Chapter 03
Forget Him Julienne
Julienne's POV
"Luke, salamat sa paghatid huh?" sabi ko eksaktong pagbaba ko ng kanyang magarang kotse, ngumiti lang sya, at sinabing;
"No problem Julienne, by the way iba na daw yung C.E.O ng pinagtatrabauhan mo?" tanong nya out of the blue, tapos bumaba din sya sakanyang kotse at nagharapan kami, napakamot ako sa ulo ko.
"Ah oo! Anak sya ng dati kong boss, ba't mo natanong?"
"Hm. Wala lang, nakita ko lang kasi sa news," aniya. Bumaling naman ang tingin ko sa bandang gilid ko, at halos mapalundag ako ng makita ko si Terrence, na nakatingin sa amin ngayon ni Luke habang kumukurap-kurap. Kakababa lang din nya ng kotse nya, Mygod. pinagpapawisan ako ng malamig kapag nakikita kong ang sama ng tingin nya sakin, wala naman akong ginagawa ah?
Nagmamadali na akong nagpaalam kay Luke.
"Ah sige Luke, pasok na ko huh? late na ko eh," nag nod lang sya at ngumiti habang kumakaway, kumaway din naman ako.
"Sige maya pag maagang natapos work ko, susunduin ulit kita!" sigaw ni Luke, lumingon ako ulit sakanya, nakaramdam ako ng pang iinit ng pisngi ng bigla nya naman akong kinindatan, napailing nalang ako, Luke talaga oh. ang lakas pa naman ng pagkakasigaw nya paniguradong narinig ng mga tao sa paligid.
Lumingon ako kay Terrence na ngayon ay inaayos ang kanyang neck tie at taas noo na din syang pumasok ng building. Nagkatabi habang naglakad papasok.
Halos lahat ng mga emplayado ay tumatabi pag nakikita sya, lahat parang takot, at lahat ay nagbo-bow din, nakakatakot naman kasi talaga si Terrence, pag ako nga pag kinakausap nya ko bigla nalang akong kinakabahan eh.
"Miss Gutierrez, do I have a meeting today?" malamig at matigas nyang sabi, bigla na naman akong nataranta. At nagmamadali kong tinignan yung planner.
"Meron po Sir, mayang 1 pm. May meeting po kayo sa JMC group of companies," sabi ko. Tumango naman sya at dumiretso sa elevator. Upang pumunta na siguro sakanyang office.
Nakahinga ako ng maluwag, di ko alam kung bakit ang laki ng takot ko sakanya, marahil dahil galit at mainit ang dugo nya sakin, as much as possible gusto kong iwasan nalang sya, pero paano? Eh sekretarya nya ako.
Kinagabihan, mejo relief ang pakiramdam ko, dahil hindi ako masyadong pinag initan ni Terrence.
Mabuti nalang at linggo na bukas kaya makakapaghinga ako, sa Lunes talaga, itatry ko ng wag kabahan pag nagtagpo ulit kami. Makakaya ko kaya?
Papunta na naman ngayon ako sa office nya, para may ipapirma, last na to, at pagkatapos nito uuwi na ko..
Pagtapat ko sa pintuan ng office nya mejo nagtaka ako dahil nakita kong nakabukas ng bahagya ang pintuan. Kakatok pa ba ko? Eh nakabukas naman eh. Baka kasi may kausap sya ngayon, nakakainis baka mapagalitan na naman ako pag naistorbo ko sila, pero kasi importante tong pipirmahan nya eh, bahala na nga.
Huminga ako ng malalim at marahan kong binuksan yung pintuan, namilog naman ang aking mga mata nung nakita kong nakikipaghalikan sya sa isang babae.
Hindi ako makagalaw, gusto kong lumabas na pero nanigas ang katawan ko, at para ding dumikit ang mga paa ko sa tiles na sahig ng kanyang opisina, napapikit ako kasi ayaw ko silang makita, para kasing tinutusok ang puso ko.
Hindi nila ako pansin dahil concentrate sila sa paghahalikan ng laplapan. Laplapan huh? Yes, ni hindi ko alam na marunong palang makipag torrid kiss tong si Terrence.
Napatigil bigla si Terrence ng makita nya kong nakatingin sakanila, ngumisi lang sya, pagkatapos muli na naman nyang hinalikan yung babae na ngayon ay halos umuungol na dahil sa ginawang panlalasing ng halik ni Terrence, hindi man lang sya tumigil? At ang nakakawindang itinuloy nya pa ito.
Tama na, hindi ko na kayang makita pa to. Lalo na nung nakita kong magtanggal na sya ng coat. Gagawin yata talaga nila, napapikit ako at napakagat sa aking labi, at nagmamadali akong lumabas na ng opisina nya.
Nanginginig ang laman ko pagkaalis ko doon, para bang nanlamig ang pakiramdam ko at nanuyo ang aking lalamunan, buti nalang at nagawa kong makaalis.
Nang pababa ako at nakasakay sa elevator, muli kong naaalala yung pagngisi ni Terrence kanina. Para nyang sinasadya, parang gusto nya talagang makita ko yun.
Sino kaya iyong babae na yon, maybe his girlfriend? I don't know, baka naman pampalipas init nya lang? Ang sakit parin kung iisipin.
Siguro ngayon nagpapakasaya na sila, hindi nadin siguro halikan lang ang ginagawa nila ngayon, worst nagsesex na sila, parang dun naman kasi papunta, yung bang halikan nila ng malalim kanina tapos mukha pa silang sabik na sabik, sigurado akong dun papunta yun.
Tumunog na ang elevator, hudyat na nakababa na ako, balisa at nanlalambot padin ang pakiramdam ko, sanang hindi ko nalang yon nakita! Ugh! Gusto kong sakalin yung babae.
Hindi na muna siguro ako uuwi, hihintayin ko nalang na matapos sila at makaalis yung babae, bago ko muling ipapirma to sakanya.
Umupo ako sa desk ko, habang ang lalim parin ng iniisip. Tsk, napahawak ako sa ulo ko. Erase muna yun sa utak mo Julienne, dapat wala ka nang pake kung may kahalikan o kasama man si Terrence ngayon. Wala na syang pake sayo at wala nadin syang pake sa nararamdaman mo.
Suminghap ako at muling dinilat ang mga mata.. Sa wakas, nakita ko yung babae na paalis na, pero mukhang may ginawa talaga sila, gulo gulo kasi yung buhok nya eh, inaayos nya nga to habang naglalakad. Nakakita din ako ng red mark sa kanyang leeg, napairap ako. that is chikinini. Errr
Nakakainis talaga, girlfriend nya to? She's not beautiful for him. mas hamak na maganda ako. Teka, bat ba parang bitter ako? Arggh! Tumayo nako, at muling kinuha yung dokumento na ipapapirma ko kay Terrence, siguro naman ngayon pwede nakong pumasok dahil sa tapos na sila.
Papunta palang sana ako ng office ni Terrence, bigla namang may pumaswit sakin.
"Pssstt!!" tumaas ang kilay ko at lumingon ako sa king likod, upang matignan kung sino ba yon, nag half open ang aking bibig nung makita kong si Enzo pala ito, ang bestfriend ni Terrence nung high school, malamang sa malamang magpahanggang ngayon ay magbestfriend padin sila, friend ko din naman sya dati eh, pero nung nawala si Terrence at nag college kami hindi na kami masyadong nakakapag usap.
Ngumiti ako, ng tumigil sya sa harapan ko.
"Enzo??" sabi ko, nag smile back naman sya. Hindi naman sya galit sakin e. Despite nang nagawa ko sa bestfriend nya, maybe naiintindihan nya ko. Pero si Terrence hindi, ni ayaw nya nga akong magexplain.
"Yep, pupunta kaba sa office ng 'Terrence'?" talagang niklaro at pinagduldulan nya yung Terrence, napalunok ako bago ko sya nasagot sa tanong nya.
"Oo, may ipapapirma akong dokumento," sabi ko at pumasok na ng elevator, sumunod naman sya, pumasok din sya sa loob.
"Ahh! Sama na ko sayo, dun naman din ako papunta eh," aniya. Pinindot ko na yung floor kung saan ang tungo namin.
"Anong gagawin mo sa office nya?" tanong ko.
"Wala lang, bibisitahin ko lang sya, hmm. So kamusta naman pala? Alam mo na di ba may past kayo. . ." paputol putol nyang sabi, napayuko ako ng bahagya.
