bc

Sangre 2, Erron (My Dark Prince)Filipino

book_age18+
660
FOLLOW
2.6K
READ
murder
dark
sex
badboy
tragedy
mystery
enimies to lovers
first love
secrets
intersex
like
intro-logo
Blurb

WARNING!

Rated 18

This novel strictly not suitable for minor readers.

Tthis is the second book of Sangre series. The Erron's story

Erron promise not to kill innocent human anymore, but it was difficult for a dark blood vampire like him−until he meets Natalya, a brave woman who challenge him. Inakusahan siya ng dalaga sa krimen na hindi niya ginawa.

He found her cute while anger, kaya hindi niya ito tinantanan hanggang unti-unti itong lumalambot sa kanya. At hindi niya namamalayan na unti-unti na rin siyang nahuhulog dito. Handan a siyang mandigan ngunit isang banta mula sa kanyang nakaraan ang susbok sa kanya at nakaraan na maaring magpapalayo sa kanya kay Natalya.

Handa ba siyang tanggapin ang posibleng muling kabiguan sa pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Prologue
SANGRE 2: ERRON HARLEY, My Dark Prince   Identity: Name:    Erron Harley Age:       460 years old Height:  6’1’’ Eyes:      Light Green Favorite Color: Black/Gray   Special Ability: He can manipulate others' minds. Short Profile: Erron was known as a prince of a dark blood vampire. He was grown up with a stain of blood on his palm, fighting for his legacy to be one of the powerful bloodlines in the vampire world. He was heartless it comes to humans. Humans are just a first-class meat and a source of blood as vampires’ main body fluid. But despite being heartless, there’s a side of him that may bring him in greatest weakness, a part of him that easy attract with a brave woman.                             Prologue ISANG oras nang naghihintay ang sampung taong gulang na batang si Natalya sa labas ng gate ng paaralan nila pero wala pa ang papa niya upang sunduin siya. Unti-unti nang nilalamon ng dilim ang paligid dahil sa nagbabadyang pag-ulan. Ang sabi ng guwardiya ay huwag siyang aalis hanggat hindi dumarating ang sundo niya. Kinakabahan siya. Bihira umaabot nang ganoon katagal ang pagsundo ng papa niya kahit busy ito sa trabaho. Minsan na niya nasubukang maglakad pauwi sa bahay nila na hindi naman kalayuan sa paaralan nila. Nang wala pa rin ang papa niya ay sinimulan na niyang maglakad. Subalit habang lumilipas ang sandali ay tila lalo lamang dumidilim ang paligid. Inihanda na niya ang payong niya para sa biglang pagbuhos ng ulan. Nang nasa bahagi na siya ng kalye na wala nang kabahayan ay napahinto siya sa paghakbang nang may itim na ibon na lumilipad paikot sa kanyang uluhan. Sinusundan niya ng tanaw ang ibon na halos mabale na ang leeg niya sa kakatingala. Mamaya'y biglang nawala ang ibon. Ibinaling niya muli ang tingin sa kanyang harapan. Nagulat siya nang mamataan ang matangkad na lalaki na nangingitim ang kasuutan mula ulo hanggang at nakatayo sa kanyang harapan. Kumabog ang dibdib niya at nangilabot siya nang masilayan ang mukha ng lalaki. Maputla ito na wari wala nang dugo, nangingitim ang paligid ng mga mata nito na animo mata ng isang pusa na maliit ang eyeballs. Nang bumuka ang bibig nito ay nasilip niya ang matutulis nitong pangil. Nangatal ang buong katawan niya dahil sa takot ngunit tila nahipnotismo at hindi siya makasigaw. Para bang may bumabara sa kanyang lalamunan. Humakbang siya paatras at inihanda ang sarili sa pagtakbo, ngunit nang talikuran niya ito ay ganoon na lamang ang gitla niya nang makita niya ito muli sa harapan niya. Maluwag na ang kanyang lalamunan ngunit akmang sisigaw siya subalit mabilis na tumakip ang palad nito sa bibig niya. Kinarga siya nito at dinala sa kakahuyan. Wala siyang ibang naisip kundi magdasal subalit hindi siya nakalaya sa kamay ng lalaki. Mahigpit ang pagkakagapos ng braso nito sa katawan niya. Masyado itong malakas. Nagpupumiglas siya ngunit hindi iyon nakatulong. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Mamaya'y naudyok siyang kagatin ang kaliwang braso ng lalaki. Mariin niya itong kinagat hanggang sa malasahan niya ang matabang at malapot nitong dugo. "Aaaah! Argh!" sigaw ng lalaki sabay bitiw sa kanya. Sumalampak siya sa lupa. Hindi pa man siya nakakatayo ay hinapit na ng lalaki ang braso niya. Kinarga siya nitong muli at walang anu-ano'y bigla siya nitong kinagat sa puno ng kanyang leeg sa kaliwang bahagi. "Aaaaaaaaah!" sigaw naman niya. Nangaligkig ang katawan niya buhat sa labis na kirot. Naramdaman niya ang pagsipsip nito sa dugo niya na unti-unting nagpadilim sa paningin niya. Bago pa man siya tuluyang mawalan ng ulirat ay sapilitan naman siyang nabitawan ng lalaki. Nakita na lamang niya ito na may kasuntukang isa pang lalaki na pakiwari niya'y kauri nito. Nahihilo siya at lumalamlam na ang kanyang paningin. Hindi na niya namalayan ang sumunod na pangyayari. Namataan na lamang niya ang kararating na lalaki na siyang nagligtas sa kanya na inalalayan siyang makaupo. Inihiga siya nito sa mga hita nito. May ipinahid ito sa sugat niya sa leeg. Tinalian nito ng panyo ang leeg niya. Naramdaman niya ang malamig na likidong ipinahig nito sa sugat niya, makirot iyon na makati. Pakiramdam niya'y nalulusaw ang mga buto niya sa katawan. Labis ang kanyang panghihina. "S-sino kayo? Ano'ng kailangan n'yo sa akin?" kinakapos ang hiningang tanong niya sa lalaki. Napakaseryoso ng lalaki at pakiwari niya'y hindi ito purong pinoy dahil sa banyaga nitong mga mata. "Don't talk. You need some rest," sabi nito. Hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi nito. Pagkuwan ay binuhat siya nito at dinala sa mas komportableng lugar at inihiga siya sa patag at matigas na bagay. May kadiliman sa lugar na iyon at tanging liwanag na nagmumula sa bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw. "Kailangan mong makatulog nang maanunbalik ang iyong lakas," sabi ng lalaki habang nakaunklo sa kanyang tabi. "G-gusto ko nang umuwi," emosyonal na wika niya at tuluyan siyang napaiyak. Takot na takot siya. "Iuuwi kita sa inyo ngunit kailangan mo munang gumaling. May naiwang virus sa sugat mo at kailangan iyang matanggal," sabi nito. Nabaling ang tingin niya sa lalaking nakatayo sa likuran ng kausap niya. Ito ang lalaking nanakit sa kanya. Galit siya rito dahil sa ginawa nito sa kanya. Nakakatakot ang hitsura nito. "She must die!" hasik ng halimaw na lalaki. Tumayo ang maabait at galit na hinarap ang kasama. "Shut up! I told you, stop killing innocent people especially kids!" "Humans are food! Once you let her alive, she would reveal our existence. It will bring us in risk!" buwelta ng isa. "It's your fault! You don't deserve to be part of the organization! Go away! I won't tolerate you to kill innocent again! Go, or I will kill you!" Bigla namang naglaho ang lapastangang lalaki. Napanatag ang loob ni Natalya nang umalis na ang masamang lalaki. Umupo sa kanyang tabi ang butihing lalaki. "I apologize. Hindi ko hahayaang umabuso sa karahasan ang mga kauri ko," mahinahong wika ng lalaki. "A-ano po ba kayo? H-hindi kayo mga tao," aniya. "Tama ka, hindi kami mga tao. Mga imortal kami, mga bam-" Naudlot ang pagsasalita ng lalaki nang maalarma ito dahil sa ingay na likha ng mga tao. Nag-aapura itong inalis ang tali sa leeg niya at may kung anong matulis na bagay na itinutok sa kanyang balat. Naramdaman niya ang mainit na likidong dumantay sa kanyang mga ugat. Kasunod niyon ay unti-unting namanhid ang kanyang katawan. "Patutulugin kita para mabilis kang maka-recover. Aalis na ako. Parating na ang mga taong naghahanap sa 'yo," sabi nito, pagkatapos ay bigla itong naglaho. Kasabay sa paglaho ng lalaki ay unti-unti na ring naglalaho ang kamalayan niya hanggang sa tuluyan siyang makalimot...              

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.1K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.9K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.0K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.7K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook