Kabanata 4

2436 Words
Kabanata 4 : Event Celestia's Point of View “Kanina ka pa namumutla!” sigaw ko kay Geordi. Sinimangutan niya ako at dumiretso sa banyo. “Tigas ng ulo. Wag ka na nga kaseng pumasok!” saway ko sa kaniya. Tatlong linggo na rin ang nagdaan at naging maayos naman ang pananatili ko dito sa Magthonous Academy maliban na lang sa mga pambu-bully na naranasan ko simula pa lang ng first day. “Kaya ko naman.” sagot niya sakin. Inirapan ko siya saka iniwan upang maghanda ng mga susuotin. Biyernes na ngayon at balak naming pumunta sa bayan sa Sabado kaya nga lang ay baka di' matuloy dahil isang linggo ng sumasakit ang ulo ni Geordi. Nang maka-ayos na ay pumunta na kami sa Academy. Napalingon ako sa field nang may maramdamang kakaiba. Sinipat ko ito pero wala naman akong nakita. Weird. “Nagugutom ako.” ngumuso si Geordi sa harap ko. Inirapan ko siya at hinigit sa cafeteria. Nakakainis! Mukha na akong nanay nito. Umorder ako ng dalawang meal at dinala ito sa kaniya sa table. “Thank you Celestia! Lab na lab mo talaga ako no?” sabi sa'kin ni Geordi sakin habang kumakain. Umarte akong nasusuka kaya tumawa siya. Nag-usap lang kami hanggang sa natapos ang pagkain. Umakyat na kami sa room namin at doon na tumambay tutal ay maaga pa naman. “Hindi ka pa rin nakakacast ng spell?” tumango ako sa tanong ni Geordi. “Weird naman. Bakit Sina Arya madaling nakagawa?” sumimangot ako at inis na inilabas ang wand. Ibinigay ko sa kaniya ito. “Peke naman ata ang ibinigay sakin ni Sir Cad!” tumawa siya sa akin at inilabas din ang kaniyang wand “Magkatulad naman 'ah?” ngumiwi ako ng ibalik niya sa akin ito. Suko na ako! Dalawang linggo na akong nagt-training para magcast ng spell pero anong nangyare? Wala di ba? “Itetesting ko mamaya ang wand mo. Baka nga peke.” saka tumawa si Geordi. Umirap ako sa kaniya at tumingin na lang sa labas ng bintana. Nahagip ng mata ko ang isang lalakeng nakatayo sa gitna ng field na nakatingin sa gawi ng building namin. Nagtaasan ang mga balahibo ko lalo na ng maaninag ko ang mukha nito. Siya ang lalakeng nakasabay ko sa elevator! “Huy! Sinong tinitingnan mo diyan?” Napabaling ang tingin ko kay Geordi. “Yung lalake.” sagot ko. Nang tingnan ko muli ang field ay kinalabutan ako ng wala na doon ang lalake! “Wala naman ah?” takang tanong ni Geordi. Pinikit ko ang mata ko at saka dumilat pero wala na talaga doon ang lalake. Hallucinations. Baka nag-hallucinate lang ako. “Ikaw ah! Natatakot na ako say—” naputol ang sinasabi ni Geordi nang napatingin ako sa labas ng room. May naramdaman akong kakaiba. Something really weird. “Andyan na sila!” kinikilig na tumili ang mga babae at agad nagsipuntahan sa kanilang upuan. Mula sa pintuan nang room ay isa-isang nagsipasukan ang grupo ni Zacchaeus. Nakakapanibago dahil imbes na tawanan ay mga simangot at seryosong mukha ang bumungad sa amin. Simangot ang mukha nina Tyrio, Beau at Sage habang serysoso naman ang iba. Tiningnan ko ang kinaroroonan ng upuan nila. Zacchaeus' eyes is intently looking at me. Our eyes met but he looked away. Di kalaunan ay pumasok na din si Sir Cad. Serysoso din siya at walang bakas ng ngiti ang mukha. Ano bang araw ngayon at parang lahat ay seryoso? Sir Cad greeted and immediately addressed us to seat. He cleared his throat and speak. “We have to prepare for the Royal Families visit on Monday.” he said that made everyone gasps. “I'll be dividing you into groups. You'll help each others in preparing the whole event together with the faculty teachers.” everyone sighed in frustration. Binanggit ni Sir ang mga magkakagrupo at kamalas-malasang napasama ako sa grupo ni Zacchaeus. “Smith, William, Harris, Clinton, Lynwood, Morgan...” napairap ako. Isang malaking kahibangan ang isama ako sa grupo nila! Si Geordi ay kasama sa grupo ang crush niyang si Aramis. Halos iwanan niya nga ako ng malamang kasama nga niya ito sa grupo. How dare her! “You can use the Lifestyle room if you need something for preparing the event.” inayos niya ang gamit at inilagay ito sa gilid ng braso niya. “This will also serve as your grade in other subject. Goodluck! You may start now.” Nang makaalis si Sir ay agad na tumayo ang mga kaklase ko at pumunta sa kaniya-kaniyang grupo. Hinigit ko ang braso ni Geordi nang tumayo ito. “Saan ka pupunta?” I asked. Ngumiti siya sa akin. “Sa asaw—este grupo ko. Bye!” nanlaki ang mata ko ng tumakbo siya papalapit kina Aramis. “Arghhh,” nasabunutan ko ang buhok ko sa inis. No choice kaya tumayo na ako at pumunta sa likuran kung saan nakabilog ang grupo namin. Kumuha ako ng isang upuan at umupo kasama nila. The awkward atmosphere is airing on our group. Tig-limang lalake at limang babae ang bawat grupo. Malas at yung mga babaeng ka-grupo ko ay yun pang mga hindi ko kasundo. “Hi Celestia!” Tyrio greeted me. Ngumiti ako sa kaniya. Napaismid naman sa gilid ang mga ka-grupo kong babae. “Start.” masungit na utos ni Zacchaeus. Umubo si Beau at nagsalita. “Tayo na lang ang bahala sa lugar!” saad nito. Tumango ang mga ka-grupo ko. “So, kailangan nating i-decorate at ayusin ang buong gym?” palihim akong napairap ng itanong ito ni Mia. “Obviously.” bulong ko. Sinamaan ako ng tingin ng mga kasama niya kaya natawa si Sage. “Easy there girls.” tawa nito at saka ako tinapik. “High blood mo.” bulong nito sa akin. Napatawa ako sa sinabi niya at the same time nakiliti dahil sa mismong tenga ko siya nagsalita. “Stop that. Wala tayong matatapos kung puro harutan ang aatupagin niyo.” I pouted when Zacchaeus scolded us especially me. Makaharot naman ito! I straighten my face. “What about the theme?” tanong ko. “Let it be as mystical as possible.” tumango ako sa sinabi ni Beau. “What are you talking about?” inosenteng tanong ni Noe. Binatukan siya ni Tyrio. “Napakamakakalimutin mo talaga. We're talking about the place for the event.” iritadong saad nito. “Don't tell me pati underwear mo nakalimutan mo rin?” “No.” umismid si Noe kay Tyrio. “The boys should get the chairs from the lifestyle room while girls, you should get the materials that we're going to use for decorating the stage.” I nodded at Zacchaeus. “Hindi natin yun matatapos ngayon.” sabi ni Janet. “That's why everyone should clear their schedules tomorrow. Exactly 8 am at the gym kailangan nandoon ma kayo.” Tyrio said seriously. Everyone nodded. Beau clapped his hands and stood up. “Kunin na natin yung mga gagamitin.” tumayo kami at lumabas na ng room. Napatingin ako kay Geordi, she's smiling like an i***t while looking at Aramis. Napatawa ako sa kaniya. She's really insane when it comes to Aramis. Sumunod lang ako sa mga kagrupo ko na bumaba ng floor namin. “Saan ba ang lifestyle room?” tanong ko kay Mia. She rolled her eyes at me at umuna sa paglalakad. “Ang sama nila sayo.” napatingin ako kay Noe na nagsalita. Lumalabas ang dimple niya sa bawat galaw ng pisngi niya. “Ganda ko kase.” biro ko sabay tawa. Akala ko ay makukuha niya ang joke pero sa tingin ko ay hindi dahil tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo bago tumango. “Ahh...oo nga no? Maganda ka nga!” saka ito tumawa ng may kasamang hampas sa hita niya. “G-gets mo yung joke ko?” tanong ko sa kaniya. Tumingin sa akin ito at kumunot ang noo. “Joke ba yon? Akala ko pinupuri mo sarili mo eh'.” sabay kamot niya sa noo. “Ahhh eh....uy Tyrio! Tawag ka ni Noe.” tinuro ko si Noe kay Tyrio. Nagpout naman si Tyrio at binagalan ang lakad. “Bakit?” tanong nito kay Noe. “Hindi kita tinatawag.” inosenteng sagot ni Noe. Napahampas ako sa noo. Napaka-inosente malma! “Niloloko mo lang ako eh!” saka ulit tumakbo si Tyrio kay Zacchaeus na masama ang tingin sa amin. “Ikaw kase bakit mo tinawag di ko naman pinapatawag.” sisi pa sa akin ni Noe. Napabuntong hininga ako. He really is the slowpoke in their group. “Iyan pa!” turo ni Mia sa kahon ng kurtina. Napakamot ako sa ulo. “Hindi ka ba tutulong?” iritang tanong ko. “Madudumihan ang kamay ko.” inirapan niya ako at saka tinalikuran. Nandito na kami sa lifestyle room at nakaalis na ang mga lalake. Kanina pa nila nahakot ang mga upuan sa may gym. Bukod tanging kami nalang mga babae ang nandito. At kanina pa din nila sa akin pinapabitbit ang kahon ng mga kurtina at iba pang pangdecor. Umismid ako sa mga kagrupo kong babae na nakaupo lang sa may lifestyle room habang nakatanggla sa ginagawa ko. “Aray!” hinawakan ko ang tuhod ko at tumingin sa nanalapid sa akin. “Serves you right.” saad ni Janet at iniwan ako roon. “Peste!” inis kong saad. Magpasalamat sila at mabait ako kundi matagal na silang lasog-lasog. Ipagpasalamat din nila at hindi pa ako marunong magcast ng spell! Naglakad na ulit ako papunta sa gym at ibinaba doon ang box. “Pa-ilang balik na yan ah?” biro sa akin nina Beau. Umirap ako sa kanila. Wala na din silang ginagawa dahil ang usapan ay bukas na lang kami magsisimula. Nakatambay lang sila doong lima habang nakaupo sa pinagpatong-patong na mono block chairs. Pumunta ulit ako sa lifestyle room at dinampot ang dalawang kahon. Bumaba ulit ako sa hagdan nang may bumangga sa akin. “What the?” saad ko ng makitang nagkalat ang laman ng box. Shit! s**t! s**t! Yung mga pangdecorate na artificial flowers. Agad kong pinulot ang mga ito ng may umapak sa kamay ko. “Ano ba!” tiningnan ko si Mia ng masama at hinigit ang kamay ko mula sa pagkakaapak. Pinagpatuloy ko ang pagpulot pero inapakan niya ulit ang kamay ko. “Aray! Isa na lang talaga. Wag mong antayin na ibuhos ko sayo ang mga pekeng bulaklak na to at magmukha kang patay na nakahandusay diyan.” banta ko sa kaniya tumawa lang siya sa akin bago iwanan doon. Hindi na nga tumutulong nang-iistorbo pa! My work continues. It frustrates the hell out of me whenever I saw my group mates sitting pretty on one corner. “Tapos.” bulong ko nang maibaba ang huling box sa gym. I clapped my hands once then tiredly sat on the gyms floor. I feel drained. Parang inubos ang buong lakas ko dahil doon. Naghagalpakan sila Beau kaya napatingin ako sa gawi nila. “Hanep! Patay na naman ako nito dadating na naman ang kapatid ko at paniguradong mangungun-sumisyon na naman ako dahil sa kaniya.” hagalpak ni Beau. Umirap naman si Tyrio. “Dadating sina ate.” sumimangot siya. Inakbayan ni Sage si Beau at Tyrio. “Abot-abot na sermon na naman ang aabutin natin!” sabi ni Sage saka tumawa. “Kailan nga ba ulit dating nila?” tanong ni Noe. Napangisi ako. Noe is so forgetful just like what his groupmates said. Napadako ang tingin ko kay Zacchaeus na may blangkong mukha habang nakatingin sa kawalan. I pouted, he really is cold. Matapos ang ilang minutong pagkukwentuhan nila ay tumayo si Zacchaeus. “Let's go.” saad nito at umalis na sa gym. Sumunod naman sa kaniya ang apat. “Now I'm left alone.” ngumuso ako at bumuntong hininga. I wonder if I'm not here. If I didn't saw Sir Cad manipulating rocks. Ano kaya ang ginagawa ko ngayon? Tumayo na ako at pumunta sa room. Dadaanan ko muna ang maharot na si Geordi at ipapaalam na uuwi na ako. Nadatnan kong walang tao sa room. “Nasan kaya sila?” I asked myself. Umupo muna ako at nag-intay. Wala namang masama kung matulog muna diba? Infact we have two more hours bago mag-uwian so a short sleep won't hurt, I guess? Umubob na ako sa silya at maya-maya ay hinila na ng antok. I woke up when I heard noisy voices. Tumunghay ako at agad na nanakit ang batok ko dahil sa ngalay. Nakita ko ang grupo ni Zacchaeus sa may likuran, they seemed to have fun kaya tumayo na ako at handang umalis nang may maramdamang malagkit sa palda. “Wtf?” Halos mag-init ang mukha ko ng makita ang kulay pulang malapot na likido sa may palda. “What the hell?” Saad ng mga lalake sa likuran saka sila nagtawanan. Gigil akong kumuha ng isang papel saka ito pinantanggal ng slime. Gross! Ang bastos talaga ng mga enchanters na 'to! “Celestia are you on your period?” Tanong ni Vito sa akin saka inabot ang blazer niya. “Uhm no. But someone did this to me. That's why I looked like one.” I said. “Uy si Vito!” Sigaw ni Tyson. Kaya mas lalong pumula ang pisngi ko. “Vito di mo naman sinabi na type mo si Morgan.” kantyaw ni Beau. Nagtawanan sina Branwen. Inis akong umalis sa room pero bago makalabas ay agad na nabasa ang buong palda ko! “Bakit mo ako binasa?!” Sigaw ko kay Zacchaeus na poker face na nakatingin sa akin. Damn it! Ngayon ay para akong naihi dahil sa basang-basa ang palda ko, not just my skirt but also my shoes. Itinapat niya ang kamay niya sa akin kaya napaatras ako. Don't tell me sasaktan niya ako? Pero bago pa ako maka-angal ay agad na humangin at natuyo ang palda ko. Natulala ako sa kaniya habang swabe niyang inilagay sa bulsa ang kamay. “Much better.” masungit na sabi nito saka nag-iwas ng tingin. Bakit? Napalunok ako. Lahat ng inis ko napawi damn! “A-aramis nasaan si Geordi?” I changed the topic by asking where the hell is my friend. “Clinic. Nahimatay kaya dinala doon.” napangiwi ako. I knew this would happen. Ang kulit talaga ng isang yon. “T-thanks.” sagot ko at napatingin sa gawi ni Zacchaeus bago umalis. Nagpahabol pa ng kantyaw sina Sage at Zac pero hindi ko na yun pinatulan pa. Ang mahalaga makapunta ako sa clinic kung nasaan ang abnormal kong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD