Chapter 1

2619 Words
KALAKIP ng ngiti ay pagluha. Hinayaan ni Natalya ang pagdaloy ng kanyang mga luha nang mag-isa na lamang siya sa kuwarto niya. Sa dami ng mga bumati sa kanya ay hindi kasama roon ang taong inaasahan niyang babati sa kanya. Katatapos lang ng graduation niya sa tanyag na unibersidad sa San Fransisco California. Nagtapos din ang pagpapadalubhasa niya sa Forensic Science. After niyang nagtapos ng BS Criminology and justice study sa Pilipinas ay tumuloy na siya sa San Fransisco kahit walang basbas ng kanyang ama. Pinatos niya ang offer ng ninong Oscar niya na ito ang magpapaaral sa kanya. Nag-migrate na sa San Fransisco ang buong pamilya ng ninong niya. Since she was graduated from high school, she continued studying and pursuing her ambitions to serve her fellow Filipinos and give justice to all victims of a crime. Good thing, maaga siyang nakapag-aral. Fourteen years old siyang nagtapos ng high school. At the age of eighteen ay nakapagtapos na siya ng college at pinalad na nakapasa sa board. Ngayon ay twenty-four years old na siya. Katatapos lang niyang nakausap sa cellphone ang mama niya at binati siya. Ang ikinalulungkot niya ay ang hindi pa rin pagpaparamdam sa kanya ng kanyang ama. Ang sabi ng mama niya ay sa Cebu na raw naglalagi ang papa niya at may malaking housing project ito roon. Civil Engineer ang papa niya at regular na nagtatrabaho sa malaking Real Estate Developer na may sangay sa iba’t-ibang lugar sa bansa. “Welcome home, anak!” bungad sa kanya ng kanyang ina pagpasok niya sa bahay nila sa Costa Rica subdivision sa Pasig City. Sabik na niyakap niya ang kanyang ina. Napaluha siya. Sa loob ng limang taon ay isang beses lang sila nagkita ng kanyang ina. Pumayat ito at obvious na nadagdagan ang edad. Nagtatrabaho sa ospital ang Mama niya bilang midwife. Nag-iisang anak siya kaya nakukuha niya lahat ng luho. Mabuti na lang ay nakatira na sa bahay nila ang ulilang pinsan niya na si Josephine. Pinapaaral ito ng mama niya. Second year college na ito ngayon. Pinagsaluhan nila ang pagkaing inihanda ng kanyang ina kasama ang pinsan niya. Over lunch ay napag-usapan nila ang tungkol sa papa niya. And she was shocked after knowing that her father was missing. “What do you mean he’s missing, Ma?” hindi makapaniwalang kompirma niya sa ina. Nagpupunas ng luha ang kanyang ina. “Last week lang nakatanggap ako ng tawag mula sa kumpanya nila. Dalawang linggo na raw hindi nagre-report sa office ang papa mo. Hindi rin ma-contact ang numero niya,” humihikbing kuwento nito. “Bakit ngayon n’yo lang sinabi sa akin?” Naninikip ang dibdib niya. “Kasi ayaw kong mag-alala ka baka ma-distract ka sa pagre-review mo para sa exam,” ani Flora. Bumagsak ang balikat niya. SA loob ng dalawang linggong pananatili ni Natalya sa Maynila ay inasikaso niya ang kanyang papeles. Tinawagan na siya ng main office ng Forensic laboratory para mag-report since nasa San Fransisco pa lang siya ay naipasok na siya roon ng dating instruction niya sa forensic chemistry subject ng BS Criminology. Nag-report siya ngunit kaagad siyang nagpaalam na gusto niyang magpadistino sa Talisay Cebu. Nalungkot ang Director ng naturang ahensiya sa desisyon niya ngunit nirespeto nito ang kanyang pasya. “Dr. Alveda?” pukaw ng boses lalaki kay Natalya. Ilang minuto rin siyang tulala na nakaupo sa bench sa lobby ng SOCO or Scene of a Crime Operative Office. Kaagad siyang tumayo at hinarap ang lalaking nakasuot ng itim na polo-shirt, a common uniform of SOCO personnel. “Yes,” nakangiting sagot niya. “Proceed na raw po kayo sa forensic laboratory,” sabi naman ng lalaki. “This way po,” anito saka siya iginiya patungo sa lokasyon nila. Nai-indorsiyo na siya ni Director General Romana sa opisyales ng Talisay Cebu Police station, NBI at SOCO. He gave her a chance to choose her job. Wala namang kaso sa kanya. She’s willing to work as a crime scene investigator or a forensic chemist. Pero mas gusto talaga niyang magtrabaho sa laboratory