Chapter 02
Stare
Terrence's POV
"Really? Humihingi sya ng tawad?" saad ni Enzo habang kumukurap-kurap, parang hindi talaga sya makapaniwala, ikinwento ko kasi sakanya ang first encounter namin ulit ni Julienne after five years.
This is Enzo, he is actually a good friend of mine, simula nung iniwan ako ni mama kanila lolo at lola na magulang nang namatay ko ama, si Enzo na ang naging close ko. We're childhood friends for short. Alam nya din ang istorya sa aming dalawa ni Julienne.
Nagkahiwalay kami dahil nga sa kinuha na ako ni mama nun, saktong wasak na wasak ako dahil sa ginawa ni Julienne, sa katunayan nipromise naman talaga ni mama na babalikan nya ko eh, hindi ko nga alam na naging succesfull pala sya sa US. here in the Philippines as well. Kinuha nya ko ulit, at bumawi sya sa pag aaruga sa akin. Dun nya ko pinag aral ng college sa America.
Kaya ayun hindi na kami muling nagkita ni Enzo after non, ngayon nalang talaga na ngayon ay naging succesfull din sa larangan ng pagaarkitektura. Architect sya.
Tumango ako dun sa sinabi nya habang nakahawak sa aking baba.
"So anong sinagot mo?" pinagsalubong ko ang aking kilay pagkatapos nya yung sabihin iyon.
"Hindi ko tinanggap," mahinang untag ko, kumunot naman ang noo nya.
"Are you still mad at her? Mygod Terrence! Five years na ang lumipas," tumayo ako sa kinauupan ko. At tsaka ko sya pinagtaasan ng kilay.
"Yes, five years na nga ang lumipas ng hindi man lang ako nakakaganti," galit kong sabi, tumayo din sya at nagharapan kaming dalawa. Bakit parang kinakampuhan nya si Julienne!
"Revenge? Gusto muba syang gantihan huh?" aniya. Tama sya don, gusto ko syang gantihan. Gustong gusto.
"Yes! Gusto kong masaktan din sya, tulad ng ginawa nya sa akin noon," umiling iling bigla si Enzo, parang hindi talaga sya sang ayon sa gusto kong paghihiganti para kay Julienne.
"Bitter kalang, dahil mahal na mahal mupadin sya?" nakakaloko yung sinabi nya. Tumaas yata bigla ang blood pressure ko!
"Ofcourse not!" mariin at malakas kong sabi, habang nakayukom.
Gusto ko lang talaga syang masaktan dun sa paraang yun nakaganti nadin ako, pero mahal? Hell no. Galit? Yes. Galit na galit ako sakanya.
"Tsk, Terrence let go! Antagal na nun, tsaka mga teenagers palang tayo that time!" hindi nya ko maintindihan. Hindi, kasi hindi sya yung nasaktan.
"Basta, gusto ko syang gantihan yun yon," sabi ko at umupong muli sa aking swivel chair.
"Okay then, ikaw ang bahala, pero sana one day wag mung pagsisihan yang gagawin mung yan," sabi nya na may bahid ng pagbabanta, pagsisihan? Bat naman ako magsisisi? Eh malaking relief nga sa akin yon pag nagawa kunang masaktan at makaganti kay Julienne eh.
"Shut the f**k up Enzo, di ako magsisisi," sabi ko, ngumisi naman sya pagakatapos ay huminga ng malalim.
"Naghirap naman sya Terrence, baka siguro sapat na yung kabayaran, alam mo bang sya nalang mag isa ngayon sa buhay?"
Tumawa lang ako dun sa sinabi nya, buti nga sakanya yon eh. Pero kulang pa iyon.
"Like I care? Kulang pa yon, " sabi ko habang nakangiti.
"Psh! Nag iba kana talaga, parang kinakain kana ng galit mo"
"Hindi Enzo"
"Bakit mo yun gagawin sakanya? Sure kaba na pag nasaktan mo sya, sasaya kana?"
Sasaya talaga ako pag nangyari yun.
"Yep, relief sa akin yun, dahil sa wakas nakaganti nadin ako," tumayo na sya at mukhang disappointed ang mukha, umiling iling sya eh.
"Bahala ka, sana wag kalang mahulog sa sarili mong bitag, at sana din wag mong pagsisihan ang gagawin mo kay Julienne," aniya at padarag nyang isinara ang pintuan ng office eksaktong pagkalabas nya.
Ako naman, kinuha ko yung isang bote ng brandy at nagsalin ng konti sa baso tsaka ko ito nilagok ng diretcho. Hindi sang ayon si Enzo sa balak ko, pero wala ng makakapigil sakin.
Lalo na ngayon, nabuo na ang plano ko, sinabi sa akin ni Julienne na mahal nya pa ako, tamang tama. Mahal nya pa daw ako? Papaibigin ko sya ulit. Pero pagkatapos nun gagawin ko sakanya yung ginawa nya sa akin dati na mas malala pa.
Julienne's POV
Gumising ang diwa ko nang marinig kong tumunog ang intercom, halos yata mapalundag nako dito sa desk ko eh. Tumunog iyon, hudyat lang na may kailangan si Terrence.
Agad akong nagtungo sa elevator para pumaroon sa kanyang office sa 30th floor. As usual, nanginginig na naman ako sa takot. Takot akong masigawan nya, takot din akong mapagalitan.
Yun ngang pagkikita namin kahapon, nanlalambot padin ako sa tuwing iinisip ko yung mga binitiwan nyang mga salita. Hay, wala na talaga syang pake sakin.
Pagbukas ko ng pintuan ng kanyang office nakita kong seryoso syang nagtatype sa harap ng laptop nya. Nakakatakot, hindi ako makapagsalita.
"Sir, ano pong ipapagawa nyo?" magalang kong tanong, tumigil sya pagtatype at sumulyap sya sa akin.
"Hmm. Gusto kong asikasuhin mo lahat ng mga paperworks na to, gusto kong matapos mo ito, bago matapos ang working hours," walang kagana gana nyang sabi at iniabot sakin yung mga sandamukal na papel. Alam kong ganito naman ang trabaho ko, pero bakit sandamukal naman ang mga ito, makakaya ko kaya itong tapusin bago mag alas jis? Kung di ko man matatapos baka pwede ko naman sigurong isubmit bukas sakanya ng maaga? Kaso, hindi sigurado sya papayag.
"Ok, areglado po Sir," mahinang sabi ko. Tapos napakagat ako sa aking labi. At inayos ko ang bangs ko at inilagay ko yun san tenga ko, bumaling ang tingin ko sakanya, nakita kong nakanganga sya sakin habang nakatitig? Bakit? Nung napansin nyang nakatingin nako sakanya, para bang dun lang sya bumalik sa ulirat. Napalunok sya at nag iwas ng tingin, at muling pinagpatuloy ang kanyang pagtatype sa laptop.
"Wala na po ba kayong ipapagawa??" mahinhin kong sabi ulit.
"I want you to arrange the appointment between Mr. Del Mundo later," aniya na ngayon ay hindi na nakatingin sakin. Tumango ako at marahan ko syang tinalikuran, at nagsimula na kong maglakad palabas, pero kahit na nakatalikod ako, ramdam ko padin ang kanyang matatalim na titig, tinignan nya ulit ako, kahit di ko yun nakita, alam kong tinitignan nya ako.
Terrence's POV
Napamura ako ng malulutong pagkaalis ni Julienne ng office ko, ba't ko ba yun nagawa kanina? Bakit ko sya tinignan na parang may pagnanasa parin kanina, I was drooling at her a while ago, at ang masaklap nahuli nya kong nakatitig sakanya. Ugh!
Yung kasing kahinhinan nya, yung mannerisms nyang paghawi ng bangs nya at inilalagay sa kanyang tenga, yung pagkagat nya ng labi nya! Isa yun sa mga nagustuhan ko sakanya dati, hindi ko alam bakit, nung makita kong ginawa nya ulit yun kanina, muling nagflashback sakin yung nakaraan, yung mga masasayang araw namin together, na pilit kong winawaksi.
Calm down Terrence, wala na dapat epekto sa yo si Julienne, mag focus ka sa pag ganti sakanya, sabi ko sa isip ko habang nakahawak sa aking noo..
----
Julienne's POV
Bago ko sinimulang gawin tong mga sandamukal na paperworks, tinupad ko muna yung utos na isa ni Terrence, yun nga ay ang mag pa arrange ng meeting kay Mr. Del Mundo, areglado na iyon.
Pagkatapos nun, agad ko namang inasikaso yung pinapagawa nyang sandamukal na paper works. Andami ng mga to, nung si Madam Sylvia, di nya naman to pinapagawa. Kaya hindi ko alam kung sinasadya ba talaga to ni Terrence or what, maaari papahirapan nya talaga kung kailan nya gusto marahil dahil sa galit nya sa akin.
Pero muli kong naalala yung mga titig nya, yung titig ng talagang Terrence na kilala ko dati, hindi yung ngayon na palaging nanlilisik ang mata at palaging magkasalubong ang kilay.
Ano kayang iniisip nya nung tinitignan nya ko kanina? Hayyy, pabayaan ko na nga lang. Nagkibit balikat nalang ako at muli kong itinuloy itong mga pinapagawa nya.
Gabi na pero halos nangangalahati palang ako dito sa mga pinapagawa ni Terrence, ang dami talaga ang sakit na ng batok at likod ko. Dahil sa nangangalay nako, tumigil muna ko tsaka ako nagstretch ng kamay.
Bilisan ko na nga, baka mag alburoto yun pag hindi ko ito natapos ngayon.
Kung sanang hindi gumawa ng kabulastugan si daddy di sana, may mga kumpanyang tumanggap sakin ngayon, Communication Arts kasi ang natapos ko eh, walang gustong kumuha sakin dahil si daddy ay isang kilalang scammer, andami nyang tinakbong pera sa mga investors nung may negosyo pa kami. Syempre andaming galit sakanya, kaya ngayon kahit na iba ang ugali ko sakanya dahil sa dala ko ang apelyido nya, damay nadin ako sa kahihiyang ginawa nya.
Only child lang din ako, minsan nga winiwish ko na sana sya nalang yung namatay dun sa aksidente, di na sana nadamay si mommy. Pero ang masaklap pati si mommy ay namatay.
Kaya minsan naiisip ko na pati ba si mommy kasama sa naging karma ni daddy pati ako karma nya din ba to dahil dumadanas ng kahirapan ngayon ang anak nya kahit wala na sya? Tsk.
Sana sya nalang ang namatay. Dahil kasi sa sarili kong ama nagkaleche leche ang buhay ko, nasaktan ko pa ang lalaki kong mahal dahil sakanya, nagsisisi din ako sana hindi ko nalang sya sinunod noon.
Tsk, tama na nga! Nangyari na, wala na kong magagawa..
Pagkatapos ng ilang oras, natapos ko rin yung mga paperwork forms na to fill in, permissions to obtain, and letters to write, inayos ko na ang mga yon, at nagmamdali ulit akong pumasok sa opisina ni Terrence, but this time wala na sya. Kaya ang ginawa ko nalang ay ipinatong ko ang mga iyon sa desk nya, at dali dali nakong lumabas.
Paglabas ko ng building, pumara nako ng jeep, kesa naman sa mag taxi ako, mas magastos yun. Dati hindi ako sanay sumakay ng jeep, dahil sa ang naghahatid sundo sakin non ay magarang kotse, pero naglaho na ang lahat yun ngayon, dahil ako ay isang mahirap at ordinaryong empleyado nalang.
Wala si Luke, si Luke kasi ang kadalasang sumusundo sakin eh, ang natitirang kaibigan ko, busy sya siguro ngayon, sabagay magpaparamdam naman din yun pag di na sya siguro busy.
Hanggang sa pag uwi ko, si Terrence parin ang laman ng utak ko, puro si Terrence nalang, Terrence, Terrence. Naiinis na nga ako sa sarili ko eh! Mas lalo ko tuloy narealize lalo na nung bumalik sya na mahal ko pa sya.
Kaso, ang mararapat ko nalang gawin ngayon ay ang kalimutan sya. Pero pano ko yun magagawa eh, halos araw araw sya yung nakakasama ko. Aish!
Hindi na dapat ako umasang magkakabalikan kami, di narin dapat akong umasang magkakaayos kami. Tatanggapin ko nalang ang malamig at masungit nyang pagtrato sakin, kasalanan ko naman eh.
May girlfriend na kaya sya? It breaks my heart, pag iniisip kong meron nga. Sana naman wala..