"Nung una, nawindang talaga ako, sya pala yung magiging bago kong boss," mahinang saad ko, nakita kong kinagat nya ang lower lip nya at hinawakan nya ang kanyang cleft chin. Parang pinipilit nyang magtanong kahit na alam nyang awkward ang topic namin about sa akin at kay Terrence.
"Kamusta naman ang pagtrato nya sayo?"
Hindi ko alam ang aking isasagot.
"Malamig at Masungit," sabi ko umiling naman sya.
"Yung lalaking yun talaga, anyway Julienne wag mo nalang syang masyadong kausapin para di ka nya masungitan, alam muna galit parin yun sayo, yun nga ang kinaiinisan ko sakanya antagal na bat parang hanggang ngayon bitter padin sya"
Bitter? Di naman siguro, kasi diba pag bitter may nararamdaman kapadin kaya nakakaramdam ka ng bitterness? Pero siguro sya galit lang sya dun sa nagawa ko. Di nako nag eexpect na may nararamdaman padin sya sakin.
Tama si Enzo dun sa isang sinabi nya, as much as possible wag ko nalang syang kausapin lalo na't tungkol dun sa nakaraan, nasakanya nadin kung ayaw nyang pakinggan at tanggapin ang explanation at paghingi ko ng tawad.
Di nako nakasagot dun sa sinabi ni Enzo, dahil kasi nandito na kami sa floor kung nasan ang office ni Terrence, pagkalabas namin sa elevator hinawakan nya bigla ang kamay ko, napatingin ako bigla sa kamay nyang nakahawak sakin, at the same nagtaka.
"Bakit Enzo?"
"Mahal mo pa sya?" nanuyo ang lalamunan ko dun sa sinabi nya, sa totoo nyan, mahal ko pa naman talaga sya.
"Oo," mahinang tugon ko tsaka ako nag iwas ng tingin.
Umiling sya bigla.
"No Julienne, kalimutan muna sya, dahil ang pagmamahal mong yan, gagamitin nya yan sayo," aniya napakunot ang noo ko dun sa sinabi nya, dahil parang nagbibigay sya ng babala.
"H-huh???" kunot noo kong sabi, dahil naging palaisipan sakin yung sinabi nya.
"Basta sundin mo nalang, ayaw kitang masaktan, alam mo kasi si Terrence puno ng galit ang puso nya sa past," aniya, gumulo ang pag iisip ko dahil sa mga pinagsasabi ni Enzo, hindi ko magets eh, basta ang alam ko lang talaga ay galit si Terrence sa akin.
"Basta maghanap ka ng iba, at tanggalin muna yang nararamdaman mo kay Terrence," aniya at tinapik ang balikat ko, habang ako ay nakanganga habang nakatingala sakanya.
"Yun naman ang ginagawa ko eh," pero ang hirap eh, kasi ewan. Basta di ko parin sya nakakalimutan, kasi naman sya lang naman ang lalaking minahal ko, at sobrang mahal ko sya nang iniwan ko sya. Kaya siguro hanggang ngayon same padin ang nararamdaman ko, pero pilit ko talagang iwawaksi, pero kasi naman ang hirap kontrolin ng puso.
Ngumiti sya bigla.
"Good," aniya at nauna na syang pumasok sa loob ng opisina ni Terrence, ako naman dinadigest ko parin sa utak ko yung mga pinagsasabi nya. May balak bang masama sakin si Terrence?
Nagkibit balikat ako, at pumasok nadin sa loob, pagkakita ko sakanya parang walang bakas ng nangyari kanina. Napapikit na naman ako nang maalala ko yun.
Pagtagpo ng mga mata namin, linakasan ko ang loob ko na lumapit sakanya para iabot at ipapirma sakanya yung dokumento, napatingin ako kay Enzo na ngayon ay seryoso ang mukha na nakatingin sa aming dalawa ni Terrence, iniisa-isa nya kami ng titig, nawiwirduhan na talaga ako dito kay Enzo.
"Sir, kailangan nyo pong pirmahan to," sabi ko sabay abot nung dokumento, walang kagana gana nya yung kinuha, binasa nya ng bahagya, at kalaunan pinirmahan nya din naman iyon ng mabilis at walang tingin tingin muli nya yung inabot sakin.
Kinuha ko iyon, at tinalikuran na sila at umalis na ako ng opisina nya.