or sa field with SOCO team. “Welcome to Cebu, Dr. Alveda!” bungad sa kanya ni Gen. Carlos Soliman, ang kasalukuyang Director ng NBI. Tapos na rin ang mainit na pagbati sa kanya ng opisyales ng SOCO at PNP. Natutuwa siya dahil hindi na siya mahihirapang mag-adjust. Ganoon lang ang advantages kapag graduate sa kilalang university sa US. Siya ang hinahabol ng trabaho. “Thank you, sir!” masiglang tugon naman niya pagkatapos makipagdaupang-palad sa director. Sa huli ay tumambay siya sa police station. Naroon ang mga gamit niya. Sa PNP ay kilala siyang si Inspector Alveda. Actually, bago siya tumulak papuntang San Fransisco ay nakapagtrabaho siya sa PNP ng anim na buwan sa Maynila. May isang oras na siyang tumatambay sa lobby nang dumating ang magandang police woman. Malayo pa lang ay malapad na ang ngiti nito. “Hi, Insp. Alveda! Ako nga pala si PO3. Melody Jacinto. Ikinagagalak kong makatrabaho ka, ma’am,” magalang na bungad sa kanya ng police woman na tantiya niya’y kasing gulang lamang niya. Tumayo naman siya at dinaup ang kanang kamay nito. Malapad siyang ngumiti. “Thank you,” aniya. “Naghahanap ka raw ng apartment na matutuluyan,” sabi nito pagkuwan. “Uh, yes. May alam ka ba?” aniya. “Kung okay lang sana ‘yo na maki-share sa tinutuluyan kong apartment. Nag-iisa lang ako roon. Walking distance lang mula rito sa istasyon,” sabi nito. Nagalak siya. Panatag ang loob niya kay Melody. Feeling niya ay matagal na niya itong kilala. “Thank you! Sige, okay lang sa akin,” aniya. “Kung ganun, tara na! Tapos na rin ang duty ko.” “Okay.” Tinulungan na siya nito sa pagbitbit ng kanyang maleta. MALUWAG ang apartment na tinutuluyan ni Melody, studio type at mayroong dalawang kuwarto. Curious siya bakit umuupa pa si Melody. “Malayo ba rito ang bahay mo?” tanong niya sa babae pagpasok nila sa kuwarto. “Uhm, actually ay hindi ako taga-rito,” tugon nito. Inilapag nito sa sahig ang maliit niyang maleta. “Oh? So meaning, hindi ka rin taga-rito sa Cebu?” manghang untag niya. “Hindi. Actually, taga-Maynila rin ako.” “Talaga? Saan sa Maynila?” “Sa Caloocan.” “Taga-Pasig naman ako. Kaya pala tagalog talaga ang punto mo,” aniya. “Oo nga. May isang taon pa lang naman ako rito. Narito kasi ang uncle kong pulis at siya ang nagpasok sa akin dito. Ikaw, bakit lumipat ka rito, e mas maganda ang opportunity mo sa Maynila?” Bahagyang dumilim ang anyo niya nang maalala ang kanyang ama, na siyang pakay niya kaya siya naroon sa Cebu. “One of my reasons is my father. Nandito kasi siya,” malamig ang tinig na tugon niya. “Pulis din ba?” tanong ni Melody. “Hindi. Engineer siya. Medyo hindi kami okay.” Nabasag ang tinig niya. “Oh, I feel you. Hindi rin ba gusto ng Papa mo ang pagpupulis o ang propesyong napili mo?” usisa ni Melody. Tumango siya. “Magmula noong pinili kong mag-aral ng criminology ay hindi na niya ako kinakausap. Kaya ako nandito ay para ayusin ang hindi namin pagkakaunawaan.” “Pareho pala tayo, pero ako naman ay natanggap na ng tatay ko ang trabaho ko nitong nagdaang buwan lang din.” “Mabuti ka pa,” aniya. Curious tuloy siya bakit mas pinili ni Melody ang pagpupulis samantalang puwede itong maging stewardess. “Bakit ka nga ba nagpulis, Melody?” pagkuwa’y tanong niya kay Melody. Biglang natawa ang babae. Natatawang tinitigan niya ito. “Huwag na baka pagtawanan mo ako kapag sinabi ko ang dahilan,” anito. “Hindi, ah.” “Ano kasi… meron akong crush noong high school. Noong mag-graduate kami ay nabalitaan ko na pumasok na siya sa PNPA sa Baguio. Sa kagustuhan kong makasama siya ay nag-take rin ako ng exam sa PNPA kaso bumagsak ako. Kaya sa University na lang ako nag-aral ng BS Criminology,” natatawang kuwento ni Melody. Matipid siyang tumawa. Unang encounter pa lamang nila ni Melody ay ramdam na niya na makakasundo niya ito. Siguro dahil magkasing gulang sila. Aminado siya na maganda rin si Melody at masasabi rin niya na hindi ito bagay maging pulis. Mas gusto niya itong nakikitang suot ang puting uniporme ng nurse or flight attendant. Pagkuwan ay tinulungan siya ni Melody na ayusin ang mga gamit niya. Dalawang maleta ang dala niya. Namangha si Melody nang malamang hindi lang siya basta pulis. Ramdam niya ang pagkailang nito pero pilit niyang pinapababa ang sarili. Ayaw niyang tinatawag siyang doktor. Okay na ang inspector, mas cool.   UNANG linggo ng duty ni Natalya ay sumasama siya sa SOCO team upang suminop ng ebidensiya sa crime scene.  She doesn’t need training because she had passed her one-year training in San Fransisco. Sumabak na kaagad siya sa trabaho sa laboratory. Inabot siya ng gabi sa laboratory dahil sa tambak na specimen na kailangan ng urgent examination. Mabuti na lang at kasabay niyang nag-overtime si Dr. Paul Romero. Binata pa ito at matanda ng limang taon sa kanya. Sabay silang naghapunan sa food center ng istasyon. Habang kumakain ay nanonood sila ng balita sa telebisyong nakadikit sa dingding. “Isa na namang mesteryosong pagpatay sa hindi pa nakikilalang biktima na lalaki sa bayan ng Talisay Cebu. Ayon sa teyorya ng mga pulis, hindi lamang basta pinatay ang biktima. Nakitaan ito ng tila bakas ng pangil sa leeg at napagalamang natuyuan na ng dugo ang katawan ng biktima na sanhi ng kamatayan nito,” report ng lalaking reporter. Tumigil sa pagsubo si Natalya. Nang makita niya ang caption sa katawan ng biktima ay awtomatikong nanumbalik sa isip niya ang nakakakilabot niyang karanasan noong bata siya, noong kamuntik na siyang mapahamak sa kamay ng halimaw na lalaki. Simula noon ay iginiit niya na totoo ang mga bampira. Isa sa dahilan niya bakit siya nag-aral ng forensic science ay para imbestigahan ang mga naging biktima ng mga halimaw at nang mapatunayan niya na hindi siya nagkakamaling may bampirang nag-e-exist sa mundo. “Grabe, sunud-sunod na ang pagpatay. Ang hirap pa ring hulaan kung ano ba talaga ang pumapatay,” iiling-iling na sabi ni Paul. “Hindi iyon basta gawa ng ordinaryong tao,” komento niya. “What do you mean?” kunot-noong tanong ni Paul. Itinuloy niya ang pagsubo ng pagkain. Tumibay ang stamina niya since ilang beses na siyang sumabak sa actual autopsy bilang parte ng training nila. Nakakaya na niyang kumain kahit naliligiran siya ng mga specimen mula sa tao. “I mean, the killer was not in normal mind,” sabi lang niya. Tatangu-tango lang si Paul. Pagkatapos ng hapunan ay sumama si Natalya sa crime scene. Magong krimen na naman ang naganap at natagpuan nila ang biktima sa isang under construction building. Babae ang biktima, wala itong saplot sa katawan nang maabutan ng team niya. Nang kapain niya ang leeg ng biktima ay mainit pa ito ay may sariwang dugo pang lumalabas mula sa dalawang butas sa kaliwang leeg nito. Nagsuot siya ng gloves at kumuha ng sample ng dugo sa biktima na siyang kanyang pag-aaralan. Kailangan ding ma-autopsy ang biktima. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Sariwa pa ang krimen. May kutob siya na nasa paligid pa ang suspect. Pagtingin niya sa malaking poste sa ‘di kalayuan ay nahagip ng paningin niya ang lalaking kumukubli roon na halos itim lahat ng kasuotan. Nang kumilos ito ay iniwan niya ang specimen sa kasama at walang takot na sinugod ang lalaki. Ngunit pagdating niya sa naturang poste na kinukublian nito ay wala na ito roon. Nasipat niya itong pumasok sa isang silid na wala pang pinto. Paakyat iyon sa second floor. Patakbong sinundan niya ito. Mabuti na lang may bitbit siyang posas at kalibreng kuwarenta’y singko na kanyang service fire arms. Umakyat siya sa hagdan habang inihahanda ang kanyang baril. Pagdating niya sa second floor ay maraming kuwarto na walang pinto. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kuwarto. Pagdating sa huling kuwarto ay natigilan siya nang pakiramdam niya’y may tao sa likuran niya. Nagbilang siya ng tatlo sabay pihit paharap sa kanyang likuran at itinutok ang baril sa kanyang harapan. Pumitlag siya nang mamataan sa kanyang harapan ang lalaking nakasuot ng itim na amerikana. Matangkad ito, maputi, medyo maputla pero hindi niya maikakailang guwapo at matikas. Nakahabi palikod ang lahat ng hibla ng may isang dangkal na haba nitong buhok na abuhin. She can’t actually explain his appearance, he looks mixed foreign blood or something far from Asian. He has a dominating aura, serious. His eyes were deep looking with dark brown eyeballs and a thin pointed nose. His lips were naturally red and heart shape and more attractive with his little cleft chin. Kumurap-kurap siya. Habang tumatagal na nakatitig siya sa mukha ng lalaki ay napapamilyar siya rito. “Why are you following me?” he asked her in a baritone voice. She swallowed hard and put her finger on the trigger, insisting that this guy was a suspect. Kasi naman, anong ginagawa nito roon sa crime scene? At bakit ito nagtatago? “You killed a woman, don’t you?” akusa niya rito. He caustically smiled. “Do you have evidence?” he said. “Nothing for now. Follow me or I will shoot you,” banta niya rito. “You’re accusing me, lady.” “Because you acted suspiciously! Put your hands up, asshole!” asik niya rito. “Shoot me,” hamon nito. Nagulat siya sa nakita niyang pagbabago ng kulay ng mga mata nito at nakalabit niya ang gatilyo ng baril. Ang kataka-taka ay walang lumabas na bata sa baril. Tiniyak naman niyang may bala iyon. Inulit niyang kinalabit ang gatilyo. Wala pa rin. Nang ayaw pa ring pumutok ng baril ay sinipa niya sa sikmura ang lalaki. Umatras lang ito pero hindi nasira ang tindig. Sinugod niya ito ng magkasunod na suntok ngunit nailagan pa rin nito. Sumupa siya ulit pero hindi niya ito tinamaan. Atras lang ito nang atras hanggang dumikit ang likod nito sa sementadong dingding. Itinulak niya ng kanang paa niya ang puson nito. Hinuli naman nito ang paa niya saka siya hinatak palapit dito. Nawalan siya ng balanse at sumubsod siya sa matigas nitong dibdib. Nanuot sa ilong niya ang matapang nitong perfume at ang natural manly scent nito na tila hinigop lahat ng lakas niya. Pumiglas siya ngunit ginapos siya nito at siya naman ang idinikit nito sa dingding. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito at idiniin ng tuhod nito ang mga hita niya kaya lalong hindi siya nakagalaw. Itinulak niya ito sa dibdib at pilit iniiwas ang mukha sa papalapit nitong mukha. “You smell delicious. I’m hungry but I want to save you for my dessert tonight,” he said in a husky voice. Bigla siyang kinilabutan. Tumitig siya sa mga mata nito. Ang kayumanggi nitong mga mata ay naging kulay dugo. Awtomatikong naalala niya ang halimaw na dumakip sa kanya noon. “Y-You-” nautal siya. “Am I look familiar? You too?” he cut her off. Hindi niya maintindihan bakit hirap siyang igalaw alinmang parte ng kanyang katawan. Tiba ba siyang nahipnotismo. Naramdaman niya ang paglandas ng kamay ng lalaki sa leeg niya-pababa sa puno ng kanyang dibdib. Bumaba rin ang mukha nito sa kanyang leeg. Kumislot siya nang pasadahan ng mainit nitong dila ang leeg niya paakyat sa kanyang baba. Binalot ng nakakapasong init ang kanyang kaibuturan. At nang sakupin ng bibig nito ang kanyang mga labi ay mabilis na dumantay ang init sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat at laman. It was her first kiss, unfortunately an unexpected kiss from a stranger! Nahimasmasan siya nang maramdaman niyang kumikilos ang mga labi ng lalaki at tinutumbok ng panlasa nito ang kanyang dila. Nangilabot siya sa kabila ng nakakaliyong init na bumabalot sa pagkatao niya. “Inspector!” sigaw ng kasama niya. Awtomatikong lumaya siya mula sa halik ng estrangherong lalaki. Demestansiya ito sa kanya ngunit hindi siya inalisan ng tingin. “Accuse me soon if you have enough evidence,” sabi nito. “I like the taste of your mouth, anyway,” anito at bigla na lamang naglaho. Kumurap-kurap siya. Pagkuwan ay hinanap niya sa paligid ang lalaki. Hindi na niya ito makita. Natunton na siya roon ng mga kasama niya. Bumalik na lamang siya sa ground floor.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD