako at kinagat ko ang aking labi. "H-huh??" gulat nyang sabi habang nauutal-utal, nag angat ako ulit ng tingin sakanya. "Tingin ko buntis ako Enzo.." mahina kong sabi, bumuntong hininga sya at kumurap-kurap ng makatailang beses. Nagsalita ulit ako. "Pero hindi ko pa naman nakukumpirma." Binalingan nya ulit ako at hinawakan nya ang kamay kong nakapatong sa mesa. "Kung sakaling buntis ka man nga, mas delekado Julienne, mag isa ka dito.. Mabuti nalang at nasundan kita," bakas sakanyang tono ang pag-aalala. Yun nga eh. Naisip ko pano kung buntis nga ako tapos ako lang mag isa dito, makakaya ko kaya iyon? Pano na nun sa o

