Chapter 2

3343 Words
PAGDATING ni Natalya sa apartment ay saka lamang niya naramdaman ang matinding pagod. Nagpahinga lamang siya sandali pagkatapos ay pumasok siya sa banyo at nag-hot bath. Mabuti na lang maligamgam ang tubig. Habang kinukuskos niya ng sabon ang kanyang katawan ay bigla namang dumapo sa isip niya ang imahe ng estrangherong lalaki na naengkuwentro niya sa crime scene. Nang magbabanlaw na siya ay saka naman namatay ang ilaw. Nangangapang hinagilap niya ang pihitan ng shower. Nagulat pa siya nang biglang tumagistis ang tubig at binasa pati ulo niya. Agad din naman niyang isinara ang shower. Narinig niyang bumukas ang pinto. Umahon ang hindi maipaliwanag na kaba mula sa kanyang puso. Kinikilabutan siya. Imposible namang mabubuksan ng hangin lang ang pinto. Kung may hangin man, sana ay naramdaman niya ito. “Melody?” tawag niya sa isiping si Melody lamang iyon. Patuloy sa pangangapa ang kamay niya. Nadampot niya ang tuwalya na nakasabit sa dingding saka ito ipinulupot sa hubad niyang katawan. Wala naman siyang nararamdamang ingay ngunit kinikilabutan siya. Inihanda niya ang kanyang sarili sakaling may sumugod sa kanya na kung ano. Nang mangapa na naman ang kamay niya ay natigilan siya nang makapa niya ang medyo mainit at may bahaging may kalambutang bagay na gumagalaw. It’s obviously a human body, a guy, she guessed. Animo’y napaso at dagli niyang binawi ang kamay. Napaatras siya hanggang sa madikit ang likod niya sa matigas na dingding. “S-sino ka?” matapang na tanong niya sa kabila ng pagkautal. Wala siyang narinig na tinig. Mamaya’y may kamay na sumampa sa balikat niya, a strong hands with heavy force. Pumiksi siya. Sigurado siya na lalaki ito dahil sa bigat at tigas ng kamay nito. Naglakas-loob siyang sipain ito sa harapan at hindi na niya alam kung saan niya ito patatamaan. Narinig niya itong dumaing at pakiwari niya’y tumalsik ito. Kahit walang makita ay nangangapang lumabas siya ng banyo. Nagtataka siya bakit may ilaw naman sa kabilang kuwarto dahil sa liwanag na lumulusot sa siwang ng pinto. Hinagilap niya kaagad ang kanyang service firearm na nasa ilalim ng kanyang kama. Hindi niya nakapa ang baril niya bagkus ay posas ang nahagip niya. Hindi na niya pinag-isipan kung ano ang gagawin niya. Nang maaninag niya ang bulto ng lalaki na papalapit sa kanya ay inihanda na niya ang kanyang sarili. Hinintay niyang hawakan siya nito saan mang parte ng katawan niya. Nang hinapit nito ang kanang braso niya ay dagli naman niyang ikinawit ang posas sa kanang kamay nito na siyang nakahawak sa braso niya. Upang makasigurong hindi ito makawala ay ipinusas din niya ang kabila ng posas sa kaliwang kamay niya. Obvious na nagulat ang lalaki. Nawalan ito ng panimbang. Napayakap ito sa kanya at nadala siya sa pagbagsak sa nakaabang na kama. Kasabay sa pagbagsak nila sa kama ay siya rin ang panunumbalik ng ilaw. Nagulat siya nang masilayan niya ang mukha ng lalaki na kakaangat mula sa pagkasubsob sa dibdib niya. “I-ikaw?!” bulalas niya. Hindi siya nagkakamali. Ang lalaking ito ang nakita niya kanina sa crime scene. Ganoon na lamang ang agarang pag-init ng mukha niya nang mamalayan ang posisyon nila. Damang-dama niya ang buong bigat nito na nakadagan sa kanya. Nagulat siya nang ipagsalikop nito ang mga kamay nila na siyang pinag-isa ng posas. “Mukhang nagkakamali ka ng pagposas sa akin,” anas nito na halos wala nang pagitan ang mukha nito sa mukha niya. Pakiramdam niya’y may bumara sa dibdib niya at hindi niya magawang palayain ang buntong-hininga. Hindi niya maintindihan kung paanong nakapasok ang lalaking ito sa kuwarto niya. Tiniyak naman niyang nai-lock niya ang pinto pagpasok niya. At bakit ito naroon? Sinundan ba siya nito? “Bakit mo ako sinusundan? Gusto mo rin ba akong patayin katulad sa ginawa mo sa babae kanina?” akusa niya rito. Tumalas ang titig sa kanya ng lalaki. “Paano mo nasabing ako ang pumatay sa babaeng iyon? May ebidensiya ka ba?” anito. “Puwes, anong ginagawa mo sa mismong crime scene?” “Do you want to know?” “Of course, it’s part of my job.” Halos nagbubulungan lang silang dalawa. “Naghahanap lang ako ng makakain, pero hindi ako ang pumatay sa babaeng iyon,” anito. Her forehead wrinkled but she can’t hide her amusement. This guy was really weird. “Ano ka, bampira?” Ngunit bigla rin siyang natigilan matapos sambitin ang salitang ‘bampira’. Mariing tumitig siya sa mga mata ng lalaki. May kung anong damdaming umahon sa kanyang dibdib. It felt strange feeling, though. Ang pananahimik ng lalaki ay hudyat upang lamunin siya ng kaba. Ibinaba niya ang tingin sa gawi ng bibig nito. Nanlaki ang mga mata niya nang masaksihan ang pagbabago ng anyo nito. Namumutla ang balat ng lalaki habang unti-unting sumisilip mula sa bibig nito ang matutulis na pangil nito. God! She’s right, he’s a monster! Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan. Parang nahipnotismo at hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. “Take this handcuff off me or I will go with you. It’s fine if you can allow me to stay with you here in your bed until morning while I’m on top of you, like this. What do you think, huh? Or should I bite you or eat you?” he caustically said. May ilang sandali siyang walang kibo habang naglo-loading pa sa utak niya ang mga sinabi ng lalaki. Nawiwindang pa rin siya sa kanyang nakikita. Pakiramdam niya’y kumapal ng ilang layer ang mukha niya. But despite her confusion, she couldn’t ignore his drop-dead handsome face. In fairness, his breath smells addicting and delicious. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang linisin ang hindi kanais-nais na iniisip niya. Hindi dapat siya nahuhumaling sa lapastangang lalaking ito. Banta ito sa buhay niya kaya hindi siya maaring magpapalinlang sa maganda nitong mukha. “Legit ka ba talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. The man evilly laughed. “That was a stupid question I’ve ever heard. You’re not obviously scared and I feel how brave you are. I’m amazed. Ikaw lang ang taong hindi nasisindak sa anyo ko. Or maybe because you are attracted to my beautiful face, am I right?” Nagtagis ang bagang niya. She has to be defensive and as much as possible, to be heartless. “You can’t scare me, asshole. And I’m not attracted to your ugly face! You’re a monster!” asik niya sabay piglas ngunit nahihirapan siyang mapatalsik ito. Triple ang lakas nito kumpara sa ordinaryong tao. May isa pa siyang problema. Hindi niya alam kung saan niya nailagay ang susi ng posas. Hindi siya makapag-isip nang maayos. Natotolero siya. Pilit niyang ikinukubli ang kanyang pagkabalisa baka mag-take advantage ang lalaking ito. “I won’t believe you. I know I’m not ugly even I turned into a monster. You like my kiss, don’t you?” pilyong wika nito na lalong nagpainit sa ulo niya. Gayumpaman ay nanatili siyang matigas. “The kiss was an accident, I guess. At bakit ba mas marunong ka pa sa akin? Hindi ako na-attract sa katulad mong halimaw!” giit niya. Mamaya’y nanumbalik sa normal ang mukha ng lalaki. Guwapo na itong muli. Nagpumiglas siya ngunit tila sinasadya nitong ipasan sa kanya ang buong bigat nito. Itinutulak niya ito sa dibdib. In fairness, ang tigas ang dibdib nito. “You know, you’re the only woman who didn’t scream after seeing my face. Tell me why. Do you have an idea about vampires?” seryosong usig nito sa kanya. “Hindi lang naman ito ang unang beses na nakakita ako ng katulad mo,” aniya. Hindi niya namalayan na kaswal na muli ang nararamdaman niya. Wala na ang kaba niya kanina. Hindi na rin siya kinikilabutan. “I met someone like you before, when I was a kid.” Biglang tumahimik ang lalaki. Tila may kung ano itong iniisip na malalim. Napasinghap siya nang ibaba nito ang mukha sa gawi ng dibdib niya. Awtomatikong nabuhay ang init mula sa kanyang kaibuturan. Nagulat siya nang kagatin nito ang tuwalya niya na tanging saplot ng kanyang katawan. Umangat ito kasabay sa paghila nito sa tuwalya niya gamit ang mga ngipin nito. Nahantad ang kahubaran niya. Nataranta siya. “s**t! How dare you!” asik niya. Tinangka niyang bumangon ngunit itinulak siya nito pahigang muli. Ikinulong nito ang katawan niya sa mga hita nito. Lumuklok ito sa puson niya. Ginapos na rin nito maging ang isang kamay niya. “Ganito ang ginagawa ko sa mga babaeng gusto kong patayin at sipsipin ang dugo. Pero hindi ko sila hinahalikan o ginagahasa. Una, hindi ako interesado sa s*x, dahil sawa na ako roon. Wala namang babaeng kusang loob na nakikipagtalik sa akin dahil natatakot sila. Pero ikaw, hindi ako natatakam na kainin ka, natutuwa lang ako sa tapang mo,” seryosong pahayag nito. Napalunok siya. Inalipin na naman siya ng kaba. “Ano’ng gagawin mo sa akin? Babalatan mo ba ako ng buhay bago unti-unting lalapain?” aniya. Pilyong ngumiti ang hudyo. “Sayang naman kung babalatan kita.” Iniyuko nito ang mukha sa kanyang mukha at banayad na hinaplos ang makinis niyang pisngi. “You’re beautiful, don’t you know it? I’m just curious why you chose to serve and protect humans against the criminals?” anito pagkuwan. “Gusto kong makadakip ng katulad mo na walang awang pumapatay ng mga inosenteng tao,” matapang na tugon niya. “Hindi lahat ng katulad ko ay masama. Marami na ring pinatay ang mga kabaro mo na inosenteng kalahi ko. Pareho lang tayo na may ipinaglalaban. Hindi por que mga halimaw kami ay masama na,” anito. Tumawa siya ng pagak. “Imposible na may katulad mo na hindi pumapatay ng tao. Paano kayo nabubuhay? Dapat sa inyo ay tinutugis hanggang sa maubos!” Hindi nasindak ang lalaki, sa halip ay nilanghap nito ang hininga niya. “Your breath smells delicious. I want to eat your mouth, darling,” simpatikong sabi nito. Nag-init siya sa sinabi nito. Pumiksi siya nang higpitan nito ang pagkakagapos sa kanang kamay niya. Lalo lamang lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Hindi siya nakapalag nang ipitin ng mga labi nito ang ibabang labi niya. Pagkuwa’y kumilos ang labi nito at tuluyang lumasap sa kanya. Instantly, her body releases a voltage of heat and ran throughout her vein and urgently aroused her. That easy, just a simple kiss. Hindi siya makapaniwala na ganoon siya kadaling matukso. “Magsisisi ka kapag pinatay mo ako,” anito nang sandali nitong iwan ang labi niya. Napabuntong-hininga siya. “Magsisisi ka rin kapag pinatay mo ako,” ulit niya sa sinabi nito, opposite. “Bakit ako magsisisi?” usig nito, with his left eyebrow shook upward. “Wala ka nang makikilalang babae na papayag makipaghalikan sa katulad mo,” gigil na sabi niya. Ngumisi ito. “You admit it, finally! You will regret not accepting my kiss, lady, or ignoring my body.” Tumikwas ang isang kilay niya. “Honestly, you’re not a good kisser. Hindi ka masarap humalik, boring, walang dating sa akin. Hindi nga ako nag-init, eh,” aniya. Mariing nagtagis ang mga bagang ng lalaki. “You must die!” asik nito pero kaagad ding kumalma. “Ano nga pala ang pangalan mo, Inspector?” pagkuwa’y tanong nito. “Papatayin mo rin lang naman ako bakit ko pa sasabihin ang pangalan ko? Hindi lang matatahimik ang kaluluwa ko kapag nagkataon,” aniya. “How do you sure I’m going to kill you?” “Kaya mo ako sinundan dahil gusto mo akong patayin, hindi ba? Para wala nang mag-iimbestiga sa iyo.” “Hindi ako basta-basta pumapatay. Mukhang tama ka, magsisisi ako kapag pinatay kita.” Nagpumiglas siya. Iniaangat niya ang mga paa niya ngunit dumulas naman ang pang-upo nito sa kanyang mga hita, pinaghiwalay nito ang mga iyon. Pagkuwa’y iginiit nito ang ibabang bahagi ng katawan sa pagitan ng kanyang mga hita. “Aalisin mo ang posas o gusto mo talagang ibigay sa akin ang virginity mo?” hamon nito pagkuwan. Kinilabutan siya sa sinabi nito. Ito pa lamang ang bukod-tanging lalaki na nakakita ng hubad niyang katawan, at lalong nakakadama niyon. Uminit ang mukha niya nang mapansin itong nakatitig sa nakahaing p********e niya. Kumabog ang dibdib niya. Kung hindi niya aalisin ang posas ay siguradong aangkinin siya nito. Ang kaso, wala ang susi. Hindi niya maalala kung saan niya iyon nailagay o kung nasa kanya ba talaga. Wala siyang pagkakataong mag-isip dahil nadi-distract siya. Napansin niya ang paninigas ng panga ng lalaki habang hinahagod ng tinign ang kahubaran niya. “You’re f*****g hot, lady. Mukhang masarap ka,” puno ng pagnanasang sabi nito. Magkahalong kilabot at init ang umaalipin sa kanya. Pinagpapawisan siya ng malamig. “Paano ko makukuha ang susi kung dinadaganan mo ako?” aniya. Naging masunurin naman ang lalaki. Umangat ito at hinayaan siyang makabangon. Pagkuwa’y hinagilap niya sa bag ang susi habang nakabuntot pa rin sa kanya ang lalaki. Nang mapansin niya ang baril sa tabi ng kanyang bag ay naisip niyang damputin ito ngunit hahawakan pa lamang niya ito ay naunahan na siya ng lalaki. Nasa kamay na nito ang baril niya. “Tuso ka, ah. Alam ko ang kilos mo. Talaga bang papatayin mo ako?” anito habang nakatutok sa batok niya ang dulo ng baril niya. “H-hindi. Itatabi ko lang sana iyan,” dahilan niya sa nangangatal na tinig. “Palusot ka pa. Alam ko ang takbo ng isip mo. Alam ko rin na wala kang susi rito sa posas. Huwag ako ang lukuhin mo, I can read your mind, lady,” anito. Natigilan siya. Paano nito alam? May supernatural power ba ito? Wala na siyang kawala. Hindi na lamang siya kumibo. Pagkuwan ay nagpatuloy siya sa paghahanap ng susi. “Huwag ka ring sisigaw,” sabi nito. Naunahan na naman siya nito. Binalak pa lamang niyang sumigaw upang makahingi ng tulong pero huli na. Pagkuwa’y pinihit siya nito paharap dito. Inalis nito ang bala sa kuwarenta y singkong kalibre saka iyon itinapon sa kama. “Sinadya mong iposas ang kamay nating dalawa upang hindi ako makawala at maabutan ako ng umaga. Okay naman ang plano mo, kaso hindi mo inisip kung ano ang puwede kong gawin. Gustung-gusto kitang patayin kaso may pumipigil sa akin. Hindi ako papayag na masikatan ng araw na kasama ka. Alam ko ipapahuli mo ako sa mga pulis. Hindi kita papatayin kung maipapangako mo sa akin na hindi ka gagawa ng hakbang na ikagagalit ko,” anito. “Hindi ko alam kung nasaan ang susi, at hindi kita ipapahuli sa mga pulis. Wala pa naman akong ebidensiya na kriminal ka nga. Pero sa akin, may kaso ka na. Pinagtangkaan mo akong patayin at halayin,” walang abog na sabi niya. Tumawa ng pagak ang lalaki. “Fine. You’re right. Para wala tayong problema, sumama ka sa akin,” anito. “Ano? Tapos ano? Kakatayin n’yo ako at gagawing hapunan?” “Huwag mo muna akong huhusgahan. Mas ligtas tayo pareho kung sasama ka sa akin kaysa ako ang abutan ng umaga rito sa bahay mo. Masyadong matibay itong posas mo at hindi ko kayang sirain. May kasama ako na kayang buksan ang ganitong bagay.” May pakiramdam siya na nagkukunwari lang ang lalaki. Malalakas ang mga bampira. Makakaya nitong sirain ang matibay na bakal kung gugustuhin nito. Maaring may iba itong plano. “Puwede naman nating barilin para masira,” suhesyon niya. “Maglilikha pa tayo ng ingay at maeeskandalo. Wala namang silencer itong baril mo.” Nag-isip siya ng paraan. Hindi siya papayag na sumama na lang basta sa lalaking ito. Baka hindi na siya makakauwi ng buhay pagnagkataon. Dinampot niya ang gunting at sinubukang buksan ang posas ngunit hindi umobra. ALAS-KUWATRO na ng madaling araw pero hindi pa rin sila naghiwalay ng lalaki. Ilang oras na ring nakahantad sa mga mata nito ang hubad na katawan ni Natalya. Humiga na sa kama ang lalaki at siya naman ay nakaupo sa tabi nito. Binalot lamang niya ng kumot ang kanyang katawan. Nakakapikit na siya at gusto na rin niyang humiga. Kumislot siya nang biglang tumunog ang cell phone niya na nasa bag niya. Bumalikwas din ng upo ang lalaki. Dinampot niya ang bag saka nagmamadaling hinagilap ang cell phone niya. Nang makuha’y agad niyang nabasa ang pangalan ng tumatawag. Si Harold ang tumatawag—ang Chemist na sumuri sa ipinasa niyang ilang hibla ng buhok na nakuha nila sa babaeng namatay kagabi. Hindi siya makapagpasya kung dapat ba niya iyong sagutin. Nakamasid kasi sa kanya ang lalaki at pakiwari niya’y binabasa nito kung ano ang iniisip niya. “Bakit hindi mo sagutin?” tanong pa nito. Pagkuwa’y sinagot niya si Harold. “Harold, pasensiya na baka puwedeng mamaya na lang tao mag-usap pagpasok ko,” aniya. “Okay. Sorry kung naabala kita,” tugon naman ni Harold. “Okay lang. Sige, bye.” Pagkuwa’y pinutol na niya ang linya. Namayani ang katahimikan. Pilit niyang inaalala kung nasaan ang susi ng posas. Saka naman niya naisip na ang posas na iyon ay hiniram niya kay Melody. Malamang hawak ni Melody ang susi. Malamang sa mga oras na iyon ay nasa bahay na si Melody at natutulog. Ganoon ang routine nila, pagdating sa bahay ay tulog kaagad. Talimang nagtipa siya sa cell phone niya para tawagan si Melody. May ilang minuto pa bago sumagot si Melody na naabala pa niya sa pagtulog. “Pasensiya na sa abala. Puwede mo bang dalhin dito sa kuwarto ko ang susi ng posas? Emergency lang,” aniya. “S-sige, papunta na ako,” ani Melody. Mayamaya pa’y may kumatok na sa pinto. Hinila niya patayo ang lalaki at sabay silang lumapit sa pinto. Ikinubli niya sa likod ng pinto ang lalaki nang mabuksan niya ang pinto. Todo takip naman siya ng kumot sa katawan niya habang kaharap si Melody na napapapikit pa habang iniaabot sa kanya ang susi. “Hindi ka pa ba natutulog? Umaga na,” anito. “Ahm, matutulog pa lang. Salamat, ah,” anito. “Sige.” Pagkuwa’y umalis din kaagad si Melody. Dagli naman niyang isinara ang pinto. Matagumpay ang ngiti niya na hinarap ang lalaki. Ngunit ganoon din ang mabilis na pagpalis ng ngiti niya nang masilayan ang malagkit na pagkatitig sa kanya ng lalaki. “Talaga bang ayaw mong sumama sa akin?” anito sa malamig na tinig. “Una, hindi ako baliw para sumama sa iyo.” “So bakit palalayain mo ako? Hindi ba’t gusto mong makadakip ng katulad ko?” usig nito. Tumikwas ang isang kilay niya. Hindi na niya ito maintindihan. Kanina ay atat itong tumakas pero ngayon parang ayaw na nitong umalis. “Mahuhuli rin naman kita sa ibang paraan. At least alam ko na totoo ka.” “Mag-isip ka muna bago mo ako pakawalan.” “Ano naman ang dapat kong pag-isipan? Amanos na tayo. Kapag pinalaya na kita, wala ka nang hahabulin sa akin, at ako naman ay magpapatuloy sa trabaho ko. Pero once malaman ko na may kinalaman ka sa mga pagpatay, sisiguruhin kong ako mismo ang dadakip sa iyo,” matapang na buwelta niya. Nagulat siya nang bigla nitong agawin sa kamay niya ang susi. Hindi siya nakakilos nang isandal siya nito sa dingding; ikinulong siya nito sa mga bisig nito. “At akala mo basta na lang dito magtatapos ang lahat? Bibigyan kita ng dahilan para hahanap-hanapin mo ako. Name please…” marahas na sabi nito. “Baliw ka! Palalayain na nga kita ‘di ba? Natalya ang pangalan ko, at ikaw?” sabay sabi ng pangalan. “Erron… Erron Harley.” Pagkasabi nito’y walang abog na siniil nito ng halik ang mga labi niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Masyadong makapangyarihan ang halik na iyon ng lalaki at hindi niya makuhang tanggihan. Pakiramdam niya’y may ibang nagdadala sa katawan niya. Nailaglag niya ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Naramdaman niya ang pagmamadali ng lalaki na makalas ang posas sa mga kamay nila. Narinig na lamang niya iyong bumagsak sa sahig. Nang lumaya nang tuluyan ang kamay ng lalaki ay napansin niya itong naghuhubad ng damit. “Natalya? Such a lovely name,” usal nito habang tuluyang hinubaran ang sariling katawan. Namangha siya nang masilayan niya ang katawan nitong hitik sa matitigas na muscle, lalo na sa gawi ng puson nito. “Kahit sinong bampira ay magdadalawang-isip na patayin ka, kahit mapanganib ka. f**k that blood, Natalya!” anito at muli siyang siniil ng halik. Sa pagkakataong iyon ay naging mapangahas na ang kilos nito. Hindi lang labi nito ang nagtatrabaho. Nagsisimula na ring maghapuhap ang mga kamay nito sa kanyang kahubaran. Ganoon na lamang din ang pag-alipin ng nakakahibang na init sa kanyang katawan. Naliliyo siya sa init at sensasyong hatid ng marubrob na halik at init ng mga haplos nito sa kanya. Nanlumo siya. Ipinagkakanulo na siya ng kanyang katawan. She could feel her sudden arousal. Suminghap siya nang haplusin ng mainit nitong kamay ang kanyang p********e. Hindi niya napigil ang paglaya ng malalim na ungol mula sa kanyang bibig.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD